Actions

Work Header

ALEXUS

Summary:

Sang're Alena x Original Character (WLW/GXG/GL)

 

---

 

Hinubog mula sa liwanag ng palad ng makapangyarihan na Bathalumang Emre, si Alexus ay ipinababa mula sa kanyang tahanan, sa Devas, papunta sa Encantadia at binigyan ng responsibilidad na mapanatili ang pag-asa at tagumpay ng mabuti laban sa kasamaan.

Ngunit papaano kung kailangan niyang isakripisyo ang kanyang obligasyon para lamang sa isang diwata? Isang Sang'gre na umakit ng kaniyang damdamin? isang Encantadang kaya niyang mahalin nang higit pa sa mismong Bathaluman na kanyang pinagmulan?

Pipiliin nya bang bitawan ang mundo, o bitawan ang kaniyang mundo?

 

---

!! PAALALA !!

- Ang 'Encantadia' ay isang mitolohikang mundo na hindi ko orihinal na gawa.
- Nanggaling ang fantaserye na ito mula kay Suzette Doctolero.
- Tanging si ALEXUS lamang ang nagmula sa aking malikhain na kaisipan.

---

Chapter 1: Synopsis

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

 

 

 

 

 

ALEXUS

 

/aˈlek.sus/

 

(n.) Encantadong/encantadang nagmamahal lamang ng isa

(an encantado/encantada who only loves one)

 

Language: Enchanta

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ALEXUS played by...

Liza Soberano

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

SYNOPSIS,

Ang Kapanganakan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

     "... Malaki ang kasalanan ko sa aking apwe," sambit ng isang binata na tila isang paslit kung bumuo ng salita. "Kaya nais ko siyang tulungan. Mahabaging Emre..."

 

Sa isang payapang pook, kung saan ang tanawin ay napapalibutan ng matataas at matatandang mga puno at maaliwalas na hangin, dalawang pigura ng tao ang nakatayo sa patag at mataas na lupa— isa ay dakila, at ang isa ay isang encantadong pumanaw na. 

 

Si Kahlil, ang magandang lalaking kamamatay at kapupunta pa lamang sa Devas; sa mundo ng mga napayapang mabubuting encantado, ay tumingin ng nagmamakaawa sa Bathaluman. 

 

Ang kumikinang na dilaw sa kaniyang mukha ay umiwas sa mga mata ng binata sapagka't alam n'ya na ang nais ipahiwatig nito. 

 

"Sa pamamagitan ng iyong tulong, mapapadali na ang paghihirap niya."

 

Ang Bathaluman ay napatingin sa himpapawid— at sakaniyang matalas na pag-iisip ay napatigil. 

 

Maaaring mabuti ang sinabi ni Kahlil. Dulot ng kaniyang tulong ay mapapadali ni Lira ang kaniyang pagtitiis. Ngunit hindi ito maaari sapagka't kailangan pa ng diwani na pagdaanan ang mga pagsubok na nakalahad para sa kaniyang ikatatatag at ikalalakas. Datapuwa't ang ginawa ni Ether ay lubos na nakaka-kaba. Napaisip din ang kataas-taasang diyos. 

 

Tila ay matatagalan pa si Lira sa kaniyang pagbabalik sa kaniyang tunay na anyo kung siya lamang mag-isa ang tatahak ng kaniyang hindi kaaya-ayang landas. At kung ito ay hindi nalutasan ni Lira sa tamang panahon, maaaring gumawa ng hakbang si Ether na tiyak ay ikalalagot ng marami. Lalaban siya kay Emre. 

 

At kung wala si Lira, ang tinadhanang magbubukod ng mga nasirang pagsasama... 

 

Masisira ang ginawang mapanatag na Encantadia. 

 

Lumingon si Emre at naglakad patungo sa kagitnaan ng marangal na terasa. Sumunod naman si Kahlil. 

 

Itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at sa pagkamangha ni Kahlil, ang mga palad ng Bathaluman ay biglang lumiwanag ng ginto, palutang-lutang hanggang sa maging isang bola na ito ng liwanag sa itaas ng kanilang mga ulo. 

 

"Ipinapangako ko sa iyo, Kahlil..."

 

Bumuga ng isang malakas pa na liyab ang ilaw na dilaw, at kaunti-unting naghuhugis ng isang buhay.

 

"Matutupad ang iyong kahilingan para sa iyong kapatid."

 

Dahan dahan, bumaba ang liwanag, bumaba ang likha ng bathala— bumaba ito ng may hininga. Hanggang sa maabot na niya ang malamig na saligan. Unti-unting namatay ang liwanag, ang nagpakita ang nilikha. 

 

Siya ay natutulog pa ng mahimbing, nakahiga na parang isang sanggol na kasisilang pa lamang— katawan ay nakapalibot ng malambot na puting tela, hindi mukhang suot pambabae at hindi rin mukhang suot panlalaki, sakto ang pagkayakap sa sukat niya. Ang kaniyang braso at binti lamang ang napapalibutan ng matitibay na baluti, kulay ng langit at ulap. 

 

"Sino siya, Mahal na Emre?" Tanong ni Kahlil. 

 

"Ang pag-asa."

 

Lumakad ng mabagal ang Bathaluman at umupo sa tabi ng natutulog na kaniyang nilikha, at itinaboy ng masinsin ang makapal niyang buhok upang makita ng lubusan ang kaniyang maamong itsura. 

 

Balanse at pinong ang kaniyang mga tampok. Makinis at maaliwalas ang kaniyang balat. Ang kaniyang mga kilay ay makapal, malumanay na naka-arko, at maayos na umaayon sa kaniyang malaki, nakapikit na mga mata. Ang kaniyang ilong humahantong pababa sa isang maliit, mahusay na mga labi. 

 

"Alexus. Ang ngalan niya ay Alexus," ang bulong ng Bathala sabay tingin sa binata.  "Sapagka't isa lamang ang kaniyang mamahalin at nais kong mahalin niya." 

 

"Ano naman iyon, Mahal na Emre?"

 

"... Ang Encantadia," bulong ng Bathaluman. "Ngunit pansamantala lamang ang kaniyang tungkulin sa mundong kaniyang labis na mamahalin. At pagkatapos ng kaniyang misyon, siya ay muling magbabalik dito sa Devas."

 

Muling tumingin si Emre sa kaniyang likha.

 

"Siya ang pag-asa."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Notes:

—————
Static speaking,
Hindi ko alam kung may
nagbabasa o babasa sa librong
'to pero bahala na, as
long as na-e-enjoy ko XD

I'm also writing this to
give Alena some justice that
she deserves. Kinawaws nila sya
sa 2016, eh. So, I'm writing
this para naman kahit papaano
matupad yung hiling nya. Pero
gagawin ko naman syang WLW dito XD

And also, may potential GL
'yung face card ni Gabbi Garcia,
eh, LOL.
—————

Chapter 2: 'Bading'?

Chapter Text

 

 

 

 

 

    "Ama, ngayon na ba ang pagbaba ko sa Encantadia?"

Masabik na pang-anim na tanong ngayon ni Alexus habang siya ay nakahawak sa braso ng Bathaluman. Sya ay nakatiyad upang maabot ang tingin ni Emre, may suot na malaking ngiti sa kaniyang mga labi.

Nakatayo si Kahlil sa tabi ng diwani ng Devas, siya rin ay nakatingin sa Bathaluman ng may sabik.

"Hindi muna ngayon, Alexus."

Natanggal ang ngiti ng dalawa at napalapit naman si Kahlil.

Sa bagong paglikha kay Alexus, hindi talaga maiiwasan ang kaniyang pagkausyoso at malikot. Kahit na ginawa siya ni Emre, hinayaan niya itong magkaroon ng sariling pag-uugali, emosyon, at kagustuhan.

Naging malaking tulong naman dito ang mga basbas na ibinigay sa kaniya ng mga iba't ibang nilalang na nanggaling sa iba't ibang sulok ng Encantadia.

Lahat ay makapangyarihan, at ang mga kanilang dugo ay ipinatak sa isang ginintuang baso na iinumin ng diwani. Iba't ibang lahi ng dugo na nagsanhi sa pagkabuo ng kaniyang katangian. Ngunit ayos lang para sa Bathalumang Emre ang mga ito.

Basta't ang pagiging Alexus ay hindi dapat matanggal sa kaniyang isipan.

Naturuan naman siya kahit papaano ni Kahlil patungkol sa mga kakaunting bagay na nalaman niya sa Encantadia. Ginugugol rin nila ang oras nila Devas- habulan, taguan, at tawanan, na parang (bilang) mga bata.

"Ngunit Mahal na Emre, ang akala ko ba ay si Alexus ang magiging pag-asa ni Lira— upang siya ay makabalik sa dati niyang anyo?" Ang tanong ni Kahlil habang nagdugtong ang kaniyang mga kilay.

Kumalas si Alexus sa braso ng kaniyang ama at tumingin sa himpapawid. Dito ay malawakan at malinaw niyang nakikita ang diwani ng Lireo— si Lira. Ngunit hindi siya wangis ng isang maamong sang'gre kundi isang nakakasuyang nilalang.

Sya ay nakatago sa pinaka sulok ng kaharian ng Sapiro habang pinagmamasdan ang kaniyang ina, ama, ashti, at iba pang mga kawal na nakapulong sa lamesa na puno ng nakahigang mga sandata.

Kaawa-awa ang kaniyang itsura, mukhang naulila. Makikitang labis labis siyang nasasaktan sa katotohanan na walang sino man ang nakakikilala sakaniya, kahit na ang mga mahal niya sa buhay ay walang bakas ng kaniyang mga ala-ala.

"Kailangan munang harapin ni Lira ang kaniyang mga pagsubok, Kahlil, at anak," ang sabi ni Emre. "Upang sa gayon siya ay maging mas matatag sa mga darating pa na pagsubok. Batid n'yo naman kung ano ang kaniyang gagampanin."

Alam ni Alexus ang gampanin ng tinadhanang sang'gre. Ang misyon na ipag bukod ang nawasak na pagkakaibigan ng mga kaharian, encantado at encantada, upang sama-sama nilang malabanan ang kasamaan.

At siya ay ginawa ng makapangyarihang Emre upang siya ay matulungan sa panahon na ito. Dahil si Ether ay isang tusong Bathaluman— siya ay nakialam sa tadhana ni Lira. Kaya inilikha si Alexus upang matimbangan ang banal na interbasyon ng masamang Bathaluman.

Kung si Lira ang tadhana. Si Alexus ang kaniyang pag-asa.

"Kaya huwag kayong mag-alala Kahlil, anak. Dahil makakamtan din ni Lira ang labis labis na kasiyahan na nararapat para sa kaniya," sabi ni Emre. "Sa ngayon..."

Humarap si Emre sa kaniyang likha na si Alexus. Nakatalikod ang diwani, tahimik na pinagmamasdan ang himpapawid- ang kalagayan ng Encantadia

"Anak."

Lumingon si Alexus sa kaniyang narinig, si Kahlil din ay tumingin sa kaniya.

"Bago ka bumaba sa Encantadia upang matulungan si Lira, mayroong isang nilalang na kailangan mong tulungan."

Lumapit si Alexus sa dalawa. "Ano at sino naman ito, ama?"

Nilahad ni Emre ang kaniyang mga kamay, nilagay naman ni Alexus ang kaniya sa mga ito. Pinagmamasdan ni Kahlil ang pangyayari sa kaniyang harapan.

"Puntahan mo si Mira," dahan dahang lumaming ang mga palad ni Alexus at nagkaroon ng malamlam na liwanag. "Ipaalala mo sakaniya ang mundo na kaniyang iniwan. Ang mundong kinalakihan niya."

Bumitaw ang Bathaluman at dinuko ni Alexus ang kaniyang ulo upang magpakita ng respeto.

"Masusunod, ama," sabi niya na may halong sabik.

Binigyan ni Alexus ng ngiting paalam si Kahlil at nagsimula ng maglakad papalayo. Sandali, bigla siyang lumiwanag na puti at naging hugis pashnea, isang puting paru-paro, lumipad palabas ng Devas, at naglaho patungo sa mundo ng mga tao.

———

Mula sa bintana, pumasok si Alexus sa kwarto kung saan nakikita niya ang lumuwas na diwani ng Lireo. Pinaypay niya ang mga pakpak at lumapit sa natutulog na Mira.

Dahil sa dala niyang awra mula sa Encantadia, dahan dahang dumilat ang mga mata ni Mira at siya ay napatayo sakaniyang higa.

Nagtinginan ang dalawa. Ngumisi si Mira sa kagandahan ng anyo ni Alexus.

"Saan nanggaling ang paru-paro na ito?" Sa pagkakaalam niya ay hindi ganito ang itsura ng mga paru-paro sa mundo ng mga tao. Ngunit sa mundong pinanggalingan niya...

Lumiwanag ang paru-paro at mula sa liwanag, nagpakita si Alexus sa kaniyang tunay na anyo.

Dali dali namang tumayo ang diwani mula sa kaniyang higaan at tumingin kay Alexus, nanlalaki ang mga nakakurot na mata.

"Sino ka? Sinong nagpadala sa'yo rito?" Galit at takot na tanong ni Mira.

Hindi naman nag alangan ang nilikha ng Bathaluman. Siya ay basta lang nakangiti sa sang'gre ng puro, ang mga mata niya ay nagpapakita ng walang panganib o kabahala.

Naglakad siya papunta sa kabilang banda ng higaan kung saan naroon si Mira, si Mira naman ay nagtaas ng kaniyang mga kamao, handang lumaban.

"Huwag kang matakot, Mira. Pinadala ako ng Bathalumang Emre rito para sa iyo," ang mahinhin na sabi ni Alexus.

Nanatili ang katahimikan ni Mira at patuloy lamang siyang nakatitig ng masama sakaniya. Ngunit kahit na ganon, may bahid parin ng pagtataka sa kaniyang isip.

"Huwag mo akong linlangin, Encantada. At huwag mong ginagamit ang pangalan ng dakilang Emre para manloko ng sino man," nakataas parin ang mga kamao ni Mira habang sinasabi ang mga ito.

"Batid ko na hindi mo ako paniniwalaan." Itinaas din ni Alexus ang kaniyang mga kamay, ngunit hindi ito nakakuyom gaya ng kay Mira. "Hawakan mo ang aking mga palad. Nang sa ganon ang maunawaan mo," sabi niya bahang patuloy na nginingitian ang diwani.

Nanatili parin si Mira. Pero dala ng kaniyang labis na pagkalito, unti unti ay kinalas niya ang pagka kamao ng kaniyang mga kamay. Dahan dahan na lumapit kay Alexus, at nilagay ang mga palad kay Alexus.

Naramdaman ng diwani ang lamig mula sa kaniyang kamay.

"Mira," narinig niya ang bulong ng Bathalumang Emre. "Narito ang aking anak— upang ikaw ay sunduin..."

Walang sino man ang nakaririnig sa boses ng Bathaluman kundi siya lang. Hindi rin alam ni Alexus kung ano ang mga binibitawang salita ng kaniyang ama sa sang'gre, pero alam niya na pina pabatid nito ang katotohanan ng pagkatao niya.

Pagkatapos ng ilang segundo, inalis ni Mira ang kaniyang mga kamay sa kamay ni Alexus at tumingin sa kaniya.

"Anak ang tawag sa iyo ni Emre," ang sabi ni Mira, muling nagtataka. "Isa ka rin bang Bathaluman?"

Napatawa ng marahan si Alexus sa banggit ng diwani. "Hindi, mahal na sang'gre. Ako ay inilikha niya lamang upang magsilbing pag-asa na maisatupad ang tadhana ng Encantadia. Ang tadhanang winasak ni Ether sa pamamagitan ng pagsumpa niya sa tunay na Lira. Sa iyong hadia."

"Kay Lira? Anong sumpa ang ibinigay ng Bathalumang Esther sakaniya!?" Galit at kabadong tanong ni Mira.

Ipinaliwanag ni Alexus kay Mira ang mga masasamang pangyayari kay Lira. Kung paano nagbago ang kaniyang wangis, ang kaniyang boses, at kung paano tinanggalan ni Ether ang mga encantado at encantada ng alaala tungkol sa kaniya. Ang paglimot nila sa nawaring prinsesa ng Lireo.

"Kung walang naka aalala sakaniya, bakit ko parin siya kilala?" Tanong ni Mira, boses niya ay mahina sa lungkot para sa kaniyang hadia.

"Sapagka't ikaw ay naririto sa mundo ng mga tao. Isinumpa siya ni Ether ng pagkalimot sa kaniya ng buong Encantadia. Hindi kabilang ruon ang mundo na ito," pagpapaliwanag pa ni Alexus.

Tumahimik si Mira at napatingin sa ibaba. Parang siya ba ay may iniisip.

"Kung gayon ay kailangan ko na talagang sumama sa iyo— para matulungan si Lira," tila malungkot na sambit ni Mira.

"Ganon na nga, sang'gre," ngiting malungkot ni Alexus.

Huminga ng malalim ang diwani at lumakad palayo, sa baba ng higaan, may kinuha siya na lalagyanan na di malayong nanggaling sa Encantadia.

"Kung gayo'y, ako'y gagayak na sa ating pagbabalik sa ating mundo."

Tumango si Alexus at tumalikod upang pagmasdan ang mga iba't ibang bagay na hindi pamilyar sa kaniya habang nagbibihis si Mira. Kinakalikot ang mga libro na may nakasulat na mga letrang hindi niya alam basahin, nagbubukas ng ilang mga bagay na parang taguan ng mga gamit at pinupulot ang mga maliliit na bilog na bakal na mukhang ginto.

Kinabahan din siya nang may makita siyang isang maliit na tao na nakapako sa isang krus at hindi ito gumalaw. Tila isa siyang tao na pinarusahan dito sa pamamahay ng pinagtutuluyan ng diwani.

'Matindi pala ang mga parusa nila rito sa mundo ng mga tao,' sabi sa isip niya.

Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na si Mira sa kaniyang pag-aayos.

Siya ay nakatayo sa harap ng isang salamin, pinagmamasdan ang kaniyang sarili.

"May bumabagabag sa iyo, mahal na sang'gre," pahayag ni Alexus.

Tahimik lamang si Mira ngunit narinig niya ang sinabi ni Alexus.

Naglakad naman papunta sakaniya si Alexus kaya't napatingin si Mira sa kaniyang mga mata.

"Tila't ikaw ay nagdadalawang isip sa iyong pag-uwi," dagdag nito nang nasa harap na siya ni Mira.

"Ninais kong huwag nang bumalik muli sa Encantadia," pagtatapat niya sabay tingin sa baba upang maiwasan ang mga mata ni Alexus. "Puro pananakit at hinagpis lamang ang dinaranas ko roon. Siguro naman ay—" bigla siyang napatigil. "—Kaya mong tulungan si Lira ng mag-isa." Muli siyang tumingin sa mga mata ni Alexus. "Tutal ikaw naman ang anak ng dakilang Bathaluman. Hindi ba?"

"Alam mo naman ang paraan ng Bathalumang Emre," ang sagot naman ni Alexus. "Hindi siya gumagawa ng direktang interbasyon sa mga pagsubok na dinaranas ng Encantadia. Nang sa ganon ay sila magkaroon ng katatagan."

Tumahimik muli ang diwani at tinignan ang sarili sa salamin. "Hindi ko pa rin alam kung buo na ba ang loob ko sa pagbalik ng Encantadia."

Kumurap si Alexus, ang ngiti niya ay naglaho na at nakatingin siya kay Mira na parang siya ay isang kaawa-awang nilalang.

Siya ay nag buntong hininga at itinaas ang kaniyang mga braso upang hawakan ang mga pisngi ni Mira sa kaniyang mga palad. Walang nagawa ang diwani kundi tumingin sa kaniyang mukha. Tinignan niya ito sa mga mata, at ang kaninang lamig na naramdaman ni Mira sa kaniyang mga kamay sa kamay niya ay muli niyang naramdaman sa kaniyang mga pisngi.

"Mira," bulong ni Alexus. "Alalahanin mo ang mundo na iyong iniwan." Lumiwanag ng malamlam na asul ang mga palad niya. "Alalahanin mo ang iyong kinalakihan."

Hindi maiwasang ikurap ni Mira ang kaniyang mga mata.

Kahit laban sa kaniyang kalooban, ang mga masasarap at masasayang alala niya sa Encantadia ay nagsipasok sa kaniyang isipan. Mula sa kaniyang unang paggamit ng evictus kasama ng kaniyang ina-inahan, ng kaniyang tunay na ina, at ng kaniyang mga ashti hanggang sa mga alala na kasama niya ang mga ito.

Naramdaman ni Alexus ang maligamgam na alat sa kaniyang mga malamig na kamay. Ang mga mata ng diwani ay tumatangis.

Hinay hinay na binuksan ni Mira ang kaniyang mga basang mata.

"Bakit ganito?" Iyak na sabi niya. "Anong nagyayari sakin? Bakit nangungulila parin ako sa aking mga kadugo, at sa Encantadia? Kahit na hindi malagpasan ang sakit na dinanas ko roon?"

"Dahil malalim man itong nakatago sa iyong puso, Mira. Ang pananabik na makasama muli sila ay hindi matatanggal." Hinaplos ni Alexus ang kaniyang hinlalaki sa malambot na pisngi ng diwani upang mapunasan ang kaniyang mga luha. "Dahil kahit na kailanman, hindi mahihigitan ng sakit ang kasiyahan na kapiling ang iyong mga kadugo."

Tumahan si Mira sa kaniyang pag-iyak at isinandal ang kaniyang pisngi sa palad ni Alexus upang matikman pa ang mga alala na narito.

Biglaan, ang pinto ng kwarto ay bumukas. Napa hingal ang taong pumasok sa kaniyang nakita. Lumingon naman ang ulo ng dalawang diwani.

Isang babaeng mortal na nakatali ang buhok at may suot na mukhang pantulog.

"Oh, my Gosh..." Biglang tumingin na para bang nandidiri ito kay Mira. "Ikaw, malandi ka palang babae ka! Pina tira ka na nga ni sir Anthony rito sa bahay niya tapos mandadala ka pa ng bading dito para ikama?" Galit na sumbat nito habang nakaturo kay Mira.

"Malandi?" Patanong na sabi ni Mira.

"Bading?" Ang tanong naman ni Alexus.

"Napaka walang hiya niyo naman— at bakit ganiyan yung nga suot nyo? Nag ro-roleplay pa talaga kayo ha!" Naiinis na ang tono ng boses niya habang ang dalawang di-tao na kaniyang dinudusta ay parehong nalilito sa mga binibitawan niyang salita.

Nagpasiyang magsalita si Alexus nang napairal ang kaniyang pagkausyoso.

"Ano ang ibig sabihin ng 'bading'?"

"Magtatanga-tangahan pa talaga kayo, eh, kitang-kita ko naman na naghahalikan kayo, oh!" Itinuro niya ang daliri ng paliwas-liwas sa kanilang dalawa.

"Nagkakamali ka—" Naputol ang sasabihin ni Alexus ng magsalita si Mira.

"Aalis na ako," sabi sa mortal na babae. "Babalik na ako sa mundong aking pinanggalingan." Huminga ng malalim si Mira, para bang sinusubukan niyang sungkitin ang sasabihin niya. "Pakisabi nalang ang mga ito kay Anthony."

"Aba, ang kapal mo naman na pagsabihan ako!—"

Habang nagsasalita pa ang babae, kinuha at hinawakan ng biglaan ni Mira ang kamay ni Alexus.

Parang bula, biglang naglaho ang dalawa, napapalibutan ng bughaw na mahiwagang usok ang kung saan sila nawala.

Nanlaki naman ang mga mata ng babaeng mortal at kagyat na nahulog sa sahig.

"Yaya, I heard some noises," isang boses ng lalaki ang nagsalita mula sa labas ng kwarto. "Are you and Mira fighting again—" napahinto ito nang makita niya ang babae na nasa sahig.

Lumingon siya sa kama at sa pagkataka niya...

Wala na si Mira.


———


"Mira, anong ibig sabihin ng 'bading'?"

Tanong ni Alexus habang sila ay lumalakad sa isang daanan na puno ng mga kakaibang pashnea, hugis parisukat na may apat na paa na hugis bilog. Sa pagkamangha ni Alexus, hindi niya maiwasan na tumingin sa mga bintana ng pashnea at laking gulat niya naman nang makita niya na may mga tao na nasa loob ng mga ito.

Medyo marami-rami ang mga tao rito, mga taong tumitingin sa kanilang direksyon sa tuwing sila ay dadaanan.

"Paumanhin, Alexus," ang sabi ni Mira. "Ngunit hindi ko rin alam ang ibig sabihin ng katagang ito."

Nag buntong hininga si Alexus. "Nakadudurog naman ng puso, kung ganon."

Pagkatapos non ay nagsimula siyang magtanong sa iba pang mga taong nadaraanan nila ngunit bago pa niya makuha ang mga sagot, hinihila siya parati ni Mira. Ang iba naman ay tinitignan siya ng masamang tingin, umiiwas, o kaya naman ay tinitignan lang siya na parang isang abnormal na encantada.

"Mawalang galang na, binibini," pagsabi ni Alexus sa isang babae na nag pa paypay ng usok. "Alam niyo ba kung anong ibig sabihin ng 'bading'?"

"Costume party ba ang pakay nito...?" Bulong niya at tinignan niya si Alexus mula ulo hanggang paa. "'Bading'? Nakakatuwa ka naman, siguro taga ibang region ka, no?" Nakatingin lamang si Alexus ng naghihintay.

Hindi naman napansin ni Mira ang paghinto ni Alexus kaya siya ay patuloy na naglakad.

"Ang ibig sabihin nito saamin," sinimulan ng babae. "Ito yung tao na nagmamahal—"

"Halika na, Alexus." Hinila ni Mira, pang limang beses na ngayon, si Alexus bago pa man matapos ng babae ang kaniyang sasabihin.

"Ang bastos naman ng kaibigan niyang yun," sambit ng babae at pinatuloy na ang kaniyang pagpaypay.

Mukhang naiirita na ang diwani sa katigasan ng ulo ng anak ng Bathala. "Huwag ka ng magtanong, hindi naman ito importante. Ang mas importante ngayon ay ang makapunta na tayo sa Encantadia."

"Teka lang Mira—" Nahila siya ng tuluyan.

Sa kanilang mabilisan na paglalakad, salamat sa paghila ni Mira kay Alexus, nakarating na sila sa kanilang patutunguhan.

Isang malaking pader ng bakal ang nasa kanilang harapan, napapalibutan ito ng mga halaman at bronse sa sobrang tanda.

Naaalala ni Alexus ang pader na ito. Nakita niya mula sa Devas, sa ilog kung saan nakikita ang mga pangyayari sa tatlong lagusan sa pagitan ng mundo ng mga tao at Encantadia, kasama niya Khalil duon nang katatapos lang nilang maghabulan sa mga hardin ng Devas.

"Kung sanang hindi ka nag likot, kanina pa tayo nandito," sabing naiinis ni Mira. "Hindi ko alam kung anak ka ba talaga ni Emre at ganiyan ang iyong galawan."

Napatingin naman sa ibaba ang nawari. "Paumanhin Mira, ngunit ako ay kalilikha palang ng Mahal na Emre noong nakailang araw pa lamang. Kaya't ang aking isipan ay hindi pa naka-aangkop sa mga bagay na labas sa Devas."

Napawi naman ang inis ni Mira. "Gayun pala... Maipapaliwanag nito kung bakit tila para kang paslit kung mag-isip."

Napatawa naman si Alexus at kinati ang kaniyang batok. "Ganon na nga, Sang'gre. Kahit ang Encantadia nga lang ay hindi ko pa alam kung papaano ang pagbuhay rito."

Tumingin muli siya sa mga mata ni Mira na para bang nasasabik.

"Pero nalaman ko na kung anong ibig sabihin ng 'bading'!"

Kumurot ang kilay ni Mira. "Ano?"

"Ang sabi ng babaeng tao kanina, ito ang tawag nila sa isang taong nagmamahal," tuwang-tuwa at inosente niyang sinabi.

Napatawa naman ang diwani sa asal bata ng kaniyang kasama.

"Kung ganon, Alexus." Tumingin pataas si Mira sa pader. "Ikaw ay magiging bading sa Encantadia."

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 3: Power Puff Girls

Chapter Text

"... NAIS KONG PARAANIN MO KAMI RITO!" sigaw ni Mira sa pader habang si Alexus ay nakatayo lamang sa likod niya, nagtatago.

Hindi niya talaga nagustuhan ang pangalawang daanan ng mga bandido simula nang nakita niya ito sa ilog ng mga lagusan sa Devas. Para sakaniya, nakakatakot ang bigla nalang paglabas ng isang higanteng mukha sa isang pader. Hindi naman napigilan ang pang-aasar sakaniya ni Khalil dahil dito.

Akma sa tiyempo, isang malaking mukha ang bumulaga mula sa pader. Nanlaki ang mga mata ni Alexus ng sandalian.

"Ano ang kailan mo, ashtading diwani?" Malupit na dura ng malaking mukha.

"Batid mo kung ano ang nais namin!" Sigaw ni Mira. "Nais naming makapasok ng Encantadia!"

"Alam niyo naman kung ano ang kailangan niyong ialay saakin," ang sabi naman ng mukha. Alam ni Mira kung ano ang kailangan nilang ibigay. At alam din iyon ni Alexus. Ngunit tutol ang dalawang diwani.

"Paumanhin na, Mukha ng Lagusan," sabat ni Alexus, malakas din ang kaniyang boses, kagaya ng kay Mira. "Ngunit hindi kami mang-aalipin ng tao para lamang ibigay sa mga bandido!" Mahinahon na pasigaw niyang sinambit.

"Kung gayon ay hindi kayo makakapasok," ang sabi ng mukha at siya ay naglaho pabalik sa pader.

Dumaing si Mira sa inis, si Alexus ay nag buntong hininga lamang.

Napatingin naman si Mira sakaniya. "Alexus- hindi mo ba kayang pakiusapan si Emre upang tayo'y makapunta na sa Encantadia ng mabilisan?"

"Sa pagkakakilala ko sa aking ama, marahil ay hindi niya tayo direktang dadalhin sa Encantadia," pahayag ni Alexus. "Ngunit naninigurado ako na tutulungan niya tayo sa ating pagpunta duon."

Huminga ng malalim si Mira at tumango sa pag-intindi.

Ngumiti si Alexus - "HINDI MO BA TALAGA KAMI PAPANSININ!?" - Tumalon si Alexus. Ang sigaw ni Mira ay hindi parin pinansin. "PUWES, HINDI AKO TITIGIL!"

Pinanood ni Alexus ang nangyayari sa kaniyang harapan gamit ang nanlaki niyang mga mata niya.

Si Mira ay lumakad papunta rito, akala ni Alexus ay susuntukin ng diwani ang pader, ngunit yumuko ito at kumuha ng malalaking bato sa ilalim. Bumalik ulit si Mira sa kaniyang puwesto at nagsimulang batuhin ito at sabay na sigawan.

Huminga na malalim si Alexus at tumalikod, naglakad ng iilang hakbang papalayo at tumingin sa bughaw na langit.

"Ama kong mahabaging Emre," bulong niya sa hangin. Ang boses ni Mira at ang ingay ng patuloy na pagbato niya sa bakal na pader ay naririnig parin. "Nagmamakaawa ako... Tulungan niyo kami ni Mira."

Sa kasulok-sulukan ng kalangitan, ang ikatlong lagusan ay kusang nagbukas. Isang sinag na hugis kidlat ang umarangkada.

Ang hiling ni Alexus ay napakinggan ng kaniyang ama.

"Mira!" Ang tawag ni Alexus.

Mabilis naman lumingon ang ulo ni Mira at dali dali niyang tinaas ang kamay niya nang mahagip niya ang espadang papunta sa kaniya.

Sumakto naman ang kapitan sa kaniyang kamay.

Isang sandata- espada. Mayroon itong pulang diyamante, ang hawakan ay nakabalot ng mayaman na katad.

Huminga ng maluwag si Alexus at tahimik na nagpasalamat kay Emre.

"Mira-? MIRA!"

Nanlaki ang mga mata ni Alexus nang laslasin ni Mira ang pader.

Ang buong pag-aakala ni Alexus ay tatakutin niya lamang ang Mukha ng Lagusan gamit ng kaniyang sandata. Ngunit nagkakamali siya.

"Bakit mo ako sinusugatan!?" Dinaing ng mukha.

"Ayaw mo kaming papasukin, ha? Susugatan pa kita!" Muling tinaga ni Mira ang pader, kaya lumaki pa ang mga gasgas nito.

"TAMA NA!" Sigaw ng mukha. Napatahan naman nito si Mira. "Sige- papapasukin ko na kayo."

"Yan ang tamang desisyon mo. Halika na, Alexus- Alexus?"

Nakatayo lamang si Alexus sa kaniyang tinatayuan habang nakatingin ng nag-aalala sa mga malalalim na sugat ng pader.

Huminga ng malalim si Mira at naglakad papunta kay Alexus, hinablot ang kaniyang kamay, at lumakad papunta sa lagusan.

 

———

 

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo rito!?"

Dalawang bandido, kasing puti ng gatas, pero may mga ugat ng itim na kasing sama ng lagim.

"Napakagandang bungad," ngumiti si Mira at itinaas ang kaniyang sandata. "Nasa Encantadia na nga ako."

Lumusob ang dalawang bandido.

Si Alexus? Nasa likod ng diwani.

Hindi sa hindi niya kayang lumaban. Nang siya pa ay nasa Devas, madalas siyang turuan ng Bathalumang Emre at ng iilan pang mga kawal dito. Ang rason kung bakit hindi siya pumapalag sa mga bandido ay ayaw niyang masaktan ang mga ito.

Umatras si Alexus nang mapaluhod ang isang bandido. Ang espada ni Mira ay nasa ilalim ng leeg ng bandido.

Napansin ng diwani ang hindi paggalaw ni Alexus. Tumingin si Mira sakaniya at itinaas ang kaniyang kilay.

"Hindi mo ba ako tutulungan?" Tanong ni Mira.

"Eh..." Kinati ni Alexus ang batok niya at itinuro ang dalawang bandido— ang isa ay ng walang malay. "Hindi mo na kakailanganin ng tulong ko, oh."

Inirapan niya si Alexus at huminga ng malalim. Tumingin nanaman siya pababa sa bandido.

"Sabihin mo sakin kung nasaan si Reyna Amihan," pabanta niyang sinabi ito.

"Hindi ko alam kung nasaan ang dating reyna ng Lireo," natatakot na sabi ng bandido. "Nagsasabi ako ng totoo!"

"Pashnea..." Naiinis na bulong ni Mira at ibinaba ang kaniyang sandata. Tumakbo naman papaalis ang bandido.

Tumingin muli si Mira kay Alexus, naglalakad na siya papunta sa kaniya.

"Paano natin niyan matutunton ang aking ina at si Lira?" Tanong ni Mira nang makalapit na siya sa kaniyang tabi.

Ng walang sinasabi, lumuhod si Alexus at kumuha ng isang dilaw na dahon mula sa balas.

"Ano naman gagawin mo jan?"

Hindi sinagot ni Alexus ang tanong ni Mira. Bagkus, tinakpan niya ang dahon gamit ng dalawa niyang palad. Tinignan ito ng may pagtataka ni Lira. Si Alexus naman ay napangiti ng mayroon siyang maramdaman na gumagalaw sa loob ng mga palad niya.

Binaklas ni Alexus ang kaniyang mga palad, mula roon ay lumabas ang isang dilaw na retre; lumipad, ngunit hindi papalayo, kundi pataas; sa harapan nilang dalawa.

"Kamangha-mangha ang iyong kakayahan Alexus," puri ni Mira ng nakangiting pag-asa kay Alexus.

Nginitian ni Alexus ang diwani at lumingon sa retre.

"Kaibigan, mas kilala mo ang lupa ng Encantadia kesa saamin. Maaari mo bang matukoy kung nasaan ang Reyna Amihan ng Lireo?" Tanong ni Alexus sa maliit na lumilipad na nilalang.

Inikutan ng retre ang dalawang diwani, napangisi naman sila sa tuwa. Pagkatapos non ay lumipad ang paru-paro palayo sakanila.

"Tinuturo niya ang daan," sabi ni Alexus, hindi kailanman natatanggal ang kaniyang ngiti. "Halika na, Mira?"

Hinatak ni Alexus ang kamay ng sang'gre at dali daling sumunod sa nilalang.

 

———

 

Matagal na oras na silang naglalakad, sinusundan ang retre.

"Sigurado ka ba na itinuturo tayo ng retreng yan sa paghahanap kay Lira?" Pagod na daing ng diwani.

Ngumiti lang si Alexus at hinawakan ang kamay ni Mira upang hindi ito maiwan. "Sa pagsabi mo niyan, mahal na sang'gre, ay para ka na ring nawawalan ng pag-asa."

Nagbuntong hininga si Mira at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang biglang mayroong isa pang pashnea na lumilipad ang pinuntahan sila- hindi. Pinuntahan ang inilikha ng nilalang ni Alexus, at umalis na ito. Ang retre ni Alexus ay naiwan sa taas; sa tabi ni Alexus.

"... Des? Ades! Huy, wait mo naman ako!" Isang malalim na boses ang narinig nila.

Lumingon ang dalawang diwani, sa kanilang mga mata, ang unang nakita ay dalawang matutulis na sungay.

Agad itinaas ni Mira ang kaniyang espada. Tinignan ito ng may inosenteng pagmumukha ni Alexus.

Ang sungay ay unti-unting lumapit, lumabas sa mga berdeng dahon, at nagpakita sa kaniyang sarili. Tila ba'y nagulat ito nang nakita niya ang dalawang diwani.

Lumaki ang ngiti ni Alexus.

Siya si Lira. Ang pangit na nilalang sa kanilang harapan. Ito si Lira. Tandang tanda ni Alexus ang kaniyang wangis pagkat madalas niya itong pagmasdan sa himpapawid ng Devas.

"Mira!?"

"Lira!" Sigaw ni Alexus kasabay ng pashnea- ni Lira.

Napahinto sina Mira at Lira.

"Kilala mo ako?"

"Siya si Lira?"

Parehong nagtanong ang dalawa. Huminga ng malalim si Alexus at tumingin kay Mira. "Oo, Mira. Naaalala mo ba ang ikwinento ko sayo sa mundo ng mga tao? Ito siya," tumingin siyang muli kay Lira.

Si Lira na hindi niya na ngayon kawangis. Hinahawakan nito ang sarili niyang mga kamay habang pinagmamasdan sila.

"Siya si Lira," sabi ni Alexus.

Kulumubot ang kilay ni Mira habang tumitingin siya sa kaniyang hadia. Mukhang hindi siya makapaniwala.

"Lira?" Bulong nito.

Lumapit sakaniya si Lira.

"Oo beshy, ako to, si Lira!" Tumitiling sabi nito.

"Totoo pala... Na ikaw ay naging wangis pashnea," nag-aalalang sabi ni Mira.

"Naaalala mo ako?" Tanong ni Mira, ngunit halata ang sabik sakaniyang tono. "Paano? Atsaka bakit ka nandito- diba pinabilin kita kay Anthony? Atsaka sino tong kasama mo?" Binulong niya ang huling parte na parang hindi ito maririnig ni Alexus. Si Alexus, walang nagbabago sa diwani ng Devas, siya ay nakangiti parin.

"Ipinasundo siya saakin ng Bathalumang Emre," sagot ni Alexus.

"Ha!? Bakit? Ano meron?" Pasunod sunod na tanong ng diwani ng Lireo. "Atsaka sino naman tong cute na pashmina na to?" Tinuro niya ang retreng inilikha ni Alexus.

Binuksan ni Alexus ang kaniyang mga palad at dumapo rito ang paru-paro.

"Magpahinga ka na, kaibigan. Maraming salamat sa iyong tulong." Isinara ni Alexus ang kaniyang palad at pagbukas nito, isang dilaw na dahon na lamag muli ang retre.

"Huy, grabe, magic! Pano mo nagawa yun?" Manghang pagtanong ni Lira.

Ipinaliwanag ni Alexus at Mira ang mga sitwasyon na nangyari. Nag-umpisa sa pinanggalingan ni Alexus, sa kaniyang misyon na maging pag-asa ni Lira, at sa kaniyang pagsunod kay Mira.

"Wait, wait, wait, wait," sabi ni Lira nang matapos na silang magpaliwanag sakaniya. "So, like, ikaw-" tinuro niya si Alexus. "-Anak ka talaga ni Emre? Legit? Parang si Papa Jesus?"

Bumaba ang mga kilay ni Mira at Alexus.

"Papa Jesus?" Balik na tanong ni Alexus.

"Papa Jesus, yung- yung anak din ni God- este, ng Bathala sa mundo ng mga tao na pinababa dahil sa sobrang pagmamahal niya sa mga tao," pagpapaliwanag ni Lira.

Tumango naman si Alexus. "Ganon din ang aking ama. Sa tindi ng pagmamahal niya sa mga nilalang na naninirahan sa Encantadia, ako ay kaniyang nilikha upang hindi mamatay ang pag-asa."

"Kaya pala mukha kang angel, no?" Sabi ni Lira, kinukurot ng mahinhin ang pisngi ni Alexus. "Tignan mo naman, oh, napaka flawless ng mukha mo."

Pumilit nalang ng tawa si Alexus, hindi naiintindihan ang kalahati sa mga salita ni Lira.

"Hayst, siguro naman hindi ka nila papakuin sa krus, no?"

Lumaki ang mga mata ni Alexus. Bigla namang pumasok sa isip niya ang isang taong nakapako sa krus sa silid na tinitirahan ni Mira sa mundo ng mga tao. "A- ano?"

Tumawa si Lira sa reaksyon na kaniyang nakuha. "Ano ka ba, joke-joke lang yun. For sure naman paniniwalaan ka nila rito na anak ka ni Emre."

Bago pa man magtanong si Alexus, nagsalita si Mira.

"Wala na tayong panahon para magdaldalan pa rito," sabi ni Mira. "Kailangan na nating malutasan yang problema mo."

Dumainding naman si Lira. "Yung kasing bruhang Ether na yun, eh!" Nagdabog siya, tinatadyak ang mga paa sa lupa. "Inggit lang kasi sa kagandahan ko yung ahas na yun, eh. Palibhasa, mukha siyang uod."

"Uod? Ano ang u-"

"Saan mo siya huling nakita?" Sabat ni Mira pagka't alam niya na magtatanong ng magtatanong ang diwani ng Devas sa mga katagang sinasambit ni Lira.

"Malapit lang dito, eh," tumingin tingin si Lira sa paligid.

"Mabuting alam mo ang pinaroroonan niya," sabi ni Mira. "Madali natin siyang matutunton upang labanin."

"Ano!?" Parehong sabi nila Lira at Alexus.

"Mawalang galang na, Mira," mahinhin na sabi ni Alexus. "Ngunit isang Bathaluman ang iyong binabalak na kalabanan." Tumango si Lira sa mga ito.

"Atsaka natatakot ako, beshy," mahinang sabi ni Lira.

"Ano ba kayong dalawa!?" Tinuro ni Mira si Alexus. "Ikaw. Diba anak ka ni Emre? Bakit natatakot ka na kalabanin ang isang Bathaluman kung anak ka rin naman ng isang Bathaluman?"

Magsasalita sana si Alexus ngunit inunahan ito ni Mira.

"At ikaw!" Napunta naman kay Lira ang nakaturo niyang daliri. "Matatawag mo bang sang'gre ang sarili mo? Anong pinagsasasabi mo na natatakot ka? Tila ay isa ka parin tao sa puso— matatakutin, duwag, at hindi kayang lumaban. At kung ayaw n'yong lumaban— uuwi nalang ako."

Hinila ni Lira si Mira nang maglakad na sana siya paalis.

"Teka lang!" Sabi ni Lira habang nasa braso ni Mira ang palad niya. Napahinto naman si Mira, si Alexus ay pinapanood lamang sila. "Siguro nga na sa puso ko, para akong isang tao- duwag, hindi marunong sa sword fight sword fight na yan, hindi kagaya mo. Hindi tayo parehas ng kinalakihan."

Kahit malalim ang boses ni Lira at hindi ito kaaya-aya, maririnig parin ang bahid ng lungkot sa boses niya.

"Pero kakayanin ko," sabi ni Lira. Ngumiti si Mira, si Alexus naman ay napailalim ang hinga. "Kakayanin ko kasi- kasi kaya mo rin, eh! At ipaghihiganti ko yung sarili ko dun sa bruhang Ether na yun."

"Tama ka, Lira," sabi ni Mira.

"Ngunit mga mahal kong sang'gre," pagsasabat ni Alexus. "Masiyadong malakas ang kapangyarihan ng Bathalumang Ether, hindi kakayanin ng dalawang diwani ang isang banal na nilalang," pagbabanta niya.

"Eh, diba banal ka rin?" Pagtataka ni Lira.

"Ngunit diwani Lira—"

"Ang sabi mo ay magsisilbi ka bilang pag-asa ni Lira. Iyon din ang pinayong responsibilidad sayo ng iyong ama, hindi ba?" Sabat ni Mira.

Kinagat ni Alexus ang kaniyang labi at nagbuntong-hininga. Tumango nalamang siya ng walang magawa.

"Sige na, papayagan ko na kayo- pagka't delikado si Ether, gagawin ko nalang ang aking makakaya upang protektahan kayo."

Tumili si Lira. "Yieee, oh, my gosh, squad girls na tayo!"

Itinaas ni Lira ang palad niya, hinaharap kay Mira at Alexus.

Nang mapansin niya na walang alam ang dalawa sa kaniyang ginagawa, kinuha niya ang kamay ni Mira, at pinalo ito ang palad nito sa kaniyang palad- gayun din ang ginawa niya kay Alexus.

"Yannn," sabi ni Lira. Si Alexus ay nakatingin sa kaniyang palad, hindi mawari kung ano ang ginawa ng diwani ng Lireo. Si Mira naman ay takang nakatingin sa kaniyang hadia. "Parang Power Puff Girls na tayo niyan!"

Bumaba ang kilay ni Alexus.

"Power Puff Girls?"

 

———

 

"Dito! Dito ko siya huling nakausap noon," pagtuturo ni Lira sa lugar pagkatapos nilang maglakad ng di kalayuan.

Mayroon siyang dala dalang espada na kinuha niya ng patago sa Sapiro.

"Sigurado ka, Lira?" Tumingin sa paligid si Mira. "Tawagin mo na siya."

Lumingon ng mabilis ang ulo ni Lira kay Mira. "Ha? Bat ako!?"

Si Alexus ay tahimik lamang na nasa tabi nila, nagmamasid masíd sa mga sulok ng baka biglang magpakita si Ether.

"Anong bat ikaw? Sino ba ang may suliranin?" Tanong ni Mira, ang espada niya ay nakataas, handang lumaban.

"Ako," mahinang sabi ni Lira.

Ang dalawa ay halos magdikit na sa sobra ng kanilang pagtabi sa isa't isa. Si Alexus naman ay nasa tabi lang nila.

"Sinong tatawag?" Tanong ni Mira.

"OKAY! Fine- fine! Ako na ang tatawag. Ako na!" Umirap si Lira at takot na lumingon lingon. "HOY BATHALUMANG UOD MAGPAKITA KA SAAMIN!"

Napalunok si Lira at Mira, mayroon namang balak kunin si Alexus sa sisidlan ng kaniyang puting kasuotan.

"AHAS NA BRUHA KALABANIN MO KAMI!"

Naramdaman nila ang hangin, ito ay nag-iba, at nanikip ang paligid.

Isang higanteng sawang may matinik na balat ang biglang nagpakita.

Nang kukunin na ni Alexus ang bagay sa kaniyang sisidlan, napahinto siya. Tinignan niyang mabuti ang mga mata ni 'Ether' at inalis ang kaniyang kamay sa sisidlan ng walang kinukuha.

Ibang Bathaluman ang nasa harapan nila.

At kilala ni Alexus, nararamdaman niya, na ang ama niya ang nasa kanilang harapan ngayon.

Naramdaman niyang kumapit si Lira sa kaniyang braso. Mukhang takot siya, si Mira rin, ngunit nakataas parin ang sandata niya.

"Mga ashtadi!" Sigaw ni 'Ether'. "Akala ko ba ay nais nyo akong kalabanin? Bakit tila takot na takot kayo?"

Kinabahan ang tatlong diwani sa takot kay 'Ether'. Maliban nalang kay Alexus, iba ang kaniyang kinakatakutan. Nagalit ba ang kaniyang ama sa kaniyang pagpayag na kalabanin ang tunay na Bathalumang Ether? Narito ba ang kaniyang ama upang kunin at dalhin siya sa Devas dahil hindi siya karapat dapat na maging 'pag-asa' ni Lira?

"Hindi kami takot, no!" Sigaw na pabalang ni Lira.

"Oo, kakalabanin ka talaga namin!" Ang sigaw naman ni Mira. "At kasama rin namin ang anak ng Bathalumang Emre!" Tumango ng mabilis si Lira sa mga pinagsasasabi ni Mira.

Sumugod ang dalawa, si Alexus ay hindi gumalaw sa kaniyang kinatatayuan.

Hindi pa man sila nakalapit sa Bathaluman, napaurong nanaman sila dahil sa ibinatong basabog ni 'Ether' mula sa kaniyang bibig.

"Mga pasaway! Akala nyo bang matatalo nyo ako?" Sabi ng Bathaluman.

Tumingin lamang ang dalawang diwani ng masama sakaniya. Sumulyap naman si Mira kay Alexus.

"Alexus! Bakit hindi ka gumagalaw dyan?" Naiinis na tanong ni Mira.

"Oo nga, akala ko bang po-protektahan mo kami?"

Hindi sumagot ang diwani ng Devas at nakatingin lamang ito sa kaniyang ama na alam niyang nagbabalat kayo bilang Ether.

"Bahala ka na nga dyan- Lira! Sumugod na tayo," sabi ni Lira.

Sumigaw ng malakas ang dalawa at umabante sa higanteng ahas. Ngunit bago palamang sila makalapit, bigla silang napahinto, hindi dahilan ng sabog kundi ang ginintuang ningning na parang sapot. Kasama na rin dito si Alexus.

"HOY-!" Sigaw ni Lira ngunit hindi niya natapos ang sasabihin niya.

Sapagka't naglaho na parang bula ang tatlong diwani.

Chapter 4: Dugo Ng Etherian

Chapter Text

     Lumitaw mula sa maliwanag na ginto ang tatlong diwani.

Nang makita nila na wala na ang Bathaluman, dali dali silang tumingin kahit saan.

Ang lugar ay napaliligiran ng matatandang halaman, mga bato na nagkukulay kayumanggi dahil sa tagal nilang hindi natatagkil. At ang mas importanteng bagay na nasa paligid...

Isang puno.

Ngunit hindi lamang ito isang puno.

Naaalala ni Alexus ang puno na ito. Hindi niya pwedeng makalimutan. Pagka't ang nangangalaga ng puno na ito ay minsan na ring nagbasbas sa kaniya sa pagbaba niya sa Encantadia.

Ang Puno ng Buhay.

"Lira," tawag ni Mira. "Nasan tayo?" Nakataas parin ang sandata niya habang pasilip-silip sa paligid.

Bumaling baling ang dalawang diwani, si Alexus naman ay nakatingin lamang sa puno. Hindi rin nagtagal at pinuntahan niya ito ng may balak na tanungin ang nagbabantay kung bakit nilagay sila ng kaniyang ama sa lugar na ito.

Binalot siya ng takot nang maisip na baka si Evades ang magdadala sa kaniya pabalik ng Devas.

Nag balatkayo ba ang Bathalumang Emre upang harapan na patunghayan kung wasto ang ginagawang paggabay niya kay Lira? Kung yun ang pakay ng kaniyang Ama, mas mabuti nang hindi siya pumayag sa dalawang diwani na kalabanin si Ether.

"Teka... Parang nakarating na ako rito," ang sabi ni Lira at muling tumingin sa paligid, dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang pang-kawal na sandata.

Nakita naman ni Mira ang pinaroroonan ni Alexus at lumapit sa tabi niya.

"Kay gandang puno," bulong niya habang inaabot ang nakasabit na prutas.

"WAG!" Sigaw ni Lira sa kaniyang hadia, sabay naman ang paghawak ni Alexus sa pulsuhan ni Mira nang muntik niya ng mahawakan ang isa sa mga bunga.

"Lubhang mapanganib ang mga bunga ng punong ito, mahal kong sang'gre," babala ni Alexus habang mahigpit ang hawak sa diwani.

Hinila siya ni Alexus ng malumanay pabalik kay Lira at binitawan ang kaniyang kamay.

"Oo," pagsang-ayon ni Lira habang tumatango. "May nagbabantay dito na sibuyas, eh." Lumapit siya para ibulong ang huling sasabihin. "Pero kasing pait ng Ampalaya."

Pagkatapos sabihin yon ni Lira, di-inaasahang lilitaw ang nawaring tagapagbantay ng puno.

Ang Etherian na tagapagbantay ng Puno ng Buhay, Evades.

"Lira, kanina pa kita hinihintay," mahinhin na sabi nito.

"Evades!" Tuwang tuwa na tawag ni Alexus at inuko ng mababa ang kaniyang ulo.

Si Evades ay ang katangi-tanging sanctre, o patay, na patuloy na namumuhay sa Encantadia upang magbantay na ipinatawag mismo ni Emre papunta sa Devas sa layuning basbasin ang kaniyang likha para sa Encantadia.

Isa sa siya mga nag-alay ng dugo, ang dugong Etherian, upang masigurado ang basbas na inialay nila sa diwaning Alexus.

"Alexus," ang balik ni Evades at sinalamin ang aksyon ng diwani ng Devas. "Kalugud-lugod kong makita kang muli."

"Ganon din ako sayo, Evades," masayang sabi niya.

Tumingin si Mira kay Lira at bumulong. "Mabait naman pala siya, ah."

Kumurot ang mga kilay ni Lira, hinigpitan ang kaniyang hawak sa kaniyang sandata, at tumingin kay Alexus. "Teka, magkakilala kayo?"

Tumango si Alexus. "Isa siya sa mga tagapangalaga na nagbasbas sa akin nang ako ay nilikha."

"At ikaw naman, Lira," pag-iiba ng usapin ni Evades. "Napanaginipan ko, sinabi ng Mahal na Emre ang pagdating nyo."

Nagtaka ang dalawang diwani ng Lireo.

"Nagkakamali ka," sabi ni Mira. "Ngunit hindi si Emre kundi ang masamang Bathalumang Ether ang nagdala saamin dito."

Tumingin si Evades kay Alexus, si Alexus naman ay napatingin sa lupa. Lumingon muli ang tagapangalaga ng puno sa dalawa.

"Sigurado ba kayo na si Ether ang nakasalubong nyo?" Tanong ng Etherian.

Dahan dahan na nagtinginan ang dalawang diwani ng may pagtataka.

"Mapaglaro ang Bathalumang Emre. Mahilig siyang mag ibang anyo bilang masama, upang matahak kung karapat-dapat ang mga tao sa kaniyang direktang pagtulong."

Naginhawaan naman ng loob si Alexus.

"Ibig sabihin ba nito ay— hind mo ako iuuwi sa Devas?" Masayang tanong niya.

Napatawag ng tahimik si Evades at umiling. "Nagagalak nga ang iyong ama at, sa kabila ng paglaban sa isang Bathaluman, ay sinamahan mo parin si Lira. Ngayong batid mo na lubhang napakalakas ng kapangyarihan ni Ether, isinumpa mo parin ang pagprotekta sa dalawang sang'gre."

"Sus, eh hindi nga po kami tinulungan niyan, eh, nag estambay ba naman sa tabi namin," sabi ni Lira at ngumuso kay Alexus.

Dahil dito, bahagya siyang tinapik ni Mira sa balikat upang patahanin. Bumaba naman ang nga kilay ni Lira kay Mira habang hinahaplos ang kaniyang balikat.

"Dahil batid ni Alexus na ang kaharap nyo ay walang iba kung hindi si Emre," pasimpleng sinabi ni Evades.

Tumingin si Lira at Mira sa kaniya.

"Ikaw, ah!" Sabi ni Lira habang palarong binatok si Alexus ng may bahid na pagkainis. "Hindi mo naman sinasabi samin na si Bathalumang Emre pala yun."

"Kaya pala hindi ka lumaban kanina," malambot na sambit ni Mira. "Sapagka't ayaw mong kalabanin ang iyong Ama."

Napangiti ng maliit si Alexus sa kaniya. "Ganon na nga, mga sang'gre."

"Pero," sabi ni Lira. "Bakit niya kami nilagay dito? Ano bang gagawin namin dito?"

Hindi muna nagsalita si Evades, ngunit nilakad niya ang kaniyang mga mata sa mga bunga ng kaniyang puno.

"Pumili ka sa isa sa mga prutas nito." Kinampay niya ang kaniyang kamay sa hangin. "At kainin mo."

Lumakad papalapit si Lira sa ilalim ng puno upang pagmasdan ang mga prutas na mamunga rito. Si Alexus at Mira naman ay nanatili na magkatabi sa kanilang puwesto.

Nag-aalinlangan naman si Alexus. Ang responsibilidad na ibinigay sa kaniya ng kaniyang Ama ay tulungan si Lira. Ngunit bakit idinala niya sila sa Puno ng Buhay? Batid niya ba na magiging tama ang bunga na napili ni Lira? Kung ganon, bakit kinailangan pa ni Alexus na samahan si Lira? Ngayon ay wala naman siyang tulong na naisagawa para sa kaniya?

Dito na ba nagtatapos ang tungkulin niya sa Encantadia?

———

"Sa tingin mo ay hindi ko malalaman ang ginawa mong pagpapanggap bilang ako?" Inilahad ng Bathalumang Ether nang umahas palapit sa isa pang Bathaluman na kaniyang kimumuhian. "Huwad!"

"Ether," malumanay na sambit naman ni Emre.

"Hindi lang yon ang ginawa mo," galit na saad ni Ether. "Lumikha ka ng isang nilalang na mangingialam sa tadhana ng Encantadia!"

"Ikaw ang unang nangialam sa tadhana ng Encantadia simula nang parusahan mo si Lira ng isang sumpa na hindi niya nararapat," pagwawasto ni Emre. "Gumawa lamang ako ng isang bagay na ikatutumbas ng iyong banal na interbasyon."

"Isa kang tuso!" Sigaw ni Ether. Kasabay naman nito ang paglibot sa kaniya ng maitim na usok, at siya ay nag-anyong encantada, ngunit ang wangis niya ay kahalintulad parin ng isang mabagsik na ahas.

Itinaas ni Emre ang kaniyang kamay. Mula tuon ay isang kidlat ang dumayo sa kaniyang palad, at isang ginintuang espada ang lumitaw.

Si Ether naman ay mayroong mahabang baton, malalim sa pagka itim— itinutok niya ito kay Emre.

"Di bale na," ngumiti ng may balak ang masamang Bathaluman. "Isa lamang siyang di hamak na encantada. Maaari ko siyang paslangin kung kailan ko nanaisin."

"Batid ko na may babalakin kang ganiyan, Ether." Lumakad sa gilid si Emre, ang sandata ay natuon sa kaniyang katunggali. "Ngunit hindi mo siya mapapaslang. Sapagka't siya ay binasbasan ni Evades, na walang sino mang Etherian ang makaka-paslang sa kaniya."

"PASHNEA!" Umarangkada si Ether sa galit sa kaniyang narinig.

Mabilis namang itinaboy ni Emre ang mahabang baton ni Esther gamit ng kaniyang espada.

"Hindi ka lamang gumawa ng isang pandaraya upang pake alaman ako," bulong ng may bahid na lason ni Ether.

Ang dalawang Bathaluman ay pinapaikutan ang isa't isa.

"Ngunit hinayaan mo rin siyang magkaroon ng dugong dumadaloy saakin!?" Sigaw ni Ether.

Sumibad muli si Ether.

Lumaban din si Emre.

Ang dalawa ngayon ay nagsimulang maglikha ng malalang enerhiya mula sa kalagitnaan ng gubat ng Encantadia.

———

"Ito!" Hiyaw ni Lira.

Binunot niya ang isang bunga mula sa sa sanga at tumingin sa tatlo na pinapanood lamang siya.

"Ito ang napili ko," inulit niyang sabi.

"Kainin mo na Lira!" Hinikayat ni Alexus.

"Tignan natin kung tama ang pagpili mo sa bunga na yan," ang sabi naman ni Evades.

Nagdalawang isip pa si Lira, at pagkatapos ng ilang sigundo, kumagat din siya sa prutas.

Pinagmasdan nila sa pagnguya si Lira, naghihintay. Napahawak naman si Mira sa gilid ng puting damit ni Alexus sa pag-alala sa kaniyang hadia.

"Ang sarap!" Bulyaw ni Lira ng pagkamangha habang may laman pa ang kaniyang bibig. "Ang tamis. Parang pongkan!"

Tumingin siyang muli sa mga bunga ng puno.

"Pwedeng isa pa?" Magbabalak pa lamang siyang pumitas muli ngunit napatigil.

"SHEDA!" Pagbawal ng mahigpit ni Evades. "Sumusobra ka na."

Dahan dahang ngumuya si Lira at sumulyap kay Alexus at Lira.

"Sabi sa inyo, eh," bulong niya. "Ampalaya."

Napatawa ng tahimik si Alexus, bagaman hindi niya alam kung ano ang katagang 'Ampalaya'. Nangunot naman ang noo ni Mira dahil sa kaniya at binitawan ang kaniyang damit.

Tumingin siya kay Lira at lumapit.

"May nararamdaman ka ba Lira?" Tanong niya habang kumukumpas ang kaniyang mga kamay sa katawan ng kaniyang hadia.

Sumimangot si Lira. "Hindi, eh. Siguro kulang talaga yung isa. Kaylangan yata isa pa?"

"Maghintay ka," pagbabawal muli ni Evades.

Patagong umirap si Lira sa pagka istrikto ni Evades.

"Iri!" Isa. "Duwe!" Dalawa. "Kaskil!" Tatlong magkahiwalay na sigaw ni Evades.

Si Lira ay biglang lumiwanag ng ng kulay lila. Nagniningning na mga abok ang pinalibutan ang diwani.

Umatras naman si Alexus at Mira dahil sa silaw.

"Lira?" Tawag ni Mira.

Si Lira, nagpakita mula sa lilang asok, ay natanggalan na ngayon ng sungay. Ang maiitim na guhit sa kaniyang mukha ay naglaho, napalitan ng kaniyang makinis na balat. Ang kaniyang katawan ay naging encantada at hindi na pashnea.

Tinignan ni Lira ang kaniyang mga kamay. Ang kaniyang mga tunay na kamay at hindi higanteng kuko.

Napatili ang diwani.

"Mira! Alexus. OMG!" Dali-daling tumakbo si Lira kay Alexus at Mira at hinawakan ang kanilang mga kamay.

"Lira, Nagbalik ka na sa bago mong anyo!" Masayang sabi ni Alexus. Ang tatlong diwani ang hangang tenga ang ngiti sa tuwa.

"Binabati kita, Lira," Sabi ni Evades.

"Nagtagumpay tayo, Lira!" masayang sabi ni Mira.

"Oo nga, eh!" Hinigpitan niya ang hawak sa dalawa. "I'm pretty and bonggatious na ulit!"

Kahit na hindi nila nauunawaan si Lira, lahat naman sila ay napangiti sa saya ngayon at nakabalik na si Lira sa kaniyang dating anyo.

Tinanggal ni Lira ang pagkakahawak sa mga kamay ng dalawa at pumunta kay Evades.

"Mr. Sibuyas. Maraming salamat po. A— avisala ashma." Tumingin si Lira sa mga bunga ng puno. "Lalo na sainyo, maraming salamat at binalik nyo ako sa tunay kong anyo— atsaka Emre-Lord!"

Tumingala si Lira sa langit.

"Thank you so much po at pinadala nyo tong anak nyo dito sa Encantadia!" Sigaw niya ng pagpapasalamat.

Kinati naman ni Alexus ang kaniyang batok na may nakatagong ngisi. Tumingin patagilid sa kaniya si Mira at sinagi ang kaniyang balikat sa balikat ni Alexus ng palaro.

"Dahil po sainyo, makikilala na ako ng magulang ko!"

Bumalik si Lira kila Alexus at Mira.

"Tara na, umuwi na tayo," sabik na pag-aya ni Lira. "Excited na akong makita sila Inay at Itay!"

Naghawakan sina Mira at Lira, at sabay na tumingin kay Alexus.

Mukhang nagtagumpay nga si Lira. Ngunit paano naman si Alexus? Isa sa ibinigay na katangian sa kaniya ng kaniyang ama ay mahalin ang Encantadia. Duon nga nanggaling ang kaniyang ngalan. Pero papaano na ngayon na hindi niya pa nalalakbay ang Encantadia, wala na bang silbi ang katangian niya na iyon?

Sa madaling salita; hindi pa siya napapamahal sa nawaring mundong mamahalin niya, pero bakit ipinadali ni Emre ang kaniyang pananatili rito?

"Huy, Alexus. Ano balak mo?" Tawag sa kaniya ni Lira. Si Mira naman ay tinitignan siya ng may pag-alala.

Napakurap si Alexus at binigyan sila ng pilit na ngiti. Tumalikod siya at hinarap si Evades.

"Avisala eshma sa iyong tulong, Evades."

Yumuko ng malalim si Alexus at lumakad palapit kila Mira at Lira.

"May gumagambala ba sa iyong pag-iisip, Alexus?" Mabining tanong ni Mira.

Ang dalawang sang'gre ay tinitignan siya ng may paghihinala.

"Ah," iniwasan niya ang tingin nila at ngumiti. "Wala ito, mga mahal kong sang'gre." Hinawakan niya ang kamay ni Mira. "Tayo na?"

Tumango ang dalawang diwani at sama-samang naglaho kasama si Alexus.

 

———

 

"Hindi parin ako makapaniwala, mga beshy!" Pag-tinis ni Lira.

Simula nang makapasok sila ng Sapiro ay hindi matapos ang kakatili nito. Patuloy niya ring pinasasalamatan at pinupuri sina Mira at Alexus. Dahil dito ay hindi mapigilang mamula dahil sa hiya ang dalawa.

"Tignan nyo naman boses ko, oh," hinawakan ni Lira ang kaniyang lalamunan. "Pak! Back to back."

"Natutuwa kami ni Alexus para sa iyo Lira." Hinaplos ni Mira ang pisngi ng kaniyang pinsan, nakangiti.

Hinawakan naman ni Lira ang kamay ng dalawa. "Thank you talaga sainyo, ah. Kung hindi siguro dahil sainyo, habang buhay na akong mukhang kambing." Tumingin siya kay Alexus. "Lalo ka na, Liza Soberano. Pumunta ka pa talaga sa mundo ng mga tao para sunduin si Mira at para lang tulungan ako. Maraming salamat talaga."

Napangisi si Alexus at hindi na pinansin ang hindi kilalang pangalan. Si Mira naman ay napatawa nalang sa mga katagang sinasambit ni Lira kahit hindi niya alam ang nga ibig-sabihin nito.

"Ano ka ba, Lira," sabi ni Mira. "Kanina mo pa kami pinasasalamatan." Bahagya niyang hinampas ang balikat ni Lira. "Tama na."

"Ngunit..."

Nagsitigilan sila nang mag-iba ang tono ng boses ni Alexus.

"Sa tingin ko ay..." Bumitaw siya sa kanilang dalawa at umilag sa mga tingin nila. "Hindi na ako magtatagal dito sa Encantadia."

Kumunot ang mga noo ng dalawang sang'gre.

"Ano? Bakit naman?" Tanong ni Mira.

"Wag ka munang mamatay, please."

Binatukan ni Mira si Lira sa kaniyang sinabi.

Huminga ng malalim si Alexus at tumingin ng paliwas-liwas kila Lira at Mira.

"Sapagka't tapos na ang tungkulin ko rito sa Encantadia ay tapos na, Lira. Ikaw ay makikilala na ngayon ng iyong ama at ina. Ngayon, hindi mo na ako kailangan pa," ang paliwanag ni Alexus.

Malungkot na nakatingin ang dalawa sa kaniya.

"Teka, hindi ba pwedeng dito ka muna?" Pakiusap ni Lira. "Para naman may kasama kaming dalawa ni Mira dito."

Ngayon ay si Mira naman ang napaiwas ang tingin. "Poltre, Lira." Napatingin naman sa kaniya si Lira. "Ngunit hindi rin ako magtatagal dito sa Encantadia."

"Ano?" Nadidismayang tanong ni Lira.

"Sapagka't nais ko pang magbalik muli sa mundo ng mga tao," malungkot na sabi ni Mira. "At hinihintay din ako ni Anthony roon."

"Yieee," pang-aasar ni Mira. "Kayo na, noh?"

Nagkaroon ng maliit na alitan ang dalawang sang'gre. Kahit papaano naman ay napangiti si Alexus dahil dito.

"Mga mahal kong sang'gre." Hinawakang muli ni Alexus ang mga palad nila. "Kailangan ko nang umalis. Hindi ko alam kung kailan ako muling tatawagin pabalik sa Devas."

Nagulat si Alexus nang bigla siyang hilahin ng dalawang sang'gre upang siya ay yakapin. Mahigpit ang pagkahawak nilang dalawa sa kaniya. Lumambot naman ang buong katawan ni Alexus at ibinalik ang paghagkan sa kaniya.

Halos hiningal ang diwani nang kumalas si Mira at Lira sa kaniya.

Sa gilid ng mga mata nila, kung masisinagan lamang ng liwanag ng araw, mapapansin ni Alexus ang mga luha na bumuo.

Inilagay ni Alexus ang kaniyang kamao sa kaniyang puso at mababang yumuko.

"Masaya ako— na nakilala ko at natulungan ang dalawang diwani ng Lireo."

Tumayo siya ng tuwid at binigyan muli sila ng iisang huling ngiti.

"Paalam, Alexus," malambing na sambit ni Mira.

"Paalam din, beshy number two," pagpapaalam ni Lira habang bumiyak ang boses niya.

Hanggang sa muli nilang pagkikita, wala silang kamalay-malay.

 

———

 

Malapit nang sakupin ng dilim ang liwanag. Lalabas na ang kambal na buwan upang palayasin ang araw.

Ang simoy ng hangin ay nararamdaman na ni Alexus na dumaan sa kaniyang puting kasuotan, malamig at matalim habang siya ay naglalakad— paligid ay napupuno ng nga puno at bato.

Nasa labas siya ng Sapiro. Pinagmamasdan ang kagandahan ng kagubatan. Pinagmamasdan kahit isang piraso lamang ng Encantadia ng sa gayon ay maramdaman niya ang pagmamahal niya ang nawaring mundong kaniyang iibigin.

Tama ang kaniyang Amang Emre.

Mamahalin niya nga ng lubos ang Encantadia.

Sa pagmasid lamang sa kagubatan nito. Malayong malayo sa Devas. At hindi niya man ito aminin ngunit parang mas napamahal na siya sa Encantadia kesa sa lugar na pinanggalingan niya.

Nakalulungkot lamang at ilang sandali na lamang niyan ay siya na ay maisusundo na sa Devas.

Pagkatapos niyang manghain ang himpapawid mula sa ibaba, ipinagpatuloy naman niya na pagmasdan ang mga bato sa lupa.

Walang nga ganitong bato sa Devas. Mayroon, iilan, ngunit walang duda na mas maganda pa ang mga bato sa Encantadia.

Naglalakad siya ngayon habang tinitignan ang landas ng mga bato nang hindi niya namalayan ang isa pang nilalang na papunta sa kaniyang daraanang direksyon galing sa ibang landas.

Huli na nang itaas ni Alexus ang kaniyang ulo, sa gilid niya ay mayroong tumama— berde at nakataklob ang buhok.

"Poltre, Encantada," patawad ng malambing na boses.

Isang diwata.

Ngunit hindi lamang basta bastang diwata.

Nakikilala ito ni Alexus. Ang pinanggalingan ng isang matalik na kaibigan niya sa Devas.

"Sang'gre Alena?"

Chapter 5: Hasinto

Chapter Text

     Siya...

 

———

 

     Sa mga diwata, madalas ang panaginip ay sumisimbolo ng maraming aspeto, lalo na kung ito'y malinaw mong natatandaan mula sa iyong pagtulog- tila bang iniukit mismo sa iyong isipan ng mga bathala.

Maaaring ito ay isang pasilip sa hinaharap, isang sulyap sa kapalarang hindi pa naisisiwalat, o isang mensahe mula sa kalikasan, sa kaluluwa ng mundo, o sa mismong Bathaluman.

Sa mga panahong ang puso ng diwata ay magulo, ang panaginip ay nagiging salamin-nagpapakita ng mga takot, mga lihim na hangarin, at mga desisyong kailangang harapin.

At sa madalang na panahon, ito ay isang...

Babala.

Isang malamig na dampi ng unos bago ito dumating, isang bulong ng panganib na parating. Hindi lahat ng panaginip ay maganda, at hindi lahat ng babala ay kayang iwasan. Sapagkat sa mundo ng mga diwata, ang panaginip ay hindi lamang guni-guni-ito ay kapangyarihan.

———

Ang puting tela ay dahan-dahan na sumayad sa mapino at patag na sahig, kataka-takang hindi narurungisan ang laylayan.

Nagpabaling baling ang ulo ng Sang'gre Alena, ang kaniyang malayang buhok ay sumasabay sa bawat lingon- ang paligid ay napupuno ng mga sirang bato na napapalibutan ng makukulay na berde, maikukumpara ito sa Lumang Etheria.

Ngunit sa halip na madilim ang pumapalibot sa kapaligiran gaya ng nawaring nawasak na kaharian, ang lugar na kinatatayuan ng tagapangalaga ng brilyante ng tubig ay kakatwang kasing liwanag ng bukang liwayway.

Ang liwanag ng araw ay marahang sumisilip sa mga siwang ng punongkahoy, tila ba may paggalang sa katahimikan ng lugar.

Isang sirang na pakudradong poste ay nakaratay sa kaniyang harapan, sa taas; gitna; nakapatong dito ang isang bughaw na bulaklak.

Isang Hasinto.

Subalit hindi pa ito napapansin ng diwata sapagka't siya ay okupado sa pagmamasid sa kaniyang di-kilalang namumuting kasuotan. Ang tanging pamilyar lang sakaniya sa lugar na iyon ay ang berde sa tela ng kaniyang pananamit sa kaniyang bandang dibdib.

Lumingon muli siya, ay sa pagkakataong ito, natuon ang kaniyang atensyon sa bulaklak na kaaya kayang nakahiga sa nagibang bato.

Tumingin siya sa gilid gilid bago lumakad papunta rito.

Maingat niyang kinuha ang Hasinto.

Sa pagkamangha sa ganda ng bulaklak, tumaas ang mga gilid ng labi ng sang'gre. Inilakad niya ng maamo ang kaniyang mga daliri sa mga malalim na asul ng mga talutot nito. Pagkatapos ay idinala ang bulaklak sa ilalim ng kaniyang ilong at inamoy ito.

Matamis, sariwa, at bahagyang maanghang.

Isang kaluskos ang narinig mula sa likod ni Alena.

Kaagad siyang tumingin sa pinanggalingan ng tunog.

Isang encantada. Isang di kaaya-ayang puting maskara, basag mula sa kaniyang baba hanggang sa kaniyang kanang mata, ang nakatakip sa kaniyang mukha. Ang buhok niya ay mahabang nakalaylay lagpas pa sa kaniyang balikat, sa gitna ng kaniyang likod. May nag-iisang tirintas, manipis ngunit kapansin-pansin, ang kaniyang buhok banda sa kaniya tenga.

Kagaya ng sang'gre ay ang suot din ng maputing saplot. Ngunit di kagaya ng sang'gre, ang suot ng naka maskarang encantada ay isang barong na gawa sa makakapal na damit.

Napaatras ang sang'gre, ang dulo ng kaniyang paa ay natagil ang malaking bato.

Ang encantada ay maingat na naglakad sa gilid ng mga bato na napapalibutan sila. Sinundan naman ng mga mata ni Alena ang bawat kilos ng encantada.

"Sino ka?" Tahimik na tanong ng sang'gre ng may bahid ng kaba.

Huminto bigla ang encantada at tinignan lamang siya.

Pagkatapos ay bumaba ang kaniyang tingin, sa kamay ng sang'gre; ang bagay na mahigpit niyang hinahawakan; ang Hasinto.

Tinignan din ni Alena ang pinaroroonan ng mga mata ng encantada. Bumalik siyang muli sa pagtingin sa encantada, upang makita lamang ito na nakatingin na sa kaniya.

"S- sayo ba ito?" Pag-aalangan niyang itinanong sa lihim na encantada habang itinaas ang bulaklak. "Patawad at ito ay aking pinakealaman," patawad niya. "Sadyang naakit lang ako ng kagandahan niya."

Hindi pa rin gumalaw ang naka-maskarang encantada. Nanatili itong tahimik at matatag sa kinatatayuan, waring pinag-aaralan ang bawat galaw ni Alena.

Sa kabila ng kabang unti-unting bumabalot sa kaniyang dibdib, sinikap ng sang'gre na panatilihin ang kaniyang tikas. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o hindi, ngunit pinili niyang manatili.

Kaya naman, sa halip na magsalita pa muli, ibinaba na lang ni Alena ang Hasinto sa ibabaw ng batong pinagkuhanan niya nito. Maingat ang kaniyang kilos, para bang ayaw niyang bastusin ang katahimikan o ang pag-aari ng encantada. Tumindig siyang muli at hinarap ang nilalang.

Matiim ang titig ng encantada sa bulaklak, saka muling bumaling kay Alena. Tila may sinisikap unawain-ang kilos ng sang'gre, o marahil ang intensyon sa likod ng paghawak niya sa Hasinto.

Walang salitang lumabas sa bibig ng encantada, ngunit nagsimulang mabagal ang bawat hakbang nito palapit kay Alena. Maingat itong umiwas sa mga batong nakapaligid, parang sanay sa paglakad sa delikadong lugar.

Naramdaman ni Alena ang kabang unti-unting lumalalim. Kumakabog ang kaniyang dibdib, hindi dahil sa takot na may mangyayaring masama, kundi dahil sa kakaibang presensya ng nilalang sa kaniyang harapan.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman- tila may mahigpit na koneksyon, pero hindi niya matukoy kung saan ito nagmula.

Gayunpaman, hindi siya gumalaw mula sa kinatatayuan. May bahagyang tensyon sa kaniyang katawan, ngunit hindi ito sapat upang siya'y umatras o tumakbo. Sa halip, hinayaan niyang lumapit ang encantada, habang pinagmamasdan ang bawat hakbang nito.

Marunong naman siyang lumaban, ngunit sa pagkakataong ito, mayroong humihila sa kaniya; di mawaring kakaibang awra ang pumipigil, at nagpaparamdam sa kaniya na hindi niya kailangan labanin ang naka maskarang nilalang.

Nararamdaman niya na walang gagawing masama sa kaniya ang encantada.

Nang papalapit na siya, bahagyang umurong si Alena sa gilid, upang bigyang-daan ang encantada. Ngayon, ang dating kinatatayuan ng sang'gre ay siya nang tinutungtungan ng nilalang. Tahimik ang lahat, tanging marahang yabag lang ng encantada ang maririnig sa paligid.

Yumuko ang encantada at dahan-dahang pinulot ang Hasinto. Parang alagang iniangat nito ang bulaklak, saka tumindig ng tuwid at humarap muli kay Alena. Tahimik pa rin ito, ngunit ramdam ni Alena ang intensyon sa kilos-walang banta, kundi paglapit.

Inilahad ng encantada ang kamay, hawak ang bulaklak, na para bang isang alay. Hindi kaagad gumalaw si Alena. Kumurap siya, at palipat-lipat ang kaniyang tingin sa Hasinto at sa mukha ng encantada-o sa maskara nito. Nagtatanong ang kaniyang mga mata, ngunit nanatiling tahimik ang hangin sa pagitan nila.

Sa huli, maingat na iniabot ni Alena ang kaniyang kamay at banayad na kinuha ang Hasinto. Walang anumang pagpilit o alinlangan sa encantada; tila ba inaasahan nitong tatanggapin ng sang'gre ang alok.

Saglit na pinagmasdan ni Alena ang bulaklak. Ang lambot ng mga talulot, ang lalim ng bughaw nito-gayon pa man, mas higit pa ang tanong sa kaniyang isipan kaysa sa sagot. Pag-angat niya ng paningin, muling bumalik ito sa encantada.

"Avisala eshma, encantada." Nginitian niya ng puro ang nilalang. "Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?"

Silensiyo.

"Nakapagsasalita ka ba?" Muling tanong ng sang'gre.

Ang sira sa maskara ng encantada, ang biyak nito sa taas ng kaniyang baba at baba ng kaniyang kanang mata, nakita ang parte ng kaniyang labi na bumukas, para bang nagdadalawang isip.

Ngunit nagsara pa ulit ito.

Sa halip na magsalita ang encantada, siya ay umupo sa sirang batong pinanggalingan ng bulaklak, nakatingin sa harapan.

"Mukhang hindi ka nga nagsasalita," mahinhin niyang biro.

Ang katahimikan ng encantada ay ang naging sanhi ng pagka usisa ng sang'gre.

Walang kung ano-ano, lumakad siya sa nakaupong encantada ay tumayo sa harapan nito.

"Kahit man lang... Makita ko ang iyong mukha," malambot na sabi ni Alena. "Maaari ba?"

Hindi niya na hinintay ang pahintulot ng encantada.

Habang mahigpit pa ring hawak ang Hasinto sa isang kamay, marahan niyang iniangat ang kabila. Inilapat niya ang magkabilang palad sa malamig na pisngi ng maskara, at bahagyang lumapit upang hindi gaanong abutin.

Sa biglang paghinga ng encantada-mabilis, matalim, at tila may bahid ng gulat-agad na huminto si Alena. Nanatili siyang nakatigil ng ilang segundo, sinusubukang pakalmahin ang diwa ng encantada sa pamamagitan ng katahimikan. Wala siyang sinabing kahit ano, ngunit dama ang paggalang sa kaniyang kilos.

Nang muling bumalik ang katahimikan at hindi na muling gumalaw ang encantada, ipinikit ni Alena sandali ang kaniyang mga mata, saka dahan-dahang inalis ang sirang maskara mula sa mukha ng nilalang.

Habang unti-unting nawawala ang takip, unti-unti ring bumubungad sa kaniya ang isang anyong hindi niya inaasahan. Nang tuluyan na niyang maalis ang maskara, napahinto si Alena.

Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Ang mukha ng encantada-malinis, makinis, payapa-tila hindi nilikha ng karaniwang diwata kundi ng kamay mismo ni Bathalumang Emre.

Parang hindi totoo.

Sa mga mata niya- hindi mawari ni Alena kung anong damdamin ang dinadala nito sa kaniyang dibdib dahil samot-saring emosyon ang lumalabas sa kaniyang mata, at kahit sa paghinga niya lamang.

Kalma, takot, at panghihinayang...

"Kay ganda ng iyong wangis," bulong ni Alena. "Hindi mo dapat ito itinatago."

Pagkatapos niyang bigkasin ito, isang malakas na hangin ay biglang sumibol mula sa likod ng encantada.

Napagingal ng mababa si Alena nang ang Hasinto sa maluwag na pagkakapit ng kamay niya ay lumipad sa kaniyang likuran.

Mabilis siyang naglakad upang kunin muli ang bulaklak.

Ang Hasinto ay nalaglag sa lupa, hindi malayo sa kaniyang tinakbuhan.

Dumuko ang sang'gre upang kunin muli ang bulaklak- ngumiti nang makuha niya na ito.

Ang ngisi sa kaniyang labi ay agad ding naalis nang bumaling siya sa kinauupuan ng encantada.

Sapagka't siya ay wala na sa bato. Tanging naroon nalang sa kaniyang inupuan ay ang sirang maskara na tinanggal sa kaniya ni Alena.

Lumingon si Alena sa paligid.

Wala na talaga ang kaaya-ayang encantada.

———

"Ikaw?"

Tinignan siya ng encantada, nalilito.

Mulat na mulat ang mga mata ni Alena, ang mga labi niya ay kunting naka parte sa isa't isa.

"Ako, mahal na sang'gre?" Pagtatakang tanong ng encantada, ang mga kilay ay nakakurot habang tumitingin kay Alena.

"Ikaw nga..." Bulong ng ng sang'gre.

Sumilip sa gilid ang encantada at naglabas ng pilit na tawa. "Paumanhin, mahal na sang'gre, ngunit hindi ko batid ang iyong nais ipahiwatig."

Mapakurap ang sang'gre nang malaman niyang nakatitig siya ng matagal sa kaaya-ayang pagmumukha ng encantada.

Hindi naman maiwasang ngumiti ng encantada sa asal ni Alena.

"Poltre, encantada, ngunit..." Huminto siya sa kalagitnaan ng kaniyang sasabihin, tila pinag-iisipan niya kung itutuloy pa ba. "Nagkita na ba tayo?"

Nagtaka ang encantada sa kaniyang tanong.

Pero para kay Alena, isa itong tanong na nararapat lang niyang malaman ang sagot.

Dahil magiging itong isang kataka-takang pangyayari kung nanaginip siya ng isang encantadang hindi niya pa nakikita sa buong buhay niya.

Napahinga ng tawa ang encantada. "Naninigurado akong hindi pa, mahal na sang'gre."

Bumaba ang mga kilay ni Alena sa pagtataka.

'Ngunit nakita kita sa aking panaginip...'

Gusto niya man itong sabihin ngunit mapupuno lamang ng pagtataka ang encantadang nasa harapan niya.

'Paano naging alaala ang estranghero na ito saakin...'

Itinaboy niya ang kaniyang mga tanong sa isipan at pinagpasiyahang huwag itong ilabas sa kaniyang mga labi. Sapagka't mukhang walang alam ang encantada na nasa harap niya patungkol sa sinasabi niyang panaginip.

"Ganon ba," ang sabi ng sang'gre at nagpanggap ng ubo. "Kung gayon- nasaktan ka ba? Medyo malakas din ang pagbangga ko sayo," malambing niyang pag-aalala habang tinitignan ang encantada mula ulo hanggang paa.

"Huwag kang mag-alala, sang'gre Alena, ayos lamang ako." Binigyan niya si Alena ng matamis na ngiti.

Tumingin si Alena sa encantada ng may duda. "Alam mo ang aking ngalan?"

"Uh— yun ay dahil..." Napakamot ng batok ang encantada. "Kilala sa maraming lugar ang apat na anak ng dating Hara Minea." Pag-aalangan niyang paliwanag.

Hindi naman napansin ni Alena ang kaduda-duda niyang tono.

Tumitig muli siya sa mukha ng Encantadia, inaalala ang kawangis na kawangis niya sa kaniyang panaginip. Mas kaaya-aya siyang tignan sa totoong buhay.

"Sige na, mahal na sang'gre, at kailangan ko nang umalis," pagpapaalam ng encantada pagkatapos makaramdam ng hiya sa ilalim ng tingin ng sang'gre.

Naputol ang pagkaka tingin ni Alena sa encantada. "Aalis? Maaari ko bang malaman kung saan ka nagmula?"

Kitang-kita sa mga mata ng encantada na nagulat siya sa tanong, napakamot ulit ito sa kaniyang batok at pilit na tumawa.

"S— sa... Adamya." Napalingon siya sa gilid, pilit ang ngiti. Ang kaniyang mga daliri ay bahagyang nanginginig habang kinukurot ang laylayan ng kaniyang kasuotan. "Doon ako nananahan, sang'gre."

Muling nag-alala ang nga mata ni Alena. "Isa kang Gunikar?"

Tinignang muli ni Alena ang mukha ng encantada.

Hindi mahahalata sa maamo niyang mukha na isa siya sa mga tribo ng Adamya, lalo na at isa pa sa mga grupo ng Gunikar; isang angkan ng mga encantado at encantada na ang pinanggalingan ay Adamya.

"Hindi ba't lahat ng Adamyan ay kinupkop na ng Hara Amihan? May mga natitira pang mga Adamyan duon?"

"O— Oo, mahal na sang'gre." Tumango ng mabilis ang encantada. "Ngunit iilan lang naman kaming naroon! At madalang naman lang magpunta ang mga Hathor sa Adamya, kaya't ligtas naman ako— kami. Ligtas naman kami ng aking mga kasama."

Kahit papaano ay napa ginhawa naman ang loob ni Alena.

Simula pagkabata, nakahiligan na niyang makipag salamuha sa mga Adamyan. Ang kaniyang laging kinakausap ay sina Banak at Nakba. Isa siguro ito sa mga rason kung bakit pinili siya ng kanilang ina na maging tagapangalaga ng brilyante ng tubig.

Ang brilyanteng dating pagmamay-ari ng mga Adamyan.

"Pinakay mo marahil ang mga ibang Adamyan sa loob ng Sapiro," malambot na sambit ni Alena.

"Yun na nga, mahal na sang'gre," tango ng encantada.

Ngumisi si Alena. "Ibig sabihin ba nito ay makapapasyal kang muli rito sa Sapiro?"

Hindi kaagad sumagot ang encantada, at tumingin lamang ito sa mabatong lapag.

Sumablay naman ang ngiti ng sang'gre dahil dito.

"H— Hindi ko lang alam, mahal na sang'gre," nauutal niyang banggitin. "Dahil medyo delikado na ang lagay ng Encantadia ngayong nasa ilalim na ito ng mga Hathor."

Napatingin sa ibaba si Alena, pagkatapos ay tumingin ulit sa encantada, at nagsalita ng mahina. "Tama ang iyong mga sinambit."

Inubo ng encantada ang kaniyang lalamunan. "Mahal na sang'gre," tawag niya. Tumingin naman si Alena sa kaniya. "Bagama't nais ko pang palawakin ang ating usapan, kakailanganin ko na talangang umalis."

"Naiintindihan ko." Ngumiti si Alena, ngunit hindi sapat upang mapaniwala ang sinuman na tunay ito. "Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay, Adamyan."

"Mag-iingat ka rin sa iyong pupuntahan, sang'gre Alena," binalik niya ang paalam.

Naglakad ang encantada palayo, si Alena naman ay nasa kinatatayuan niya lamang.

Nang biglang may napansin ang sang'gre.

Isang bulaklak.

Isang Hasinto.

Sumasayaw sa hangin habang nakabaon ang kaniyang mga ugat sa mismong tinayuan ng encantada.

Encantada... Teka nga lang.

Sa paglalakad ng encantada, sumabay ang ihip ng hangin. May malamig na dampi sa kanyang batok, kahit mainit ang araw.

"Encantada!" Tawag niya.

Lumingon muli ang encantada, nakababa ang kaniyang mga kilay sa lito.

"Ano iyon, mahal na sang'gre?" Tanong ng encantada.

"Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?"

Tinanong na ni Alena ang tanong na iyon sa encantada — sa kaniyang panaginip. Ngunit sa panaginip, nanatiling tahimik ang misteryosong nilalang, hindi bumibigkas ng kahit anong salita.

Kaya ngayon, sa paggising at sa harap ng tunay na encantada, hinihiling na kahit paano ay malaman niya ang pangalan ng nilalang na ito.

Ngumiti ang encantada.

"Alexus ang aking ngalan, mahal na sang'gre Alena."




 

 

 

 

 

 

Chapter 6: Muling Pagkita

Chapter Text

 

 

 

     "Ama, nais mo ba akong magtampo sa'yo?" Daing ni Alexus.

Matagal nang nakaupo si Alexus sa tabi ng ilog na nakita niya matapos maglakad-lakad sa gubat. Basa ang kaniyang damit sa may bandang binti dahil sa pagbabad nila sa tubig.

Tahimik ang bahaging iyon ng kagubatan sa Lireo, at kahit masukal, wala siyang nahagip na mga Hathor. Mataas ang mga puno at malalabay ang mga dahon, na para bang mga bantay ng kalikasan na nakatingin lang sa paligid. Ang sinag ng araw ay bahagyang tumatagos sa pagitan ng mga dahon at nag-iiwan ng anino sa damuhan.

Matagal na rin siyang nagsasalita mag-isa. Mag-isa dahil ang gusto niyang kausapin ay hindi pa rin sumasagot.

Bakit hindi siya pinadadalhan ng kaniyang Ama ng sagot? Lahing pahiwatig lamang sa kaniyang katanungan? Bakit tila napakabilis naman ng kaniyang pakay sa Encantadia?

Kahit na may bahid na dangal sa dugong dumadaloy sa kaniya, ang kapangyarihan na bumuo ng sariling kaisipan ay nasa kamay parin ni Alexus. Kaya hindi niya maiiwasan ang alinlangan na bumabagabag sa kaniyang damdamin.

Ngunit bilang isang likha ng Bathalumang Emre, kailangan niyang isantabi ang mga agam-agam na ito at humarap sa positibo. Iyon ang nanaisin ng kaniyang Ama na gawin niya.

Habang malalim na nag-iisip, nagsasalita para sa taong hindi siya sinasagot— maaliwalas na hangin ang dumaan mula sa kaniyang likuran.

Nagtaasan ang kaniyang nga balahibo sa lamig, lalo na sa kaniyang mga binti na ngayon ay malamig na sa tubig. Maging ang baba ng kaniyang saplot ay bahagyang bumigay dahil sa pagsipsip nito sa tubig, bunga ng pagsayad nito.

Humingal si Alexus upang tumulong na palabasin ang pumasok na ginaw sa kaniyang katawan, sabay naman ang pagpunta ng kaniyang mga mata sa isang dilaw na dahon— marahan at eleganteng nahuhulog malapit sa kaniyang harapan.

Pinagmasdan ito ni Alexus hanggang sa mahulog ang dilaw na dahon, halos matagil nito ang kaniyang kanang binti.

Lumiwanag ang kaisipan ni Alexus at tumingala, mayroong suot na maliit na ngiti sa pagsampalataya na ito ay senyales mula sa Bathalumang Emre.

Bumaling muli siya sa dahon. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay ay dahan dahang sinalok ang dahon gamit ang dalawang palad.

Inilapit niya ito sa kaniyang mukha, bandang ibabaw lamang ng kaniyang hita. Hindi inaalala ang pagtulo ng tubig sa kaniyang damit.

Gaya ng ginawa niya kailan lamang nuong kasama si Mira, tinakpan niya ang dahon, ikinulong sa kaniyang palad. Ilang sign nihongo lamang ay mayroon siyang naramdaman na gumagalaw sa kaniyang balat. Naglabas siya ng mahinhin ng tawa dahil sa kiliti— kaagad niyang Kinalas ang dalawang kamay sa isa't-isa.

Lumabas naman ang isang paru-paro. Ngunit hindi gaya ng nakaraan na dilaw na pashnea na kaniyang nilikha, ang paru-paro na lumilipad sa harapan niya ay nangungulay ng tubig at pulot-pukyutan.

Ngumiti si Alexus. "Avi. Simula ngayon, Avi na ang pangalan mo, ha?"

Nag paikot ikot ang lumilipad na nilalang sa ulo ni Alexus.

Humalakhak ang diwani sa inasal ng kaniyang bagong kaibigan.

"Ngayon, Avi. Maaari mo ba akong tulungan?"

———

"Dito ang dinaanan ko kanina paalis ng Sapiro, ah," sabi ni Alexus habang kunot-noong tumitingin sa paligid. "Sigurado ka bang dito ang landas na nais ng Ama kong Emre na tahakin?"

Lahat at namumukhaan niya. Kahit na iisa lamang ang mga wangis ng puno ng gubat, natatandaan niya parin ang mga iilan ng mga sanga ng mga ito. At iisa lamang ang pagkaka-puwesto ng mga sanga ng pinanggalingan niya kanina at ng mga sanga na nakikita niya habang sinusundan ang paru-paro ngayon.

Hindi puwedeng magkamali si Avi. Sapagka't nilikha siya ni Alexus. Kaya't kailangan niyang pagkatiwalaan ang pashnea dahil ito ay hindi pagtiwala sa kaniyang sarili kung hindi niya ito gagawin. At ang kakayahan niyang ito ay nagmula sa kaniyang Ama. Kakayahan na gumawa ng maliit na buhay na makakatulong sa kaniya. Kaya kumbaga ito na rin ang hindi pagkatiwala na rin sa kaniyang Ama kung pag-aalanganan niya ito.

Ngunit paano naman niya pagkakatiwalaan ang kaniyang lumilipad na kaibigan kung ngayon ay naglalakad na siya sa mismong mabatong landas kung saan niya nakilala ang isa sa mga anak ng dating Hara Minea?

Huminto siya, sandaliang nahagip ang isang bulaklak sa harap niya, at sa kaniyang kinatatayuan, malinaw niya nahahagip ang ulo ng Sapiro.

"Kaibigan, sandali—" Tawag ni Alexus, nakatingin pataas kay Avi. "Tila't binabalik mo lamang ako sa Sapiro."

Pinapaypay lamang ni Avi ang kaniyang mga pakpak, hindi gumagalaw sa nililiparan.

Huminga ng malalim si Alexus.

"Tama ba ang daan na itinuturo mo sa akin?" Hindi niya mapagilang itanong.

Lumapid ang paru-paro, medyo mabilis ang paglipad nito, kaya itinaas kaagad ni Alexus ang kaniyang kamay upang may madapuan ito.

Naramdaman ni Alexus ang tiyak na presensya na nanggaling sa paru-paro sa kaniyang balat.

"Kung ganiyan ka kasigurado... Sige, susundan kita."

Hinulog ni Alexus ang kaniyang kamay at lumipad muli ang si Avi.

Sinundan ito ni Alexus.

———

"Nasa Sapiro na tayo, Avi."

Tama ang kaniyang sinabi. Nasa bibig na sila ng Sapiro, iilang hakbang pa upang mapansin sila ng mga kawal.

Nang nagpatuloy na pumasok sa loob ang paruparo, nag-buntong hininga siya at naglakad, sinundan si Avi papunta rito.

Hindi na siya pinansin ng dalawang kawal sapagka't kilala na siya ng mga ito nang makasama niyang pumasok dito sina Mira at Lira. At pagpalagay na rin na kakalabas niya lamang dito kamakailan lang.

Hindi naman masyadong nakakalito ang mga matandang pasilyo ng Sapiro. Lalo na't malinaw namang nakikita ni Alexus ang mga silid na hindi napapasukan dahil marami pa rito ang hindi naaayos ng Rehav Ybrahim. Pero hindi naman ibig sabihin non ay kabisado niya ang kaharian.

Hindi rin makatutulong ang katotohanan na hindi na niya mahanap ngayon ang kaniyang lumilipad na kaibigan.

"Avi? Avi!" Paulit ulit niyang tawag sa paru-paro habang naglalakad sa isang bulwagan. Sa kamalasan, hindi nagpapakita ang nilalang.

Kataka-taka. Sa pagkakataong ganito, dapat sumusunod sa kaniya lahat ng kaniyang inililikha.

"Alexus?" Isang pamilyar na malambing na boses.

Tumalikod si Alexus upang makita si Alena, nakatayo sa pasilyo na may maliit na ngiti sa kaniyang labi.

"Anong... Ginagawa mo rito?" Kunot-noong tanong ni Alena. "Hindi ba't babalik ka na sa iyong tahanan? Sa Adamya?" Naglakad siya palapit kay Alexus.

"A— ahm... Ano kasi..." Kinamot ni Alexus ang kaniyang batok.

Tinaas ni Alena ang kaniyang kilay, mukhang inosente habang hinihintay ang diwani.

"Naaakalimutan ko ang... Daan?" Hindi dapat tunog patanong ang kaniyang sinambit, ngunit huli na kaya kinagat nalang niya ang kaniyang labi.

Bumaba ang kilay ng sang'gre na para bang nanghihinala. "Nagsisinungaling ka ba, Alexus?"

Nag-init ang leeg ni Alexus at napakurap ng mabilis, tumitingin kahit saan ngunit kay Alena. "H— hindi! Mahal na sang'gre. Nag... Ako'y nag—"

Huminto si Alexus ng tumawa ng mahinhin si Alena na parang naaaliw.

"Binibiro lamang kita, Alexus." Napahinga ng maluwag ang diwani. Tumahan ang sang'gre at ipinaliwanag; "Ginamit ng aking kapatid na si Danaya ang kaniyang brilyante ng lupa upang gawing komplikado ang gubat, upang hindi matagpuan ng mga Hathor ang Sapiro."

Alam na iyon ni Alexus. Nahagip niya lahat ng pangyayari mula sa kataas-taasang isla.

"Ako na ang humihingi ng patawad sa kaniya," sabi ni Alena.

Kaagad namang umiling si Alexus. "Naiintindihan ko, mahal na sang'gre. Hindi mo na kailangang magpatawad."

Ngumiti si Alena at pinagmasdan ang maamong mukha niya.

"Napaka ganda ng iyong wangis."

Biglaan ang pagkasabi ni Alena, halos hindi sinasadya dahil sa pagkahina ng boses niya.

Nalalantang pula ang bumalot sa mga pisngi ni Alexus. Si Alena naman ay tumingin sa gilid, mata ay bahagyang nanlaki. Mukhang hindi nga sinasadya.

Tumingin si Alexus sa lapag. "Salamat sa pagpuri, mahal na sang'gre."

Tumango lang ng tahimik si Alena na mukhang pinipigilan niya ang kaniyang ngiti na lumaki pa.

Tumikhim si Alexus. "Pagbibigyan ba ako ng marikit na diwata na malaman kung saan siya patutungo?"

Bahagya namang napatawa si Alena.

"Diretso na ako sa aking silid, magalang na binibini," hayag niya, pagsali sa biro ni Alexus.

Hindi madalang ang pagiging palakaibigan ni Alena. Ngunit sa mga nangyayari ngayon sa Encantadia, sa kaniyang buhay, aakalain na nakakagulat na biglaan nalang ang pagkakomportable niya sa encantadang nasa harapan niya ngayon.

Hindi niya malay kung interesado siya dahil sa panaginip, o may abilidad lang si Alexus na mapalagay ang loob ng mga estranghero sa kaniya.

Hula ni Alena ay dahil siguro sa kaaya-aya niyang mukha.

"Maaari ko bang samahan ang mahal na sang'gre?" Saad pa ni Alexus, ngumingisi na parang naglalarong bata.

Mahinang ngumisngis muli si Alena bago tumayo ng tuwid at tumango ng magara upang ibalik ang pabiro nilang usapan. "Maaari."

———

Nag-usap sila na parang magiting na magkaibigan, na parang kilala na nila ang isa't-isa sa mahabang panahon. Madalas si Alena lamang ang nagsasalita sa kanilang dalawa, ngunit mukhang hindi niya naman napapansin ang panay pag-iwas ni Alexus sa mga usapang patungkol sa kaniyang pinanggalingan. Nagpapasalamat ang diwani dahil dito.

Ang hindi naman alam ni Alexus ay ang pagkabighani ni Alena sa kaniya. Tila ata ay maikukuwento niya ang buong buhay niya sa kaniya at hindi siya mapapagod sa kakasalita. Mahabang panahon na rin ang nakalipas nuong naramdaman ni Alena ang ganitong pagkalagay sa isang tao.

Isa pa sa hindi alam ni Alexus ay ang mga mabilisan (ngunit mabigat) na titig sa kaniya ng sang'gre habang pinag-uusapan nila ang kalagayan ng Adamya at kung papaano ito mapapanatiling ligtas laban sa mga Hathor.

Sumagot ng iilang salita si Alexus bago ilipat ang usapan sa mga Nymfas. At nagpapasalamat siya nang kaagad na naging interesado si Alena dito.

Mahinhin kausap ang sang'gre. Elegante siya kung magsalita, ganon din ang kilos at tawa niya. Maikakailang dugong bughaw ang dumadaloy sa katawan niya. Napaisip si Alexus kung ganito rin kausap (hindi na niya tatanungin ang panganay) ang mga kapatid niyang sang'gre.

At sakto sa kaniyang pag-iisip, nakarating sila sa punong bulwagan.

Tumambad sakanila ang reyna ng mga diwata, si Amihan. At hindi lamang siya ang naroon. Kasama ng kaniyang kapatid na si Danaya, sila ay nakapulong sa isang lamesa. Mayroon ding mga iilang kawal at isang encantadong mukhang mandirigma, siguradong mas maliit pa kaysa sa kanila, ang nakatayo sa malapit.

Napatingin si Alexus nang marinig niya ang isang matalim na hinga mula sa kaniyang tabi. Tinignan niya ng nag-aalala si Alena, si Alena na ngayon ay nagbago ang awra nang makita ang kaniyang mga kapatid. Naramdaman ng diwani ang ginhawa na mahulog mula sa itsura ng sang'gre.

Bago lumunok ng walang nakakapansin, naglakad ng mahinahon si Alena. Sumunod naman sa kaniya si Alexus na parang nawawala sa lugar.

Nang makalapit na sila sa lamesa, nanlaki ang mga mata ni Alexus nang makita niya si Lira. At ang nasa balikat ng diwani sa kaniyang balikat ay ang kaniyang nilikhang kaibigan. Avi.

Nanlaki at nagsalubong ang mga kilay ni Lira at hindi gumalaw sa kaniyang puwesto, kaya't hindi na rin nagbigay ng sipag upang lapitan siya. Sa ngayon. Dahil nagdadalawang-isip pa siya kung dapat niya bang iwanan ang tabi ni Alena gayong sinabi niya na sasamahan niya siya sa kaniyang silid.

"Isa ka pa, Alena. Bakit umalis ka na walang sinasabi?" Tanong ni Danaya — parang magulang na pinapagalitan ang anak. "At sino itong encantada na kasama mo?"

"Alexus," pagpapakilala ng may ngalan habang siya ang ngumingisngis. "Alexus ang aking ngalan, mahal sa sang'gre."

"At saan ka naman galing... Alexus?" Tanong naman ni Amihan. Iba ang tingin niya sa diwani ng Devas. Di gaya ni Danaya na purong pagkataka at pag-aala ang binubuhat ng kaniyang pagmumukha. Ang reyna ng diwata ay tinititigan siya na parang hindi pagkakatiwalaan. "Ngayon lamang kita nakita."

"Ah—" Blangko ang tumambad sa utak ni Alexus.

Nagsinungaling na siya ng isang beses kay Alena tungkol sa pinanggalingan niya at hindi niya nagustuhan sa sarili yon. Hindi siya mahilig magsinungaling. Ngunit kung sasabihin niya ang totoo, mabibigyan pa siya ng mahirap na panahon upang ipaliwanag lahat.

"Nagmula siya sa Adamya," sagot ni Alena para sa kaniya sa pag-aakalang masyadong nahihiya si Alexus para magsalita.

Nakita ni Alexus ang sobrang pagkalito ng itsura ni Lira at binigyan niya ang kapwa-diwani ng tingin na nagsasabing 'ipapaliwanag ko sayo mamaya'.

"Isa siyang Gunikar," pagpapaliwanag pa ng sang'greng nakasuot ng berde. "Dinalaw niya rito ang mga kapwa niyang Adamyan, ngunit nagbalik muli siya sa Sapiro sapagka't nalimutan niya ang daan dahil sa utos ni Danaya sa kaniyang brilyante na mag-ibang wangis ang gubat."

Nakatayo lamang sa konsensya si Alexus. Hindi niya naman puwedeng pahintuin sa pagsasalita si Alena pagka't sa pagkakaalam ng sang'gre ay ito ang tunay niyang tahanan. Nagsinungaling siya sa kaniya at pinaniwalaan ito ni Alena.

Iniwasan rin ni Alexus ang tingin ni Lira dahil alam niya na mas lalong nagtataka ngayon siya.

"Ganon ba," sabi ni Danaya at napasimangot. "Kung gayon ay humihingi ako ng patawad. Nais ko lamang protektahan ang kuta namin sa ngayon mula sa Hathor. Ngunit huwag kang mag-alala, sapagka't makakapunta ka rin sa iyong tahanan."

Umiling si Alexus at ngumiti lamang. "Ayos lamang iyon, sang'gre Danaya. Naipaliwanag na sa akin yan ng sang'gre Alena. Naiintindihan ko."

Tumaas ang mga kilay ni Danaya ng ilang sandali bago tumango ng isang beses. Napansin ni Alexus ang kaunting ngiti sa kaniya bago ito mawala.

"Sagutin mo ang unang tanong sayo ni Danaya, Alena," pagsabi ni Amihan kaya't lahat ng ulo ay napabaling sa kaniya. "Saan ka nagtungo?"

May hindi mahanap na salita si Alexus sa kung paano ito tinanong ng reyna. Para bang nananakot dahil sa lalim. Sa sobrang liwanag pa ng kaniyang tono ay para na itong makamandag.

Naramdaman ni Alexus ang presensya ni Alena. Ngunit ngayon, bigla itong lumakas. Natitikman niya sa kaniyang balat, para bang... Takot? Si sang'gre Alena?

Tumingin siya sa sang'gre na katabi niya. Blanko ang kaniyang ekspresyon habang nakatingin sa kaniyang kapatid. Nakikita ni Alexus na mahirap para sa kaniya ang magtago ng tunay na emosyon. Ngunit ngayon, parang kapani-paniwala naman na walang bumabagabag sa kaniya kahit papano.

Huminga ng malalim si Alena at naglakad papunta sa kaniyang nakababatang kapatid kaya't naiwan si Alexus sa tabi ni Amihan. "Naglakad lamang ako sa gubat. Lumanghap ng... Sariwang hangin." Nakarating na siya sa harapan ni Danaya at itinaas ang kaniyang kilay. "Hindi ko ba puwedeng gawin yon, aking hadia?"

"Puwede naman, Alena," malambot na sambit ni Danaya ngunit dinig parin ang kaniyang tampo. "Ngunit sinabi mo man lang sana sa akin upang masamahan kita."

"Hindi mo rin ikakatuwa kung sumama ka, Danaya," mahinang sabi ni Amihan. Napatingin sa kaniya si Alexus, kunot ang noo. Si Amihan naman ay ibinalik ang titig niya ng matalim.

"May sinasabi ka, Amihan?" Tanong ni Danaya.

Naisip ni Alexus na baka siya lamang ang nakarinig sa reyna sapagka't siya ang pinakamalapit sa kaniya. Bumaling si Alexus kay Alena at nakita niya na nakakunot din ang noo dito. Baka narinig din niya, hindi lang siya sigurado.

Hindi sumagot si Amihan ngunit naglakad siya papunta sa direksyon ni Lira, hindi pagkatapos bigyan ulit ng matalim, hindi masama, na tingin si Alexus.

"Lira," tawag ni Amihan sa kaniya.

Mayroong naghila ng isang kamot sa tenga ni Alexus. Parang hindi tunog yon ng isang ina na tinatawag ang kaniyang anak. Alam niya sapagka't tinatawag siya ng kaniyang ama sa ibang tono— kahit hindi man ito malambot kung minsan, ngunit madadama parin sa ilalim ng boses.

"Ikaw ang tumawag sa Rehab Ybrahim at sa iba pa," pag-uutos niya. "Sabihin mo na may bagong pagpupulong akong nais isagawa."

Walang nadama si Alexus sa boses ni Amihan. Ngunit hindi ba't nawala na ang sumpa ni Lira?

O baka...

Nanlaki ang mga mata ni Alexus at tumingin kay Lira. Ngunit wala na ang sabing diwani sa kaniyang kinatatayuan ang lumalakad na paalis.

"Ako na ang magtatawag sa nunong Imaw," sabi ni Danaya at naglakad na paalis.

Magpapaalam na rin sana si Alexus sa reyna upang habulin si Lira ngunit nagsalita ito.

"At ikaw... Alexus," tawag ni Amihan. Sinagad niya ang tono na ginamit niya kay Alena.

"Mahal na reyna?" Tumayo ng tuwid si Alexus at nakatingin ng pag-asam sa sasabihin sa kaniya.

"Dama." Lumapit sakanila ang isang dama mula sa sulok. "Paghanap mo ng silid ang encantadang ito." Tumango ang dama at humarap muli si Amihan kay Alexus. "Manatili ka muna rito habang sakop pa ni Hagorn ang Encantadia. Sa ngayon ay pumaroon ka muna sa iyong silid habang kami ay may pag-uusapan ng aking mga kasama."

Tumango agad si Alexus, nagmamadali na habulin si Lira para sa kaniyang mga katanungan.

"Masusunod, mahal na reyna. Salamat sa iyong pag-alok na tumira ako rito," mabilis niyang sinabi — malambot parin naman ang kaniyang boses.

Nagtanguan silang dalawa bago sundan ni Alexus ang dama.

Mamaya niya nalang pala kausapin si Lira pagkatapos siyang idala sa kaniyang silid.

Napahinto siya paglalakad at tumingin sa likod nang marinig ang kaniyang pangalan.

"Alexus—"

"Hindi siya kailangan sa ating pagpupulong, Alena," pagputol ni Amihan sa anumang sasabihin ng kaniyang kapatid. Tunog banta pa ang kaniyang paalala ngunit hindi na masyadong inisip to ni Alexus.

Nagkatinginan si Alexus at Alena ng iilan pang sandali bago yumuko ang ulo ng diwani at naglakad muli.

Hindi na tumingin pabalik si Alexus. Pero kung ginawa niya, makikita niyang tumititig ang magkapatid na sang'gre sa isa't isa. Parang naglalaban na walang patalim kundi ang mga mata lang nila ang gamit. Mas matalim ang hawak ni Amihan habang pinagmamasdan ang kaniyang hadiya na manginig sa ilalim ng titig niya.

May nalalaman ang reyna tungkol kay Alena. Isang sekreto.

At mukhang hindi maganda ipaalam ang sekreto ng sang'gre.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 7: Sinong Taksil?

Chapter Text

 

 

     "Nasaan ka na, Lira..." Bulong ni Alexus sa kaniyang sarili habang palakad lakad sa mga pasilyo ng kaharian. 

 

Mas madali pa niyang mahahanap si Lira kung sinundan niya nalang siya kung saan niya siya nakitang pumaroon. Ang kaso ay, nagpupulong pa niyan ng kasalukuyan ang mga taong ipinatawag ng Reyna Amihan— sigurado si Alexus sa kaniyang sarili na hindi ikakatuwa ni Amihan ang kaniyang presensya sa punong bulwagan. 

 

Ipinagbilin ni Amihan na manatili lamang siya sa kaniyang silid at malinaw na sinabi sa kaniyang kapatid na si Alena, hula niya sadyang nilakasan ito ng reyna para marinig din niya: 

 

'Hindi siya kailangan sa ating pagpupulong, Alena.'

 

Hindi batid ni Alexus kung bakit ganon nalang makatingin sa kaniya ang reyna pero hindi niya na ito ipinag bahala. Naiintindihan naman niya. Sa bagay ay marami na ring napagdaanan si Amihan— maraming naging kaaway, at ang Encantadia ay kasalukuyang nasa ilalim ng mga Hathor.  

 

Naiintindihan ni Alexus kung hindi siya kaagad pagkakatiwalaan ni Amihan. 

 

Kaya para maiwasan ang punong bulwagan kung nasaan ang reyna, pinag-disisyonan niya na maghanap ng ibang daan upang mahanap si Lira. 

 

Napahinto si Alexus. 

 

Si Lira. 

 

Isinaisip niya ang imahe sa kaniyang utak ng muli niyang makita si Lira kamakailan lang.  Sa balikat ng diwani.

 

"Avi," tawag ni Alexus. O mas hagip, bulong siya. 

 

Nanlamig ang kaniyang dibdib, ngunit hindi iyon masamang senyas. May naramdaman si Alexus na para bang humihila sa kaniyang isip sa isang direksyon. 

 

Isa ito sa kaniyang mga abilidad. Ang matukoy ang pinaroroonan ng kaniyang mga nilikhang nilalang. 

 

Hindi niya naisipang gawin ito kanina dahil nakasalubong niya si Alena. 

 

Naglakad si Alexus, hinahayaan niya ang intuwisyon sa pagpili ng daan. 

 

Nakarating siya sa isang terasa ng palasyo. Doon ay nakatayo si Lira, nakaharap sa pader. At sa kaniyang likod ay mukhang isang binatang barbaro na parang inaakit ang diwani. 

 

Nakikita pa ni Alexus ang kaniyang kaibigang paru-paro sa balikat ni Lira. 

 

Nang madama naman ni Avi ang kaniyang amo, lumipad ito papunta sa kaniya. Itinaas ni Alexus ang kaniyang daliri para ito ay dapuan. 

 

Naramdaman ni Lira ang pag-alis ng paru-paro kaya naman tumalikod siya— bumungad naman sa kaniya ang mukha ng barbaro kaya napasigaw ang diwani. 

 

"AH! Bastos ka, maniyak— lumayo ka sakin!" Pinagpapalo ni Lira ang barbaro, ang barbaro naman ay naglabas ng mga masasakit sa hiyaw kaysa palo. 

 

Kaagad namang unalis si Avi sa daliri ng kaniyang amo. Lumapit si Alexus upang matigilan ang pananakit sa encantado. "Huy, Lira, maawa ka naman!"

 

Napatahan ang diwani nang marinig niya ang boses at maramdaman niya ang pamilyar na hawak ni Alexus. 

 

"Isa ka pa!" Hinampas niya ang balikat ni Alexus. Napasirit naman ang diwani sa bahagyang sakit. "Bakit hindi mo ako pinansin kanina dun, ha? Ang dami ko kayang sasabihin sayo!"

 

"Huminahon ka, Lira—" hinawakan ni Alexus ang mga balikat niya para mapahinahon siya. "—marami naman akong katanungan sayo. At naninigurado ako na ang mga saglit dito ay ang nais mong sabihin saakin."

 

Magsasalita pa sana si Lira pero nagpatuloy si Alexus. 

 

"Huwag kang mag-alala. Sasagutin ko rin ang lahat ng iyong katanungan."

 

Isang ubo ang narinig sa tabi nila. Nakalimutan ng dalawang diwani ang barbarong nakatayo sa gilid ni Alexus. 

 

"Mga binibini." Naglabas siya ng 'nakakaakit' na tawa. "Huwag niyo sanang masamain kung nanaisin kong nakisali sa inyong usapan—"

 

"Mamasamain namin," sabat ni Lira. 

 

"Lira," madiin na paghawak ni Alexus. 

 

Tumingin siya sa barbaro ng mukhang humihingi ng patawad. 

 

"Hindi naman sa mamasamain namin..." Hinila niya, tumitingin sa encantado na para bang nagtatanong. 

 

"Wahid," sagot ng barbaro. 

 

"Wahid," inulit ni Alexus. "Hindi sa mamasamain namin ang iyong pagsali sa aming usapan, ngunit kinakailangan namin dalawa lamang ang makarinig nito. Sana maintindihan mo, Wahid."

 

"Sige, naiintindihan ko..." Tumingin siya ng patanong. 

 

"Alexus."

 

"Alexus." Tumango siya at umalis, hindi bago kumaway ng talipandas kay Lira. 

 

Umirap si Lira at nagpanggap na nasusuka. 

 

"Ngayon, Lira." Nagtinginan ang dalawang diwani. "Ipaliwanag mo sa akin ang nais mong sabihin."

 

Huminga ng malalim si Lira, ang kaniyang mukha ay biglang bumaling ng lungkot at pagtataka. "Yung prutas na kinain ko kasi. Tinransform niya nga ako sa tunay kong wangis, pero hindi parin ako naaalala ni inay at itay!"

 

Nagsalubong ang kilay ni Alexus. "Kaya pala hindi pa ako sinusundo sa Devas... Sapagka't hindi pa tapos ang aking tungkulin dito sa Encantadia."

 

"Ibig sabihin mags-stay— este, mananatili ka muna rito hangga't hindi pa ako naaalala ng lahat?" Umaasang tanong ni Lira. 

 

Tumango si Alexus. "Ganon na nga, Lira."

 

Tumingin lang sa kaniya si Lira, labi ay napapanguso at bigla niyang itinapon ang sarili kay Alexus at ibinalot ang mga braso sa kaniyang balikat. 

 

Dumapo naman si Avi sa balikat ni Lira. Mukhang nagugustuhan niya ang diwani. 

 

Napaatras ng kaunti ang diwani at kalaunan ay ibinalik ang yakap ng sang'gre.

 

"Lira? Umiiyak ka ba?" Tanong ni Alexus nang maramdaman niyang sumisingot si Lira sa kaniyang balikad. 

 

"Hindi kaya, noh. Pinapawisan lang yung mata ko." Kumalas si Lira mula sa yakap at pinunasan ang kaniyang mga luha. 

 

"Ayos ka lang ba?"

 

Pinatahan ni Lira ang kaniyang sarili ang huminga ng malalim. "Nagpapasalamat lang ako. Ang sakit sakit kaya kapag nakalimutan ng mga taong milamahal mo, tapos wala ka pang magawa dahil don. Pero ngayon na nandito ka, Alexus— binigyan mo ulit ako ng pag-asa na maaalala na ako nila inay at itay."

 

Nakaramdam ng katuparan ang dibdib ni Alexus at sya ay napangiti ng kaunti. Kinuha niyang ang kamay ni Lira at hinawakan ito ng mahigpit. "Kaya huwag kang mawawalan ng tiwala, Lira. Matutupad din ang ligaya na nararapat para sayo."

 

Ngumiti sa kaniya si Lira, mata ay napupuno nanaman ng 'pawis'. 

 

"Oo nga pala," pag-dagdag ni Lira. "Bakit sinabi ni ashti Alena kanina na taga Adamya ka, yung— ano ba yon, Gunakar? Gunakir? Basta yon." 

 

Napatingin si Alexus sa sahig. 

 

"Hindi mo ba sinabi sa kaniya na galing ka ng Devas? Na anak ka ni Emre?"

 

Kinamot ni Alexus ang kaniyang batok at tumingin sa ligid ligid. 

 

Hinarap niya si Lira. 

 

"Puwede ba nating pag-usapan ito sa aking silid?"

 

———

 

"Apaka unfair naman ni inay. Ba't anlaki ng kwarto mo tapos sakin ang liit?" Nguso ni Lira habang nilalakbay ang kaniyang mga mata sa kwarto. Si Avi ay nakakabit parin sa balikat niya. 

 

"Sapagkat hindi nga nila alam kung sino ka, Lira," mahinhin niyang sabi. Parang hindi niga inisip kung masasaktan ang sang'gre. 

 

At salamat naman dahil hindi. Tinaas lamang ni Lira ang kanjyang mga kilay at umupo sa higaan. "Okay, fair."

 

"Fair?" Tanong ni Alexus. 

 

"Yung ano, pag patas ganon."

 

"Ngunit hindi naman patas ang kwarto natin," deadma ni Alexus. 

 

"Hindi, kasi pwede rin syang gamitin sa ano, figurative— hayst, basta!" Umupo sya ng maayos sa malambot na tela. "May mas importante pa tayong pag-usapan diba?"

 

Umupo si Alexus sa tabi ni Lira, mukha ng may kasalanan na bata. 

 

"Nagsinungaling ka ba kay ashti Alena? O nagsinungaling sya para sayo?" 

 

Pinaglauran ni Alexus ang dulo ng kaniyang damit na parang mapapatahan ang konsensya niya rito. "Ako ang nagsabi... Sa sang'gre Alena."

 

"Bakit?"

 

"Wala—" umubo si Alexus upang mapalawak ang pilit niyang boses. "Wala namang sinabi ang aking ama, si Emre, na kailangan kong itago ang aking pinanggalingan, ngunit... Ayaw ko lang maging importante sa mga makikilala ko sa Encantadia kung lilisanin ko rin ito."

 

"Pero importante ka na saakin, Alexus." Dalisay ang boses ni Lira, malambot. "Ganon din si Mira."

 

Tumingin si Alexus sa mga mata ng diwani. Tiyak ang init sa kaniyang dibdib, isang pasasalamat na hindi niya kayang ibigkas. 

 

Kinuha ni Lira ang mga kamay ni Alexus. "Sabihin na nating pansamantala lang yung oras mo rito. Pero ayaw mo bang may mga tao na magmamahal sayo habang nandito ka?"

 

Tango. Iling. Hindi alam ni Alexus ang kaniyang sagot. "Ayaw ko silang masaktan kapag dumating ang araw na iiwan ko na sila. Ayaw ko na ulit maramdaman ang lungkot ko kaninang nakita ko ang mukha niyong dalawa ni Mira nang sinabi ko ang huling paalam ko."

 

"Edi hahayaan mo nalang na ikaw yung masaktan, ganon?"

 

Yumuko si Alexus upang pagmasdan ang kanilang kamay— hindi. Upang itago ang hiya niya kay Lira. 

 

Diniin ni Lira ang kaniyang labi at huminga ng malalim mula sa kaniyang ilong. Ilang sigundo lang ng nanlaki ang mga mata, isang bumbilya ang lumiwanag sa ulo niya. "Bakit hindi mo nalang sabihin kay Emre na dito ka nalang mamuhay? Gagawin naman siguro niya lahat ng hihilingin mo, diba?"

 

Bumalik ang tingin ni Alexus sa kaniya at nagsalita sa mahina at talo na tono. "Hindi maaaring manirahan ang isang banal sa mundo ng mga mortal."

 

"Kaya nga hihilingin mo sa kaniya na maging mortal ka nalang. Isang encantada!" Halos mapatalon na siya sa kama habang nakaupo sa naisip niya. 

 

"Hindi iyon maaari sa pagkat dumadaloy na saakin ang dugo ng iba pang mga bathala. Isang pagkasala sa kanila kung sasayangin ko ang kanilang mga basbas dahil lamang sa kagustuhang kong maging mortal."

 

Napahinto si Lira dahil dito. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Teka lang— ibig mong sabihin hindi lang si Emre yung gumawa sayo?"

 

Umiling. "Si Emre lang ang bathalumang naglikha saakin. Hiningan niya lamang ako ng basbas sa iba."

 

"Waitwaitwait!" Lumayo ng kaunti Lira, pero nakahawak parin sa kamay ni Alexus. "So, like, pati yung bruhang Ether na 'yun— binasbasan ka rin niya!?"

 

Umiling muli. "Hindi. Ngunit dumadaloy parin saakin ang dugo niya dahil kay Evades."

 

"Si Mr. Sibuyas!?" Napaisip muli si Lira. Gumana nanaman ang bumbilya. "Puntahan natin siya!"

 

Kumurap si Alexus. "Para saan?"

 

"Para bigyan ka ng pongkan— este— nu'ng prutas!" Tumayo, halos tumalon, siya mula sa kama. Sanhi ng paglipad paalis sa kaniya ni Avi. "Para maging mortal ka!" Hinila niya si Alexus patayo. 

 

Sumabay na ang diwani ng Devas, ngunit nakababa parin ang mga balikat niya. "Lira."

 

Nabawasan ang ngiti ni Lira. 

 

"Hindi nagbibigay ng buhay ang Puno ng Buhay. Gayon din ang kakayahan nitong gawing mortal o imortal ang sino mang nilalang."

 

Nawala na ng lubusan ang ngiti ni Lira. Ilang saglit pa ay dumaing sya sa inis, sobrang lakas na napaatras ng kaunti si Alexus. 

 

"Ano ba yan! 'Puno ng Buhay' pero hindi naman nagbibigay ng buhay. Fake advertisement yang Mr. Sibuyas na yan, eh! Parang yung Knorr cubes lang, alam mo yun?"

 

Binuksan ni Alexus ang bibig niya ngunit nagsalita— kumanta— si Lira. 

 

"''Makulay ang buhay sa sinabawang gulay!'"

 

Malaki ang mata ni Alexus habang pinapanood ang diwani. Hindi niya alam kung papalakpak ba siya sa hindi niya maintindihang kanta o aawatin siya. 

 

"Buti pa 'yun legit, eh! Kumukulay talaga buhay mo kapag kinain mo, hindi gaya ng Puno ng Buhay, mawawalan ka na nga ng buhay—"

 

Huminto si Lira ng magbukas ang pintuan ng silid. 

 

Nanatiling nakabukas ito habang nakatayo siya sa labasan. Tuwid ang tayo, pulidong balikat, at mataas ang tingin. 

 

Ang reyna ng mga diwata. 

 

Hara Amihan. 

 

Malamig ang mga mata niya habang nanatili ito sa nakatayong si Alexus. 

 

"Ina—! Este." Ubo. "Reyna Amihan." Gulat na tawag ni Lira. 

 

"Iwan mo muna kami, Lira," utos ni Amihan. Mata niya ang hindi inabalang salubungin si Lira— nakay Alexus lang ang mga ito. "May mga nais lamang akong itanong sa kaniya. At inaasahan ko na sagutin niya ako... ng tapat."

 

Nahulog ang huling salita sa hangin na parang dugo sa espada. Nanibago ang paligid. Malamig at alanganin. 

 

"S— sige po." Dumuko si Lira at dahan dahang lumabas. Sumama sa kaniya si Avi. Hindi pagkatapos bigyan si Alexus ng isa pang tingin. 

 

Humakbang si Amihan sa daan upang may daraanan si Lira. 

 

Nagsara ng kusa ang mga pinto. 

 

Sila nalamang dalawa. 

 

Hindi gaya ng hangin na nakapalibot kay Alena; mahinhin, maamo, maginhawa— ang nararamdaman ngayon ni Alexus kay Amihan ay puno ng masamang paghinala at nakakasakal na ihip. 

 

Tumingin si Alexus sa sahig ng nasobrahan siya sa tindiging tingin ng reyna. Pinaglaruan niya ang dulo ng damit niya sa pagkabahala.

 

"Anong..." Hingang malalim. "Ano ang nais mong tanungin saakin, mahal na reyna?"

 

"Ang katotohanan."

 

Naglakad siya ng mahinahon, ngunit ang enerhiya niya ay parang susugod sa isang digmaan. 

 

Napaatras si Alexus ng hindi huminto si Amihan sa paglakad papunta sa kaniya hanggang sa matamaan ng likod ng binti niya ang kama. 

 

Nakakulong na siya ngayon sa matalim na mata ng reyna. Mga mata na nakatingin pataas sa kaniya. Tinotore siya kahit dalawang pulgada ang tangkad niya kay Amihan. 

 

"K— katotohanan?"

 

Kaba ang napalibot sa balat ni Alexus. 

 

Hindi ito posible. Nalaman na ba ni Amihan ang tunay na pagkatao at pinanggalingan niya? Ngunit paano? 

 

Dominante ang pagkasabi ng reyna. "Katotohanan..."

 

Halos tumigil na sa paghinga si Alexus. 

 

"... Kung ano ang kinalaman mo sa aking kapatid na si Alena."

 

Hinga. 

 

Hinga ng pagkataka.

 

Kumurap si Alexus ng isang beses. Dalawa. Tatlo, bago... 

 

"Ha?"

 

Dumiin ang tingin ni Amihan. "Kung kasama ka ba sa pagtataksil na ginawa niya."

 

"Hindi!" Mabilis na sagot ni Alexus bago pa maproseso ng kaniyang utak ang sinabi ng reyna. "Kakikilala ko palang sa sang'gre sa labas ng kaharian—" napahinto. "... Pagtataksil?"

 

Mas bumukal ang pagkalito ni Alexus. Malayo sa pagkatao ni Alena ang pagiging taksil. Nasaksihan niya mismo sa sarili niyang mga mata— kung paano umasal ang sang'gre sa kaniya. Napakalambot ng kaniyang boses, aakalain mo na sa tingin niya ay mawawasak si Alexus kung itataas niya ang kaniyang tono. 

 

Tahimik ang reyna. Delikado. 

 

"Nagmamaang-maangan ka ba, Adamyan?" 

 

Masyadong nahabulan ng kaniyang pag-iisip si Alexus kaya't hindi na siya nakapagsalita. Tumango na lang siya ng dahan-dahan. 

 

Ngunit mukhang hindi sumampalataya si Amihan. Halata sa mga mata niya. 

 

Biglaan, guminaw ng bahagya ang mga palad ni Alexus. Naramdaman ng balat niya ang hangin bago pa niya ito mapangalan. Para bang tinatanong— sinisindak siya mismo ng simoy. Parang pinipilit siyang maglabas ng sagot na wala naman sa kaniya. 

 

Pakiramdam niya ay matatanggalan siya ng hininga. 

 

Lantad na nanginig si Alexus, pero hindi parin siya nagsalita. At ilang sandali pa, tumahan na ang hangin. 

 

Parang mabigat na bato ang tinanggal sa balikat at lalamunan ng diwani. 

 

"Mukhang hindi ka nga nagsisinungaling..." Sabi ni Amihan. Ngunit bago na ang tono ng boses niya ngayon. Pabulong, maliit, pero matatag parin. 

 

Hindi makasagot si Alexus. Hindi pagkatapos niyang malaman na ginamitan siya ng brilyante upang mapatunayan niya ang sarili niya. Hindi pagkatapos malaman na ang dahilan ng pagkawalang tiwala ng reyna sa kaniya ay si Alena. 

 

Ang nasabing taksil. 

 

"Mahal na reyna..." Nailabas ni Alexus nang nahanap niya na ang kaniyang boses. "Anong ibig mong sabihin? Na si sang'gre Alena ay isang taksil?" Napabulong ang huling salita. 

 

Tumayo ng tuwid si Amihan. "Kalimutan mo na ang mga sinabi ko sayo, Alexus."

 

"Ngunit—"

 

"At..." Umatras ng isang hakbang ang reyna at kinuha ang kamay ng diwani. "Poltre."

 

Tumingin siya sa mga mata— kaninang malamig, ngayon ay banayad. Animo'y... 

 

"Patawad," sabi niyang muli. "Paumanhin kung ikaw ay aking pinagdudahan."

 

"Hindi ako nagtatanim ng galit, mahal na reyna." Gumaan ang loob ni Alexus— pero nasa ilalim parin ang kaniyang pagaalangan, hindi kay Amihan. Kay Alena. 

 

Kumalas si Amihan sa kamay ni Alexus at binigyan siya ng maliit, ngunit hindi pilit, na ngiti. Aalis na sana siya ngunit tumawag si Alexus. 

 

"Sandali—!" 

 

Bumaling ang tingin ng reyna, sabay ng pagtaas niya ng kilay. 

 

"Maaari ko bang malaman kung nasaan ngayon si sang'gre Alena?" 

 

Tahimik ng ilang sandali si Amihan bago sumagot. "... Sa silangan ng punong bulwagan."

 

Yumuko sa pasasalamat si Alexus. 

 

Binigyan siya ng huling tingin ng reyna bago maglakad papunta sa pinto, na nagbukas ng kusa para sa kaniyang daan. 

 

"Alexus," tawag ni Amihan habang nakatalikod. 

 

"Mahal na reyna?"

 

Huminto si Amihan sa labasan at tumingin mula sa kaniyang balikat. 

 

Tibok. 

 

"Siguraduhin mong alam mo ang ginagawa mo."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 8: Sa Tingin Ko...

Chapter Text

     Narinig in Alexus ang mga mahihinang hikbi bago pa niya makita ang puno't dulo nito. 

 

Kahit sa pag-iyak, tunog musika parin ang kaniyang boses. 

 

Napahinto ang diwani. 

 

Nakaupo ang sang'gre Alena sa isang pahabang batong upuan. Gaya ng sinabi ng reyna, nanatili siya sa silangan ng punong bulwagan. 

 

Ang mga kamay niya naka-kandong; humihigpit sa berdeng tela, walang kamalay-malay sa nilalang na pinagmamasdan siya. 

 

Sa pag-alala, humakbang ng isa si Alexus, papunta kay Alena. Pero bago pa siya makayapak, mayroong bumulong sa kaniyang kaluluwa. 

 

'Hindi magandang hatol ang iyong pinapasukan.'

 

Hindi ito boses, walang tono — hindi siya ito. Dahilan na kailangan niyang mas huwag lapitan si Alena. 

 

Isa rin sa mga biyaya na natanggap ni Alexus ang kaniyang malakas na sapantaha na nagmula kay Cassiopea — hindi galing sa dugo, kundi galing sa tubig ng kaniyang sisidlan na nakakakita ng hinaharap. 

 

Ito ang unang beses na bumulong sa kaniya ang pakiramdam. 

 

Ngunit bakit? 

 

Ang nais lamang ni Alexus ay lapitan si Alena at patahanin ang anumang kirot sa kaniyang damdamin na dahilan ng pag-iyak niya. 

 

'Taksil.'

 

Ang salita ay narinig niya sa boses ng reyna Amihan. Partikular kung saan pinaghinalaan siya na 'kasabwat' si Alena. 

 

Malabo para kay Alexus na isipin na taksil si Alena.

 

Si Alena na mayroong boses na kasing amo ng kaniyang pagmumukha. Si Alena na may pinaka matamis na ngiti. Si Alena na malambot na tinanong si Alexus tungkol sa kaniyang pinanggalingan nu'ng unang beses pa lamang silang nagkita sa harap ng kaharian ng Sapiro, at sa pagitan nila ay mayroong—

 

Nanlaki ang mga mata ni Alexus ng may maalala siya. Binigyan niya muli ng isa pang tingin ang walang kamalay malay na sang'gre bago nagtungo ng mabilis paalis— palabas ng bulwagan. 

 

Palabas ng Sapiro. 

 

Nilagpasan niya ang mga Sapirian at Lirenian na kawal, pati na rin ang mga Adamyan — ang mga pader ng palasyo. Hanggang sa makapunta siya sa bibig ng Sapiro. 

 

Huminga ng malalim si Alexus at muling naglakad — hindi na mabilisan ngayon. Hindi na rin siya pinansin ng mga kawal na nagbabantay dito. 

 

Halata na kumagat na ang dilim nang masinghot ni Alexus ang malamig na hangin. Ang katahimikan sa paligid. At ang patuloy na pagkanta ng mga panggabing pashnea.

 

Patuloy ang yapak niya sa buhangin. Hanggang sa matanaw niya na ang pinaka tuktok na bahagi ng kaharian. Hanggang ang buhangin ay naging mabato na. Hanggang sa matayuan niya na ang lokasyon kung saan sila unang nagkita ng sang'gre. 

 

At hindi nagkakamali ang memorya ni Alexus. 

 

Sa kaniyang harapan — isang bulaklak ang sumasayaw sa gabing hangin. 

 

Nagkukumpulang bughaw sa berdeng tangkay — kasing laki ng kalahating braso. Sumasabay sa kanta ng dilim sa ilalim ng magkapatid na buwan. 

 

Ngiti ang umakyat sa labi ni Alexus. Naglakad siya sa mga bato, yumuko, at pinitas ito mula sa lupa na natatakpan ng mga maliliit na bato. 

 

Pinagmasdan si Alexus ang ganda ng Hasinto. Sabay na itinakbo ang kaniyang daliri sa sugat ng bulaklak; dulo ng tangkay; sa bahagi kung saan ito napitas.

 

Isang bendisyon. 

 

Malaking tulong ang pagiging kalahating Bathala sa parte ni Alexus pagdating sa pagbibigay ng mahabang buhay sa mga maliliit na umiiral. Pagbabahagi ng linya ng buhay niya. 

 

Ibinulong niya sa bulaklak; 

 

"Nawa'y ipaubaya mo ang iyong busilak na kulay sa sang'gre."

 

———

 

Maingat niyang dakma ang Hasinto sa kaniyang tiyan habang mabilis na lumakad pabalik. 

 

Nilampasan ang mga kawal, pader — wala na ang mga Adamyan ngayon. 

 

Nakarating na siya sa silangan ng punong bulwagan. 

 

Nakaupo parin si Alena. Tumahan na ang mga hikbi niya pero halatang nanginginig ang mga balikat niya. 

 

Kinagat ni Alexus ang kaniyang labi, tinago ang bulaklak sa kaniyang likuran, at naglakad papunta sa sang'gre. 

 

Hindi siya nagpaalam na umupo sa tabi niya, wala siyang sinabing kahit ano. Dahilan ng mahinang hingal ni Alena — kung sino ay kumalma nang makita si Alexus, at mabilisang pinunasan ang kaniyang mga pisngi. 

 

"Alexus," mahinang tawag ni Alena. Pagod. "Hindi ba dapat ika'y nagpapahinga na sa iyong silid sa oras na ito?"

 

Halata ang basag sa kaniyang boses — ang pilit na patunuging maayos lamang ang lagay niya. 

 

"Anong ginagawa mo rito?"

 

Nanalo ang awa ni Alexus nang tumingin sa mga mata niya si Alena. Ang kaniya ay malabong namumula. Halos hindi kapansin-pansin. Ngunit alam ni Alexus na lumuluha kailan lang ang sang'gre. 

 

Hindi siya umimik nang tanungin ni Alena. Bagkus hinila niya lang ang bulaklak sa likuran at hinawak sa harap niya. 

 

Kumurap ang sang'gre rito at bumaling muli kay Alexus. 

 

"Ano— anong ibig sabihin nito?" Maingat na sabi ni Alena. 

 

Naaalala niya ang bulaklak na ito. Ang bulaklak na naging saksi ng una nilang pagkita. 

 

Umusog ng kaunti palayo si Alexus. 

 

"Uhm..." Lunok. "May sinabi saakin ang mahal na reyna."

 

Tumalim ang hinga ni Alena. 

 

"Ngunit—" tinuloy ni Alexus bago pa man makapagsalita ang sang'gre. "Hindi ako nandito para akusahan ka."

 

Sumilip muli si Alena sa bulaklak. "Sa tingin ko ay kailangan mo na ring lumayo sa akin, Alexus." Umusog palayo at tumingin si Alena sa kabilang direksyon, paalis sa diwani. "Hindi mo ako kilala."

 

"Sa tingin ko alam ko," sabat ni Alexus, binababa ang bulaklak sa kaniyang kandungan. 

 

Dahan dahan na lumingon si Alena sa kaniya. 

 

"Sa tingin ko kilala kita," bulong muli ni Alexus. 

 

"Wala kang alam sa pagkatao ko," matigas na away ni Alena. Kilala ni Alexus ang boses, ngunit hindi pamilyar ang kagat sa tono. "Kamumuhian mo ako kapag nalaman mo ang ginagawa ko."

 

"Hindi kasi may ginawa kang pagkakamali ay isasabuhay mo na 'yun." 

 

Nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa unang segundo, wala silang sinabi; pangalawa wala silang ginawa — ngunit sa pangatlo; inabot ni Alexus ang kabila niyang kamay upang kunin ang isa ng sang'gre. 

 

Linayo ni Alena ang palad niya. 

 

"Paano kung paulit-ulit ko pang gagawin ang mga pagkakamaling iyon?" Matapang na birit ni Alena, pero na-orasan ni Alexus ang pagdurog ng boses niya sa huli. "Isang mangmang lamang ang gagawa non."

 

"Hindi kamangmangan ang pagdurusa, sang'gre."

 

Kumagat ng panga si Alena, mga mata ay lumiliwanag sa dilim habang nasisilawan ng dalawang buwan ang kaniyang basang tanaw. 

 

"Walang encantado o anomang nilalang sa mundo ang may busilak na pagkatao. Pero hindi nababase dito ang mga kapintasan nila. Ng iyo." 

 

"Bakit magsalita ka ay parang kilala mo ako?" Nahuli ni Alexus ang alinlangan sa boses ni Alena. 

 

Kinagat ng diwani ang kaniyang labi. Hindi niya naman puwedeng sabihin; 'Dahil naikuwento saakin ng iyong anak na si Khalil ang hinanakit mo na dulot ng kaniyang pagkapanaw' — sapagka't hindi pa siya handa na ipakilala ang tunay niyang pinanggalingan. 

 

At alam niya na mas lalong hindi handa si Alena na malaman niya iyon. 

 

"Dahil sa tingin ko," simpleng sagot. 

 

Nanginginig ang hinga na lumabas sa bibig ni Alena. "Isa akong taksil."

 

Binitawan niya ang salita na parang gusto niyang ipamukha kay Alexus na mali siya. Na parang gusto niyang balaan ang diwani. Parang gustong itulak palayo gamit ang salita. At inaasahan ni Alena na lalayo na rin si Alexus. 

 

Pero walang pinagbago ang mukha ng diwani ng Devas. 

 

"Hindi isang taksil ang ipinakita mo sa akin kanina sa harap ng kaharian ng Sapiro," malambot na sabi ni Alexus. "Hindi isang taksil ang naglakad sa sakin kanina pabalik dito. At alam ko — na hindi taksil ang nagpatawa sa sakin."

 

Hinayaang mahulog ni Alena ang isang patak na luha sa kaniyang pisngi. 

 

"Puro ka, Alena. Hindi nga lang ang pagkatao mo— pero sa pagiging ikaw," hunghong ni Alexus. "Kaya gusto kong ibigay sayo 'to. Ang bulaklak na testigo sa mabuting diwa mo."

 

Inilapit muli ni Alexus ang kaniyang kamay, huminto sa taas; malapit sa kamay ni Alena. 

 

Pero hindi niya muna ito hinawakan. At hindi rin lumalayo ang sang'gre. 

 

"Ngunit hindi ako... 'ako' sa harap ng aking mga kadugo," ang lumabas sa bibig ni Alena. Masakit. Sira. 

 

"At hindi kita kasusuklaman dahil duon," tahan ni Alexus. 

 

Sa wakas, ipinatong na niya ang palad niya sa kamay ni Alena; kung sino ay hindi dumusog.

 

"Hindi kita papanigan, ngunit hindi rin kita pipigilan sa gusto mong gawin."

 

Tumitig si Alena — balikat ay nanginginig — sa kamay nilang dalawa, ngayon lang napansin na nag hahawakan ang mga ito. 

 

"Ngunit mahal na sang'gre..."

 

Lumingon siyang muli kay Alexus nang hinigpitan niya ang hawak sa sang'gre. Hindi masakit. Pero sapat na para ikulong ang mga mata niya sa kaniya. 

 

"Kailangan mo munang pag-isipan kung gusto mo nga itong gawin — o interest lamang ito ng poot mo. Kailangan mong pag-isipan kung papairalin mo ang galit..."

 

Itinaas muli ni Alexus ang Hasinto — muling inaalay sa sang'gre. 

 

"... O pipiliin mo ang pagpapatawad."

 

Kapit ang pagtitinginan nila sa isa't isa hanggang sa tumingin si Alena sa bulaklak. Lumunok. Ang mga luha ay marahan na. Balikat ay bahagya nalang ang pagnginig. 

 

Itinaas niya ang kamay, bahagyang mahahawakan na ang Hasinto. 

 

Maliit na ngiti ang umakyat sa labi ni Alexus sa pag-aakala na kukunin na ito ni Alena. 

 

Pero hinila lamang ng sang'gre ang kamay niya pabalik. 

 

"Sino ka?" Malamig na tanong niya bagkus. 

 

Pinasukan ng kaba ang dibdib ni Alexus. 

 

Kinalas ni Alena ang kamay nila at tumayo, iniwang nakaupo ang diwani, at tumingin pababa sa kaniya. 

 

"Mahal na sang'gre—"

 

"Huwag," sabat ni Alena. "Huwag mong gamitin ang tono na 'yan. Nagmumukha kang inosente at napapaniwala mo ako."

 

"Hindi ko alam ang iyong—"

 

"Huwag kang mag maang-maangan, Alexus." Sinenyasan ni Alena ang bulaklak na nasa kamay pa rin ng diwani. 

 

Sa buong pag-aakala ni Alena, hindi alam ni Alexus ang tungkol sa panaginip — ang orihinal na una nilang pagkita. Siyang tunay. Ngayon, sa tingin niya ay inuuto na lamang siya nito. 

 

Dahil ang mukha ni Alexus, totoo sa kaniyang panaginip. Naaalala niya — ang maskara, ang wasak na kaharian, at... 

 

Ang Hasinto. 

 

"Sabihin mo sa akin kung sino ka."

 

Binuksan ni Alexus ang kaniyang mga labi pero walang lumabas. Sa halip ay paliwas-liwas niyang tinignan ang nga mata ni Alena. 

 

"Sino ka?" Bulong na ang salita nang nilabas niyang muli ang nga ito. 

 

'At bakit ka nagpakilala sa aking panaginip?' ang hindi lumabas sa kaniyang bibig. Dahil sa pinaka ilalim ng kaniyang kaalaman—

 

Hindi parin siya nakatitiyak na mulat siya sa waring 'panaginip'.

 

"Ako si Alexus." Tumayo siya, humakbang ng isa upang matore ang sang'gre. "At 'yun lamang ang maaari kong sabihin sayo hangga't hindi ko pa natatapos ang misyon ko sa mundong ito."

 

Nagkasalubong ang mga kilay ni Alena habang mataas ang mata upang maabot ang mukha ni Alexus. "Misyon?"

 

Huminga ng malalim ang diwani. "Hindi mo ako maiintindihan."

 

Nagpupumilit. "Alexus—"

 

"Dahil kailangan ko — kita — na pagtiwalaan ako."

 

Nanatili si Alena. Tansado ang katawan. Sa loob; hindi niya maipaliwanag pero maligamgam ang umakyat sa kaniyang dibdib na nagpa kansaw ng kaniyang sikmura. 

 

"At alam ko na alam mong hindi ako isang kaaway," nagmamakaawa ang tono at ang kaniyang mukha. 

 

Itinaas muli ang kamay. Hasinto ay nasa harapan nanaman ng sang'gre. 

 

"Alam ko na alma mo, mahal na sang'gre," huling bigay ni Alexus. 

 

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat na sigundo, habang palipat lipat ang tingin sa handog at kay Alexus, bago dahan-dahan kinuha ni Alena ang bulaklak. 

 

Dinala ito ng sang'gre sa harap ng kaniyang lagi, sapat upang maamoy niya ang pamilyar na halimuyak na ito. 

 

Sa pagpikit niya ng kaniyang mga mata — hindi kusang tumakbo ang mga matatamis na alaala niya. 

 

Ang kaniyang anak. 

 

Ang unang beses na haplosin niya ang bagong silang na si Khalil. Ang unang beses na marinig niya ang iyak niya. Paulit ulit. At pagkatapos ay si Pirena, Amihan, at Danaya. Ang mga panahong wala pa silang problema. Mga panahong wala pang pader sa kanilang mga puso sa bawat isa. Mga panahon na biglang gustong madama muli ni Alena. 

 

Hindi niya alam kung bakit pumasok ang mga memorya na ito. Hindi niya alam na dulot ito ng Hasinto. At lalong hindi niya alam na si Alexus ang dahilan nito. 

 

Hindi namalayan ni Alena na patuloy nanaman ang nga luha na nahuhulog mula sa kaniyang mata. 

 

Sa pagkakataon lamang nang naramdaman niya na hinila siya. 

 

Napa buntong-hininga ang sang'gre sa biglaan na yakap ni Alexus. 

 

"Alexus?" Sukluban — napahina ang boses ni Alena dahil sa rason na nakadikit ang bibig niya sa malambot na tela ng suotan ng diwani. 

 

Ang Hasinto ang mahigpit sa kaniyang kamay — kamay na nakakabit sa dibdib ni Alexus. Ang isa ay nasa balikat ng diwani, kapit, sinusubukang mahigpitan sa kabila ng nanghihinang katawan. 

 

Nagmukha siyang maliit (literal at metaporikal kahit na halos magkasintangkad lang sila) habang ang katawan niya ay nakabalot ng mga braso ni Alexus. Ligtas, panatag, kalma. 

 

Nag-umpisa sa mga mahihinang hikbi. Hanggang sa dinig na umiiyak ang sang'gre. Nangangatog habang hinuhuli ang kaniyang hinga sa bawat pagtangis. 

 

"Hindi ko ninais—" hikbi. "Ka— kailan man ay hi— hindi ko ninais na humantong ang pag— pagkakataon na ito sa— sa aming magkakapatid—"

 

Hinaplos ni Alexus ang likod ng ni Alena. Maingat. Parang sa tingin niya ang mababasag ang sang'gre kung diinan niya pa ang paghawak dito. 

 

"Gu— ginusto ko lang naman na mag— magkaroon kami ng payapang buhay—"

 

Ito ang unang beses na maramdaman ni Alexus ang ganitong damdamin... 

 

"Ngunit ba— bakit ganito ang nangyayari?"

 

Ang pakiramdam na malapit sa awa at intindi, ngunit hindi nagkakatagpo sa gitna... 

 

"Ikinasusuklaman ba ako ng Bathalumang Emre?"

 

Ang pakiramdam ng koneksyon. 

 

Humigpit ng biglaan ang yakap ni Alexus. 

 

"Shhh..." Tahan niya sa tenga ni Alena. "Huwag... Huwag mong sabihin 'yan. Batid mo kung paano ang paraan niya."

 

"Ngunit s— sobra na," hagulgol ng sang'gre, napahina sa damit ni Alexus. "Hi— hindi ko na kaya — ang sakit— ang sakit sakit na—"

 

"At hayaan mo ako na hawakin ka," aya ni Alexus. "Simula ngayon, hindi ka na nag-iisa."

 

Walang imik si Alena, nagpatuloy lang ang pag-iyak niya. 

 

Pero naramdaman ni Alexus ang paghigpit ng hawak ng sang'gre sa kaniyang balikat at sa tela na nasa kaniyang dibdib. 

 

Hindi pagtutol, kundi para iangkala ang sarili. 

 

Tahimik silang dalawa, tanging ang kailan na higop at tangis lamang ang naririnig ng hangin. 

 

Humigpit muli yakap ni Alexus na parang may gusto siyang patunayan. 

 

"At tungkol sa magiging desisyon mo sa aking katanungan..." 

 

Hinayaan lamang ni Alena. Dahil sa paghila pa ng diwani, mas lalo siyang nakaramdam ng proteksyon. 

 

"Sana piliin mo ang sa tingin mo ay tama."

 

Hindi sumagot si Alena. Ngunit isinandal niya pa ng mas komportable ang kaniyang ulo sa tela ng damit ni Alexus sa kaniyang dibdib at naglabas ng kontentong hinga. 

 

Wala rin sinabi si ang diwani. Pero hinayaan niyang manatili sa kaniyang akalap. 

 

Nakatayo sa gitna ng pook ng silangan ng punong bulwagan habang ang ilaw mula sa bintana na kakulay ng Hasinto ay pinipinturahan ang kanilang mga pigura. 

 

Sa isang maliit na pagkakataon, ninais ni Alena ang ganitong pakiramdam na tumagal — maging panghabang-buhay. Walang labanan, walang sagupaan, walang gulo. 

 

Tanging kaligtasan lamang. 

 

———

 

"Hindi bat maganda ito, mahal na Emre?"

 

Nakangiting sabi ni Khalil habang pinagmamasdan ang kaniyang banal na kaibigan at ina mula sa Devas. 

 

"Nagiging tulay na rin si Alexus sa pagkakaroon ng payapa sa mga magkakaibigang sang'gre — at kasama na rito ang pagbuo ng dahilan niya upang mahalin ang Encantadia — gaya ng ibinigay mong layunin para sa kaniya!"

 

Tahimik ang Bathala. 

 

May nararamdaman siyang kakaiba. Hindi ito maganda. At alam lahat ni Emre ang mga nangyari, nangyayari, at mangyayari sa loob ng Encantadia. 

 

Ngunit sa pagkakataong ito; kutob lamang ang pumapasok sa kaniyang isipan. 

 

"Mahal na Emre?" Tawag ni Khalil. 

 

"Nawa'y maging tunay ang iyong mga sinasabi, Khalil..."

 

Kinaway ni Emre ang kaniyang kamay sa mahiwagang paglalarawan mula sa kaniyang anak at Alena, patungo sa tunay na tulay. 

 

Si Lira. 

 

Na ngayon ay kausap ang nunong Imaw. 

 

"... Sapagka't hindi ko nais na magkaroon ng pagkakamali."

 

"Hindi ko kayo maintindihan mahal na Emre," nagtatakang ulat ni Khalil. "Masama ba na napapalapit ang iyong anak sa aking ina?"

 

Ngunit sobra ang lapit nila. Sa puntong may pagkakataon na baka maging delikado na. 

 

Marahan na lumingon si Emre upang harapin ang binata. 

 

"Magtiwala nalang tayo kay Alexus..."

 

Bumalik ang tingin sa usapan ni Lira at Imawa at lumapit dito.

 

"... Na sana ay siguraduhin niya na alam niya ang kaniyang ginagawa."

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 9: Lamig

Chapter Text



     Hindi natutulog ang mga Bathala. Ganon din ang mga kalahating dugo nila.

'Pahinga' ang tamang termino. Dahil ang pahinga ay sandalian — ito ay pinagpaplanuhan.

Malambot ang sapin ng higaan ng silid na ibinahagi ni Amihan. Hindi nga lang kasing lambot ng mga kama sa Devas, ngunit sapat na upang dumikit dito si Alexus ng mas matagal pa sa kaniyang ninanais.

Sapat na upang siya ay magpahinga.

"Alexus."

Isang pamilya, masyadong pamilyar na boses ang narinig ni Alexus sa likuran niya.

Nasa Devas siyang muli. Kung saan siya inilikha. Nakatayo siya mismo kung saan siya unang gumising. Ngayon ay pinapanaginipan na lamang niya.

Agad siyang bumaling sa pinanggalingan ng boses.

Alam niya na hindi ito pangkaraniwang panaginip.

"Ama!" Ngiti ni Alexus.

Mukha ng ginto, baluti ay puti, nakatayo sa gitna ng plataporma.

Dali-dali siyang naglakad ng mabilis papunta sa Dakilang Emre — hindi para sa isang yakap. Para lamang tumayo ng malapit sa harap Niya. Upang maramdaman ang init ng kaniyang Ama.

Ngunit hindi niya inaasahan ang bumalot sa kaniya — lamig.

Agad na natanggal ang ngiti ni Alexus.

"Ama? Ano't..." Tinignan niya Siya ng may pag-aalala. "Parang may bumabagabag sa Iyo?"

Walang sinagot si Emre, pero itinaas niya ang kaniyang palad para kay Alexus — kung sino ay inilagay ang kaniya rito.

Malamig.

"Anak," bulong Niya. "Batid mo ang iyong gampanin, at ang dahilan kung bakit kita inilikha. Siyang tama?"

Dahan-dahan na tumango si Alexus.

"Alam mo na ikaw ay binasbasan ng mga Bathaluman, at iba pang matataas na nilalang upang magsilbing pag-asa ng Encantadia. Ang mundo na iyong mamahalin. At sasagipin — sa pamamagitan ng pagtulong sa tulay ng magsasalba nito."

"Si Lira." Tango ni Alexus.

"Tanging si Lira," sabat ni Emre. Sabay higpit sa hawak ng kamay ni Alexus. Hindi mahigpit upang makasakit, ngunit tama lang upang maliwanagan ang anak. "Wala sa iyong katungkulan ang gumambala ng buhay ng ibang encantada."

Bumaba ang mga kilay ni Alexus, agad na pumasok sa isipan ang pinaparating ni Emre. "Ngunit Ama, nais ko lamang tumulong kay sang'gre—"

"Huwag," malamig na pagbawal ng Ama. "Nakasulat na ang kaniyang propesiya. Gayon din sa mga iba pang mortal na nilalang. Alexus. Batid mo ito."

Dumuko ang diwani.

"Sapat na na dinagdag kita sa aklat bilang isa sa mga bayani." Ibinaba ni Emre ang kamay niya, ngunit hindi binibitawan. "Inaasahan ko na huwag mong baguhin ang balangkas."

Walang imik si Alexus. Kaya't itinanggal ni Emre ang pagkakapiit sa kamay niya at itinaas ang baba ng Kaniyang anak upang tumingin sa kaniyang mukha.

"Hindi ito parusa. Isa itong paalala, Alexus. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Tango. "Oo, Ama." Lunok. "Naiintindihan ko."

"Mabuti."

Nanatili lamang si Alexus sa kaniyang kinatatayuan. Kahit na tumalikod na sa kaniya ang kaniyang Ama. Kahit na nag-iisa na lamang diya sa terasa.

Malalim sa kaniyang damdamin — isang bola ng emosyon ang kumakalikot sa isipan niya. Lito, kahihiyan, at... Umiling siya.

Hindi niya dapat ito binibigyan ng duda. Mas mainam, ito ay gawin niyang tanda sa sarili.

Isa lamang ang kaniyang tungkulin. Si Lira.

Isa lamang ang kaniyang sasambahin. Ang kaniyang Ama.

At... Isa lamang ang kaniyang mamahalin.

Ang Encantadia.

---

"—lexus! Huy, Alexus!"

Nagdilat ang nga mata ni Alexus sa ilalim ng paggising ni Lira sa kaniya. Agad siyang umupo at kinusot ang mga mata gamit ng dalawang kamay na hindi niya napansin ang kaniyang kaibigan na si Avi, umiikot sa kaniyang ulo.

"Para ka namang batang gumising jan— tara na!"

Hindi pinansin ni Alexus ang unang pahayag ni Lira at tinignan niya ang sang'gre ng may pagtataka. Si Avi naman ay dumapo sa balikat ng kaniyang amo.

Kumurap siya ng ilang beses.

"Tara... Saan?" Inosente niyang banggit.

"Sa paglusob duon sa mga Hathor! Sa Lireo! Samahan natin si Ina'y, tara na!" Kinuha ni Lira ang braso ni Alexus at hinila patayo.

"T— teka lang, Lira!"

Agad ba lumipad ang paru-paro. Nakuhang tumayo ng tuwid ni Alexus nang hindi natutumba sa pwersa ni Lira, sabay haplos sa kaniyang pulso.

"Bakit ka naman sasama, ha? Lubhang mapanganib ang iyong iniisip!" Mahinhin niyang pagbawal.

"Eh, kaya nga sasamahan natin sila Inay! Ikaw na nga nagsabi— lubhang mapanganib duon, kaya mamamatay lang ako rito sa pag-aalala!" Kinuha muli ni Lira ang kaniyang pintig.

Nanlaki ang mga mata ni Alexus. "Maaaring mamatay ang mga mortal dahil duon?"

Wala na siyang nakuhang sagot sapagkat hinila na siya ni Lira pasalabas ng kaniyang silid.

---

Hindi naaalala ni Alexus kung kailan nasakamay ni Lira ang espada ng Reyna Amihan. Marahil ay hindi niya napansin habang ibinabalik niga si Avi sa kaniyang tunay na anyo, isang dahon, at maingat na ibinulsa sa kaniyang sisidlan. Nakita niya na lamang ito na nasa kamay ng sang'gre habang nakatayo sila sa likuran ng reyna — kung sino ay nakaharap sa isang hukbo ng mga Sapiryan at Lerineang kawal, nagbibigay ng panglakas-loob para sa isasagawang paglusob.

Pagkatapos ng kaniyang pananalita, tumalikod si Amihan sa mga hukbo. Sabay naman ang paglapit ni Lira sa kaniya upang ibigay ang sandata ng ina.

Susunod na sana sa likod ni Lira ang diwani ngunit—

"Adamyan."

Huminto ang tinawag at humarap sa kaniya. "Sang'gre Danaya."

Nakasuot ng kalasag ang sang'gre. Kagaya ni Amihan. Kabaligtaran ng saplot ni Alexus liban sa puting baluti sa kaniyang braso at binti.

"May kailangan ba kayo sa akin?"

"Meron." Matalas ang tingin ng mata niyang lupa. "Sapagkat ngayon ko lang napagtanto... Naiiba ka sa mga ibang Gunikar. Na sinasabi mong iyong pinanggalingan."

Putol ang kurap ni Alexus. Ganon din ang pilit niyang tawa. "Hindi ko mawari ang iyong sinasabi, mahal na sang'gre."

Lumakad palapit si Danaya — sobrang lapit at itinaas ang braso ni Alexus upang kunwari ay pag-aralan ang bagay sa kaniyang brado.

Sa pagkakataon na ito, naalala ni Alexus ang kaniyang paghaharap sa reyna kamakailan lang. Tanging si Alena lamang sa magkakapatid ang hindi nanghinala sa kaniya.

"Kakaiba ang uri ng iyong baluti. Bihira ang klase." Tumingin si Danaya sa nga mata ni Alexus. "Hindi ko sinasabing mabababa ang antas ng mga Gunikar. Ngunit sa pagkaka-alam ko ay walang ganitong kalidad ng mineral ang mahahanap sa Adamya."

Patago ang lunok ng kaba ng diwani. "'Yun ay dahil... Dahil..."

Kinitid ni Danaya ang kaniyang mga mata sa hinala. "Dahil...?"

Umiwas ng tingin si Alexus. Ilang sandali pa ay naglabas ng natalong hinga at binaba ang kaniyang ulo.

Hindi talaga para sa kaniya ang pagsisinungaling.

"Poltre, mahal na sang'gre... Ngunit hindi ko maaaring sabihin."

"At bakit?" Nangibabaw ang boses ni Danaya. Malamig. Strikto.

"Sapagkat hindi mo ako paniniwalaan," mahina niyang sagot pagkatapos tumingin sa mukha ng sang'gre.

"Hindi iyan ang nais kong sagot, Adamyan."

"At hindi niyo rin nanaisin ang gusto niyong sagot."

"'Yun ay kung hindi ka mapagkakatiwalaan." Mabilis ang pagbigkas ng sang'gre. Wasto at matalim. "At ngayon ay ipinapalakas mo lamang ang aking kutob."

Sakit ang umiglap sa ekspresyon ni Alexus. Napansin ito ni Danaya. Isang tagpo na parang mahika na biglang nagtanggal ng mga magibigat na bato niyang hinala sa hindi kilalang encantada. Ang sa isang saglit, gumaan ang pakiramdam ng sang'gre. Halos isang patawad.

Sa isang saglit at halos.

"Danaya?"

Boses naman ni Amihan ang dumagdag sa hangin, sa likuran niya ay Lira — sumusunod sa reyna. Katatapos lamang basbasan ng Nunong Imaw ang kanilang paglusob.

"Ano't parang mainit ang inyong pinag-uusapan?" Tanong ng reyna sa kaniyang laging gamit na boses — regal at kalmado.

"Wala kang dapat ipag-alala, Amihan." Humarap si Danaya kay Alexus. "Nais ko lamang tiyakin na katiwa-tiwala ang bagong salta." Tingin kay Amihan na may nalalaman. "Lalo pa't siya ay kasa-kasama palang ng ating kapatid na si Alena."

Binigyan siya ni Amihan ng nakakapanatag na ngiti. "Hindi na kailangan, Danaya." At bumaling sa diwani. "Nakausap ko na si Alexus." Pabalik sa kaniyang kapatid. "Basta't hindi siya magiging gulo sa atin — wala tayong problema sa kaniya."

"Legit po ashti— este— sang'gre Danaya," sabat ni Lira. "Bff pro max kaya kami, mabait 'yan!"

"Hindi tama na sumali ka sa usapan ng walang pahintulot, Lira," dedma ni Danaya.

Bumaba ang labi ni Lira. "Harsh naman."

"Ha—?" Naputol ang tanong ni Alexus nang magsalitang muli si Amihan.

"Husto na ang usapan." Tumalikod ang reyna at idinagdag sa kaniyang balikat. "May laban pa tayong susulungan."

---

Ilang minuto na ang nakalipas nang mag-evictus na ang dalawang sang'gre at kanilang mga hukbo.

Tanging si Alexus at Lira na lamang ang natitira sa pinanggalingan ng mga kaninang pagkarami-raming kawal.

At ilang minuto na rin naglalakad ng pabalik-balik si Lira sa iisang hugis.

"Hindi ka ba nahihilo diyan sa iyong ginagawa, Lira?" Tanong ni Alexus habang siya ay naka-upong waring anghel sa sahig.

"Nag-aalala talaga ako, Alexus," mahinang banggit niya habang patuloy na naglalakad.

Habang sinusundan ng mga mata (buong ulo na) ni Alexus ang bawat balik niya.

"Emre Lord, please po gabayan niyo si ina'y at itay. Sana po manalo sila laban sa mga Hathor. Bigyan niyo po sila ng lakas para mabawi ang Lireo. Atsaka yung anak niyo po rito— Alexus tumayo ka nga jan!" Huminto si Lira sa harap ng kapwa diwani. "Ang lamig kaya ng sahig lagnatin ka— ay, teka lang, nagkakasakit ka ba?"

Umiling si Alexus bilang sagot, tumingin sa sahig at nagsalita. "Bukod pa, sa tingin ko ay makakapag-isip ako ng maayos sa lamig."

Dahil lamig ang huli niyang naramdaman sa kaniyang Ama sa kanilang muling pagkita. Ang Bathalumang Emre ang parating sumasagot sa kaniyang mga katanungan nuong nasa Devas pa siya.

At naisip niya, baka lamig din ang magbukod sa kaniyang mga katanungan.

"Ano namang iniisip mo?"

Tumaas ang tingin ni Alexus mula sa sahig. "Ang aking tungkulin. Ako'y nag-iisip ng paraan kung paano ka ma-aalala ng Encantadia."

Tumahimik si Lira ng ilang sandali. "... Alexus."

"Hm?"

"May pagkakataon pa ba na... Ma-aalala nila ako?"

Isang segundo. Dalawa. Napatawa ng mahina si Alexus. "Ang Dakilang Emre na ang nagpadala sa akin sa'yo, Lira. Wala kang dahilan upang panghinaan ng loob."

"Pero bakit? I mean, no offense, pero—" Tibok. "Ginawa ka ba talaga para lang sa akin? 'Yun lang yung tungkulin mo?"

Parang nagdadalawang-isip, tumango si Alexus. "Sapagka't malaki ang gampanin mo sa mundong ito, Lira."

"Grabe, nakaka-pressure." Muling naglakad-lakad ang sang'gre. Muli ring sinundan ng mga mata ni Alexus ito. "Pero curious lang."

"Ha?"

"Ibig kong sabihin— nagtataka lang. Paano ka ginawa? Like, may Mama Mary bang nangyari, or galing ka rin sa retre, or..." Huminto si Lira at biglaang naging saliwa ang tingin at galawan. "Alam mo na."

Ngunit kinurot lamang ng diwani ang kaniyang mga kilay. "Paumanhin Lira, ngunit hindi ko batid."

"Yung ano—! Tsk." Huminto siya sa harap ng naka-upong Alexus. Nanaman. "Sige ganito nalang; paano ka ginawa?"

Niyakap ni Alexus ang kaniyang nga tuhod at ipinatong ang baba niya rito. "Nanggaling ako sa liwanag," bulong niya. "Mahimbing pa akong natutulog. Pagkatapos non ay binuhay ako mula sa dugo ng mga matataas na nilalang na namumuhay sa Encantadia. Sa tubig mula sa Batis ng Katotohanan. At sa basbas ng aking Ama."

Ngumanga ang bibig ni Lira ngunit nahihirapan siya kung ano ang sunod na sasabihin. "Wow. Max-level yern?"

"Lira, husto na sa dilang-tao mo. Batid mo na hindi kita maunawaan."

"Ay, oo nga pala, sorry— este— poltri—"

"Poltre," pagtatama ni Alexus.

"Oh, edi poltre. Nakakalimutan lang naman, eh."

Silencio.

"Hindi, pero seryoso." Bumaba ang tono ni Lira.

Nagtitinginan na ngayon silang dalawa sa mata.

"Ang pagligtas mo lang ba sa akin yung yung tungkulin mo dito?"

Kinagat ni Alexus ang kaniyang labi bago magsalita. "Mayroon pang isa," pagbubunyag niya. "Kung saan galing ang aking ngalan..."

Mas nagtuon ng pansin si Lira. "Ano 'yun?"

"Ang magmahal ng isa."

"HA!? Maghahanap ka ng love life mo dito? Grabe, nabagot yata si Lord Emre, eh— ay, sorry po Emre—"

"Ano ka ba, Lira!" Natatawang sambit ni Alexus pagkatapos mawari ang ibig-sabihin ni Lira. "Hindi isang encantado ang ibinilin ng aking Ama."

"Hindi ba?" Napakamot ng tenga si Lira. "Eh, ano?"

"Nais niyang mahalin ko ng lubusan ang—"

"Encantada," tawag ng bagong boses.

Naglakad ng mabilis si Alena patungo sa dalawa.

"Alexus!" Nang makita niya ito sa lapag. "Ikaw ay tumayo mula sa sahig ngayon din."

"Eh, ako nga, hindi pinakinggan ikaw pa kaya— AY WOW HA!?"

Tumayo si Alexus mula sa sahig. Medyo mabilis kesa sa pinaplano niyang gawin.

"S— Sang'gre Alena," dukhang subok ng pagbati ni Alexus.

"Ano't kayo lamang ang naririto?" Bumaling sa ibang sulok si Alena. "Nasaan sila?" Ang tanong niya sa dalawa. Habang nakatitig lamang sa isa.

Parang pashneang nahuli ang paggalaw ni Lira. "Uhm— eh... A— ano kasi—"

"Kamusta ka na, mahal na sang'gre?" Tanong ni Alexus. Kalahating tulong kay Lira, at kalahating tunay na pag-aalala para kay Alena.

Awtomatiko, nanlambot ang mga mata ng sang'gre at isang maliit na ngiti ang umakyat sa kaniyang labi. "Mabuti na nang dahil sayo."

Kumurap sa pagkabigla ang diwani ng Devas.

Parang natulala, agad na kinolekta ni Alena ang kaniyang sarili. "I— ibig kong sabihin— sa ginawa mong pag-gaan ng loob ko kanina."

"Ah..." Dahan-dahan na tumango si Alexus sa pag-uunawa ng may ngiti — ngiting hindi niya napuna na nasa kaniyang mga labi.

Hindi nila batid — ngunit iisa lamang ang gumagalaw sa kanilang damdamin. Hindi rin nila napapansin ito. Mainit, nakalulusaw, at malikot.

Habang si Lira ay pinagmamasdan lang sila. Sa buong pag-aakala na ang ginagawa ni Alexus ay dahilan para abalahin ang kaniyang ashti. Sa anong gumagana, mabisa pa, dahil parang nakalimutan na ni Alena ang kaniyang tanong kani-kanina lamang.

Hanggang sa...

"Ngunit saan ka nagmula kanina?" Tanong ni Alexus. "Hindi ka tuloy nakasama sa laban."

Nanlaki ang mga mata ni Lira. Sa susunod na segundo, naramdaman ni Alexus ang tela ng kaniyang damit na nahihila pabalik mula sa kaniyang likuran.

Isang senyas na huwag nang magsalita pang muli.

Nagsalubong ang mga kilay ni Alena.

"Laban?" Tanong niya.

"Uh..." Sinubukan ni Alexus.

"'Yung ano kasi ashti—... Ishhhhh. Sheesh—"

"Alexus," banggit ni Alena. Isang pangalan. Ngunit parang marami ang hingin.

Bago pa man makasagot ang diwani, biglaan naman ang pagdating ng isang mandirigma. Bagay na hindi alam ni Alexus kung ikamamalas niya o dapat niyang pasalamatan.

"Sang'gre Alena!" Tumakbo si Wantuk papunta sa kanila. Gulat at nagtataka. "Hindi ka ba sumama sa laban?"

Binigyan ni Alena ng nagtatakang tingin ang bawat isa sa kanila.

"Hindi bat sinabi na saiyo ng mahal na reyna na itinuloy na nila ang pag-lusob sa Lireo?" Patuloy na tanong ni Wantuk sapagka't hindi niya napansin si Lira na wina-wagayway ang kaniyang mga kamay upang patigilin siya sa pagsasalita.

"Pashnea," inis na bulong ni Alena. Ang pagtingin niya sa wala ang naging pahiwatig na siya ay maglalaho — literal.

At nakita ito ni Alexus.

"Mahal na sang'gre," tawag ni Alexus.

Mahina. Malambing. Malambot.

Sobrang lambot para sa ikabubuti ni Alena.

Delikado.

Kaya agad na lumayo ang tingin ni Alena sa mga mata ng diwani bago pa siya malunod dito. Kahit na may humihila pabalik sa kaniyang kalooban.

'Sana piliin mo ang sa tingin mo ay tama.'

Parang nang-aasar na naulit sa isipan ni Alena ang boses ni Alexus mula sa silangan ng punong bulwagan. Napaka tumbalik sa kaniyang gagawin.

At sa hingang malalim—

Naglaho si Alena.

"Ano ba Wantuk!" Narinig na sinabi ni Lira.

Ngunit nakatayo lamang si Alexus. Tinititigan kung saan huling nakatayo si Alena. Mukha ay parang itinulak papalayo.

"Halika na nga, Alexus!" Hinila ni Lira ang kapwa diwani.

"Ha—?"

Nang humarap si Wantuk, wala na ang dalawang encantada.

———

Bago sa balat ni Alexus ang evictus.

Lalo na ang magaspang na puno sa dinidikitan ng kaniyang katawan ngayon.

At mas bago sa kaniya na masilayan si Alena — ang unang encantada na nagparamdam ng tagpo at pagsalubong sa kaniya — na dumeretso sa kuta ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Pirena.

Si Pirena na natatandaan ni Alexus bilang isang taksil na anak ni Reyna Minea at masamang tuso sa apat na magkakapatid na sang'gre.

Pakiramdam ni Alexus ay siya ay binigo. O mas tugma; nabigo.

"Hindi nila puwedeng sirain ang plano nila inay at itay," bulong ni Lira bago kuning muli ang kamay ni Alexus.

Bago pa makapagsalita ang diwani, nakapag-evictus na sila sa harap ng magkapatid. At Gurna.

"Encantada!" Gulat at pikon na sigaw ni Alena. Lumipat ang tingin niya at nadapo kay— "Alexus...?" Bulong niya. "Anong ibig sabihin—"

"Sino sila?" Tanong ni Gurna.

Hindi makapagsalita si Alena.

"Wala nang panahon upang makilala sila," walang pasensyang sambit ni Pirena sabay handa sa kaniyang espada.

Agad siyang lumusong.

At ang pinakamalaking pagkakamali niya ay lumusong siya kay Lira.

Agad na umakto si Alexus.

Kasing bilis ng bangis, hinablot ni Alexus ang pintig ni Pirena bago pa siya makalapit kay Lira at inikot ang buol. Sanhi ng pagkalaglag ng sandata ng nakatatandang sang'gre.

"Alexus!" Sigaw ng pakiusap ni Alena.

Hindi ito pinakinggan ni Alexus.

Sabay na umusad si Gurna upang abantehin ang dalawang diwani.

Pero mas mabilis pa rin si Alexus.

Hinila niya ang sang'gre Pirena at kumapit sa ulo niya, pagkatapos ay ibinangga sa mukha ni Gurna — partikular, sa kaniyang ilong. At dahil sa puwersa, natumba ang dalawa.

"Pirena!" Nag-aalalang hiyaw ni Alena nang mahimatay ang kaniyang kapatid.

Humihinga ng malalim si Alexus. Hindi dahil sa pagod. Kung hindi dahil sa presyon ng biglaang pananakit niya ng iba pang nilalang.

Ilang beses siyang kumurap hanggang sa makita niya na tinititigan siya si Alena. Hindi mawari kung bakit. Ngunit may bahid ng taka, alala, at kirot ang sinasabi ng mukha ng sang'gre.

Ngunit bago pa siya magkaroon ng lakas na magsalita.

Naglaho na si Alena.

Chapter 10: Liyag

Chapter Text

 

     Nakakulubot sa kaniyang mga tuhod si Alexus, kakatwang nasa gilid ng kama ni Pirena. Na ngayon ay nakatali kasama si Gurna upang pigilan sa kahit anumang pagsira nila sa plano ng mahal na reyna.

Nakaupo naman si Lira sa may bandang lamesa, binabalatan ang isang prutas habang sinesermonan ang sari niyang ashti patungkol sa mga kasamaan na ginawa niya, at pinagpatuloy sa pagpapaalala kay Mira.

Klaro ang mga boses at salita ng munting away ng mag-ashti para kay Alexus, ngunit iba ang kaniyang iniintindi.

Tumakbo pabalik sa kaniyang isipan kung paano siya tinignan ni Alena.

Hindi ang dating mata niya na malambot sa ilalim ni Alexus, ang kanina niyang ginamit ay malayo pa dito. Hindi naman takot at bigo, ngunit malapit na ruon. At hindi alam ng diwani kung ano ang gagawin sa kaalaman na ito.

"Sino ba yang tinatawag mong ina? At kailan mo pa naging ina ang reyna ng mga diwata?" Naiiis at pilit na subok paluwagin ang tali na nakatali sa kanilang dalawa, saad ni Gurna.

Umirap ang tunay na diwani ng Lireo at nagsimulang dumadal tungkol sa hindi siya paniniwalaan sa kaniyang mga kasagutan.

Tumayo si Alexus mula sa kama ng sang'gre at nilakad ang kaniyang tingin sa paligid.

Sapat na para sa isang diwata ang tolda de kampanyang tinitirahan ni sang'gre Pirena. Hindi nga lang masyadong komportable ang kama, ngunit maaari pa namang makatulog dito. At sa may bandang gilid mayroong kalsunsiyo ng iba pang mga kagamitan.

Matatalim na pang luto, batong hindi alam ni Alexus kung bakit nandito, at isang salansan ng mga papel.

Inabot ng diwani ang kaniyang kamay upang pagmasdan ang mga ito. Yari ng sanaysay ang unang bumungad sa kaniya. Mga plano ng sang'gre patungkol sa pag-akyat sa kapangyarihan. Walang panahon si Alexus para basahin ito.

Mayroon ding mga guhit, debuho ng Lireo, at—

Ang kaniyang kapatid na si Alena.

Parang buhay na iginuhit sa papel, perpektong mga linya sa bawat hugis ng kaniyang mukha. Ang tanging pagkakamali lamang ni Pirena ay kung paano niya dinisenyo ang mga mata.

Banayad ang mga itim na hila sa bintana ng kaniyang kaluluwa. Parang ipinapahiwatig ng nakatatandang sang'gre na guwang ang mga ito.

Ngunit iba ang puri ni Alexus. Natatandaan niya ang mga mata ni Alena bilang maliwanag, lalo na sa tuwing siya ay ngumingiti.

"Sheda, encantada!" Galit na pagbawal ni Pirena at tumingin kay Lira. "Pashnea, sabihin mo sa iyong ashtading na huwag pakialaman ang aking mga gamit. Mga ashtadi," sirit pa niya.

"Arte naman ni ashti," nakangusong tampong sabi ni Lira at tumungin sa direksyon ni Alexus.

Hindi na kailangan masabihan ng diwani dahil ibinaba na niya ang mga papel sa kama.

"Sang-ayon ako sa mga sinasabi ni Lira," ang sabi niya pagkatapos lumabas sa tolda. "Alam kong may lambot parin sa iyong puso." Ang guhit biga kay Alena na ang nagsabi. "At alam kong hindi lumalabas kundi bumabaon sa iyong kalooban ang mga sinasabi niya. Ang kailangan mo nalang gawin ay pag isipin kung ano ang gagawin mo rito."

Sa maliit na sandali, kumalma ang apoy sa mga mata ng sang'gre bago ito muling lumiyab at bumuga ng init patungo sa dalawang diwani.

"Mga warka, ipinapangako ko na susunugin ko kayo kapag nakalaya kami rito!" Birit niya habang pikit na hinihila ang tali upang subok na pakawalan ang sarili.

Hindi naman niya nalalaman na nasasakal niya si Gurna sa proseso, dahil sa tali na nakapalibot sa kaniyang leeg.

Nanlaki ang mga mata ni Alexus at agad na lumuhod upang gawing komportable para sa dama. Tinignan lamang siya nito ng masama pagkatapos. Huminga ng malalim ang diwani at bumaling ang tingin patungo kay Pirena. Hindi para pagsabihan — hindi niya susubukang ibahin ang kilos loob nito dahil sa dalawang rason.

Pinagbawalan na siya ng kaniyang ama.

Tungkulin ito ni Lira.

Tinitigan niya lang ang nakatatandang sang'gre upang sikapin ang lingguwahe ng pagmumukha niya. Sa pag-aakalang — siguro kung pagmamasdan niya ng maigi at makita niya ang dahilan sa mga kasamaan ng mga gaya niya, maiintindihan niya ito.

Ngunit wala parin siyang naunawaan.

Mayroong maliit na duda sa likod ng mga mata ni Pirena. Hindi alam ni Alexus kung saan ito nagmula. Ngunit isa lamang ang nalaman niya.

Hindi niya pangangatuwiran ang mga uri ng kagagawan ng mga gaya ni Pirena.

At mas lalong hindi niya iisiping gumawa ng kasamaan ni Alexus upang makamit lamang ang kaniyang kagustuhan.

Isang kalabog sa lupa ang humarang sa mga tumatakbong pahayag sa isip ng diwani. Lumiko siya at sa kaniyang pagkagulat, walang malay si Lira na nakabalandra sa buhangin. Nakatayo bago sa kaniya ay isang encantado na itim ang baluti at armas.

"LIRA!" Agad na gumapang palapit si Alexus sa kapwa diwani at tinignan ang lagay ng kaniyang mukha.

"Hitano, pakawalan mo kami rito!" Utos ng sang'gre.

"Mamaya na kapag natapos ako sa isang 'to!"

Narinig ni Alexus ang sibol ng espada sa hangin. Ngunit isang katotohanan— mas mabilis maglakbay ang liwanag kaysa sa tunog. At wari sa tunay, nakailag ang diwani bago pa siya matamaan.

Napansin niya ang espada ng 'Hitano' na naka baliktad. Mukhang hindi siya sinusubukang patayin bagkus gawin ang kung anong ginawa kay Lira — na ngayon ay, salamat sa kaniyang Ama, ay humihinga pa.

Ngunit hindi mababawasan ang katunayan na nakalatay ngayon si Lira, walang malay at halatang nasaktan.

Dahilan ng pagkanginig ni Alexus.

Naninibago siya sa pakiramdam, ngunit parang may mabigat na bato na inilagay ang sinabing 'Hitano' sa kaniyang dibdib at nais niyang ibatong muli ito sa kaniya pabalik.

Kinuha niya (sa wakas) ang bagay sa sisidlan ng kaniyang kasuotan — isang sundang, kasinlaki ng kaniyang kamao. Ang hawakan ay ihinugis bilang isang ulo ng mitikal na higanteng ibon. Regalo mula sa kaniyang Ama.

Kaibigan na ipinangalan niyang 'Liyag'.

Hindi napigilang tumawa ng isang beses ni Hitano. "At ano sa tingin mo ang magagawa niyan, encantada?"

Walang sinabi si Alexus. Ngunit itinuro lamang niya ang kaniyang ang Liyag sa encantado.

At sa gulat sa gulat ng kaniyang kalaban, humaba ang parang-kutsilyo, marahan na lumiwanag hanggang sa maging espada na ito. Ang kaninang isa ay ngayon ay tatlong ulo na ng ibon, tig-isa sa bawat dulo na hawakan.

At nakagugulat din na siya ang unang lumusong — agad na dumipensa si Hitano, tunong ng espada sa espada ang kumampana sa kuta. At hindi patas ang laban.

Sapagka't isang hamak na encantado ang nakikipag sabwatan sa isang anak ng Panginoon

Sa huling beses na iginuhit ni Alexus ang kaniyang espada, ubos sa enerhiya di Hitano para pigilan pa ito. Pasalamat siya at may natira pa siyang lakas upang makailag. Halos.

"ARGH!" Makalawang na sigaw ang inilabas ng encantado nang humaplos ang gilid ng talim sa kaniyang balikat, humila ng tumutulong pula na nakabahid pati sa espada ni Alexus.

Hindi parin tumitigil ang panginginig ni Alexus. Napansin ito ni Hitano. Napansin niya na nanganganib na ang kaniyang buhay. Kaya umarangkada siya, inunahan ang diwani, ngunit hindi para lumabas. Kundi para mantakot. Sa mandaling sandali ay nakatayo siya bago kay Lira, ang espada ay peligrosong basa ibabaw ng diwani.

"Lumayas na kayo rito," walang hiningang kanta ni Hitano. "Kung hindi ay papaslangin ko ang kasama mo."

Kagat-ngipin na umihip ng hangin si Alexus mula sa kaniyang bibig. "Huwag mong subukan, nilalang."

Itinaas pa ni Hitano ang kaniyang sandata sa walang malay na diwani — dahilan ng pagbaba ni Alexus ng kaniya bago itaas muli ito.

Dahan-dahan siyang lumakad papunta kay Lira, ang espada niya ay nanatiling nakatutok kay Hitano. Ang pagkatapos ng ilang nakamamatay ng oras, bumaba sa kaniyang mga tuhod si Alexus — si Hitano ay malayo na sa kanila ngunit handa parin ang armas.

Bumalik sa dating anyo ang Liyag ni Alexus, muling lumiit. Hinagkan niya so Lira upang siyasatin.

Pinagsamantalahan ni Hitano ang pagkakataong ito upang tumakbo sa kaniya at laslasin ang kaniyang espada. Subalit nang maiduyan niya na ang sandata, naglaho ang dalawang encantada. Walang bakas na iniwan kundi ang puting usok kung saan sila dating naroon.

Iniwan ang tatlo, lalo na si Pirena, na magtaka kung bakit may kakayahang maglaho ang dalawang encantada.

———

Lumitaw — bumalik ang dalawa sa Sapiro, sa pasilyo ng bulwagan.

Binuhat ni Alexus ang sang'gre sa isang batong lamesa malapit sa malawak na dingding.

"Lira... Lira," tawag ni Alexus habang yinayanig ang sang'gre.

Huminga ng malalim ang diwani ng Devas nang hindi pa magising si Lira. Inilantad niya ang kaniyang palad sa dibdib ni Lira, pansamantalang lumiwanag ito ng dilaw bago niya maramdaman na gumalaw si Lira.

Dumilat ang mga mata niya ng dahan-dahan na kumurap.

"Alexus...?" Mabagal siyang umupo, napadali sa pag-alalay ng kaibigan.

"Maingat muna sa paggalaw, Lira—"

"Kailangan nating magbalik duon! Sisirain lang ni ashti Pirena 'yung plano ni inay!" Hatol ni Lira, kaagad na tumatayo ngunit malambot parin ang galaw.

Nasalo siya ni Alexus bago pa man mahulog sa sahig at ibinabang muli sa bato. "Ngunit hindi maaari sa lagay mong 'yan. Kailangan mo munang manatili rito."

"Pero si ashti Pirena nga, Alexus! Kailangan natin siyang pigilan!"

Ang tungkulin ni Alexus ay gabayin at pagsilbihin si Lira. Sa pagpili ng kagustuhan ng diwani, mabibigo siya bilang isang gabay dahil paglagay lamang sa peligro ang buhay niya rito. At kung mananatili lamang siya at hindi papayagan si Lira, sisirain niya rin ang isa sa mga kaniyang tungkulin.

"Kung makapagpapagaan ng iyong loob, ako mismo ang pipigil sa kaniya!" Sigaw na walang halong galit ni Alexus pagkatapos magpasiya. "Dalawa nating hindi maitutupad ang ating gampanin kung ilalagay mo sa panganib ang iyong buhay."

"Pero—"

"Shh."

"Kasi naman—"

"Lira."

"Ano ba!"

"Ano ang nangyayari rito?" Dumaan ang Nunong Imaw. Naglalakad papunta sa dalawa.

"Nunong Imaw." Lumuhod si Alexus upang matimbangan ang laki ng Adamyan. "Kung iyong mamatapatin nais kong pakibantayan ninyo ang aking kaibigan—"

"Huy, ano ka ba naman!" Daing ni Lira.

"— habang ako'y luluwas patungo ng Lireo?"

Natulala ang punong Adamyan. "Lubhang mapanganib ngayon sa Lireo, bakit mo nanaising magtungo rito?"

Sa usapan ng dalawa, nakikita si Lira na nagdadabog sa inuupuan niya.

"Walang panahon upang ako ay magpaliwanag, ngunit nagpupumilit si Lira na magpunta ruon gayong mahina pa ang kaniyang kalagayan," pakiusap ni Alexus habang hindi pinapansin ang mga reklamo ng kapwa diwani.

Ilang segundo lamang ng pagpapasiya ni Imaw at pumayag na siya.

"Hayst, sige. Babantayin ko si Lira. Ngunit ikaw ay mag-iingat, encantada. Hindi ko nanaisin na ikaw din ay malagay sa panganib," payo ng matandang nuno.

Tumango ng isang beses si Alexus. "Avisala eshma, Nunong Imaw."

Tumayo siya at binigyan ng tingin si Lira bago tumakbo palabas ng bulwagan upang hindi makita ang kaniyang paglaho.

Nagbuntong hininga si Lira at tampong nanatili habang nakakurot ang kaniyang mga kilay sa pag-alala.

———

"Lolo Imaw," nakangiting tawag ni Lira. Ang tipong batang may binabalak. "Gusto niyong makakita ng majik?"

Nagtaka ang matanda. "Majik? Ano ang ibig sabihin ng majik?"

"Halika po, ipapakita ko sainyo," bungisngis niyang sinabi habang tumatayo sa bato at nilapitan ang nuno. "Gan'to po, pagbilang ko ng tatlo, haharap kayo, okay?"

Malarong inikot ni Lira patalikod si Imaw hanggang sa nakaharap na ang likod nito sa kaniya.

"Okay!" Diin ni Lira. "One— ay— isa..." Umatras si Lira. "Dalawa..." Hanggang sa mabigyan na sila ng distansya upang hindi maramdaman ang— "Tatlo!"

Evictus.

Agad na umikot si Imaw at naglabas ng gulat na hiyaw.

"Na— nasaan na si Lira? Nawala siya!"

Tumingin pa siya sa paligid.

"Nag-majik!"

———

Nagbalik si Alexus sa kuta. Wala na siyang dinatnan na nilalang duon. Kaya ngayon ay nasa harap siyang ng maluwalhating bibig ng Lireo, bitbit sa kamao ang Liyag na nasa kaniyang espadang anyo.

Wala na ang mga Hathor sa bulwagan. Ibig-sabihin lamang nito ay naasikaso na ang mga ito nina Reyna Amihan.

At patuloy siyang naglalakad sa mga pasilyo ng Lireo sa pag-asang makita si Pirena at pigilan pa siya sa binabalak niyang gawin. Ang kagustuhan ni Lira.

"DANAYA!" Mula sa kabilang kamara, narinig ang sigaw ng reyna.

Agad na tumakbo si Alexus papunta sa pinanggalingan nito. Nadaanan niya ang ilang mga naglalaban-laban na mga Lairenean at Hathor ngunit iisa lang ang nasa utak niya.

Nakapunta siya sa kamara ng mga sandata, laking mata na natagpuan ang reyna at ang kaniyang kapatid na si Danaya, nakataas ang mga brilyante na nagbubuga ng liwanag sa kapangyarihan ni Hagorn.

At sa gilid ng kaniyang mata ay nakalantad ang isang berde.

Bumaling ang tingin ni Alexus at mas nanlaki pa ang mga mata.

"Sang'gre Alena!" Sigaw niya at mabilisang tumakbo, ibinalik ang Liyag sa dating anyo at ibinulsa ito sa sisidlan. Lumuhod sa tabi ng walang malay na sang'gre si Alexus at dinala ito sa kaniyang kandungan.

Tumutulo ang linya sa gilid ng kaniyang leeg, mababaw ngunit matalim. At nasa pulso. Walang oras kung paghihintayin pa ang pinsala.

Winalang-bahala niyang binigyang pansin ang ingay ng nagsasabong na mga brilyante sa kaniyang likuran at dali-daling itinaas ang kamay, wari ay ilalay sa sugat ni Alena.

"Wala sa iyong katungkulan ang gumambala ng buhay ng ibang encantada."

Kusang inalala ng kaniyang isipan ang boses ng Ama.

"Tanging si Lira."

Bumaba ng kaunti ang kaniyang palad sa dumadaloy na dugo. Ngunit bakit?

"Tanging si Lira."

Animo'y isang tali ang nagbubukod sa kaniya sa presensiya ng nilalang na nasa kandungan niya ngayon. Wari niya na mali, ngunit nanghihinala kung bakit hindi tama.

Sa wakas, ibinaba ni Alexus ang kaniyang palad — ngunit hindi sa sugat ni Alena. Kundi sa kaniyang dibdib.

Kinagat niya ang kaniyang mga ngipin ng wala siyang naramdaman na tibok nito. Sinubukan naman niya ang kamay ng sang'gre. Dahilan ng pagkaguho ng kaniyang damdamin.

Malamig ang kamay ni Alena.

Ang tipong lamig na binabalutan ng kadiliman — ang lamig na nilalapitan ng mga paru-paro mula sa Devas.

Lamig na katulad ng presensiya na kaniyang Ama sa panaginip. Kambal ng presensiya ng kaniyang Ama sa alaala.

Ngunit patawarin nawa siya...

Sapagka't mas kinabahan siya sa lamig ni Alena kaysa sa lamig ng Bathalumang Emre.

Kumilos ang kaniyang kamay bago pa man siya makapagdesisyon.

Hindi gaya ng kamay ng sang'gre, mainit ang namumulang likido sa leeg niya. Pinigilang huminga ni Alexus habang nararamdaman ang kaniyang palad na lumamig, at bumuga lamang ng hangin nang naniig ang pagsara ng sugat ni Alena.

Pagkatapos magbuga ni Hagorn ng huling puwersa, natumba ang magkapatid na diwata, at agad na tumakas ang hari.

Sinigaw ng mga sang'gre ang pangalan ng kanilang kapatid, kung sino ay nasa kandungan parin ni Alexus.

Si Alexus na ngayon ay puno ng naglalaban na ginhawa, dahil sa ligtas na si Alena, at pagkabahala, dahil sa pagsaway niya sa kaniyang Ama.

"Amihan," narinig niya na dumating ang prinsipe Ybrahim. Tinulungan niya ang reyna na tumayo sa sahig.

"Ybrahim, si Alena," sabi ni Amihan nang makita ang kaniyang kapatid.

"Alena!" Agad na pumunta ang prinsipe at lumuhod sa tabi, pinagmamasdan ang kaniyang 'kabiyak' na kinakandong ng hindi niya kilalang encantada.

Alalang-alala silang nakatuon kay Alena.

"Akina't gagamutin ko ang aking kapatid," luksang utos ni Danaya.

Hindi gumalaw si Alexus subalit papayagan niyang kunin ni Danaya ang kaniyang kapatid.

Ngunit bago pa man mahawakan ni Danaya si Alena, mabagal niya nang ikinurap ang kaniyang mga mata at agad ba dumapo sa mukha ni—

"Alexus...?" Mahinang tawag niya habang matamlay na mariing hinawakan ang tela ng damit sa dibdib ng diwani. Nagbalik ang ligamgam ng ng panahon sa silangan ng punong bulwagan.

Pero agad itong nasira nang mapansin niya ang tatlo pang nilalang na nakapalibot sa kanila.

"Alena, halika," ang sabi ni Ybrahim — hindi na niya inantay na may sabihin ang kahit sino at hinila si Alena sa kaniya mula kay Alexus.

Walang ginawa si Alexus kundi bumigay.

Lumayo ang tingin ni Alena at nagpagaling-baling sa paligid.

"Nasaan si Hagorn? Si LilaSari, nasaan sila!?" Tanong niya habang tinanggal ang sarili sa yakap ng prinsipe.

Sinabi nina Amihan at Danaya ang pagtakas nila Hagorn, at ang kawalang alam nila sa brilyante ng tubig.

"Hindi maaari..." Bulong niya habang tumatayo na. "Kailangan kong bawiin ang brilyante ko!"

Walang sabi-sabi, tumakbo siya palabas ng kamara ng mga sandata — hindi na siya napigilan ng mga kapatid.

"Alena!" Tawag ni Ybrahim, agad na tunayo ngunit hindi kumilos.

Hindi ito ginawa ni Alexus pero siya ang nagkusang tumayo at hindi na nagdalawang-isip na habulin (sundin) si Alena.

"Alexus!" Ang tawag naman ni Amihan.

Pagkatapos ng ilang sandali ay huminga ng malalim si Ybrahim at sinundan na rin ang dalawa.

"Si Alena..." Bulong ni Amihan habang tumitingin sa sahig nang sila na lamang ni Danaya ang nasa silid.

"Alam ko, Amihan," ang sabi naman ng tagapangalaga ng brilyante ng lupa.

"Hindi— hindi 'yun, Danaya." Tumingin si Amihan sa mga mata ng kaniyang kapatid. "Kanina lamang ay may sugat siya sa kaniyang leeg. Dahilan kung bakit siya nakahandusay kanina."

Nagsalubong ang mga kilay ni Danaya. "Ngunit mukhang nawalan lamang siya ng malay."

Umiling si Amihan. "Alam ko ang nakita ko."

"Ni hindi ko pa siya nahahawakan upang gamutin," pag rason ni Danaya. "Tanging ang Adamyan na encantada lamang ang kanina pang nasa tabi niya."

Nagtinginan ang magkapatid. Wala nang sinabi pagkatapos. Ngunit iisa lamang ang kanilang iniisip.

Alexus.







Chapter 11: Kalyeserye

Chapter Text



     "Sang'gre Alena!"

Pagharap ng sang'gre, agad siyang napaatras sa gulat nang tumambad sa kaniya ang napakalapit na katawan ni Alexus.

"Ano ang iniisip mo? Masyadong mapanganib ngayon si Haring Hagorn ngayong ikaw na ang nagsabi na nasa kaniya ang iyong brilyante!" alalang wika niya.

Bumaba ang mga balikat ni Alena. "Rason kung bakit dapat ko talaga siyang habulin. Sapagka't importante sa akin ang aking brilyante." Dahil ito ang tanging alaala sa kaniya ng kaniyang namayapang ina, ang kapangyarihang protektahan ang kaniyang mga mahal — ang pagmamay-ari niya. "At isa pa — nariyan naman ang aking kapatid na si Danaya upang gamutin ang anumang matataman kong sakit kung saktan man ako ni Hagorn. Nakita mo naman siguro kung paano niya ginamot ang aking sugat gamit ng kaniyang brilyante, kaya huwag ka nang mag-alala pa sa akin."

Bumukas ang bibig ni Alexus upang sanang may itutol ngunit walang salita na lumabas — napatingin na lamang siya sa gilid sa pag-asang makapag-isip ng sasabihin.

Sa sandaliang mga segundo, binigyan niya ang sarili ng desisyon.

"Kung gayon ay hayaan mo akong sumama sa iyo."

Isang di-mapaliwanag na kinang ang dumaan sa mata ni Alexus nang makuha niya ang kay Alena ng may labis na kargang emosyon. Kaya't hindi na rin niya makuha ang sarili na bumaling sa mga ito.

Ni hindi niya naisip ang tunay na pakay niya sa Encantadia habang nakatingin sa mga ito. Ni hindi niya naisip si Lira.

Hindi tumagal nang nagsalita si Alena.

"Maaaring malagay ka sa panganib." Umiling siya. "Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung mangyayari man iyon."

"Magtiwala ka sa akin, mahal na sang'gre. Kailanman ay hindi malalagay sa panganib ang aking buhay," lakas loob niyang pags-siigurado.

Nagulumihanan si Alena. "Anong—"

"Alena!" humabol ang rehav ng Sapiro.

Kumunot noo kaagad ang sang'gre nang nakaraan si Ybrahim kay Alexus.

"Alena, pag-isipan mo muna ang iyong gagawin. Lubhang mapanganib si Hagorn lalo pa't mag-isa ka lamang!" Pagbabawal ni Ybrahim, na kung saan ay sumang-ayon ng tahimik si Alexus.

"Huwag kang pa-abala, Ybarro," malamig na banggit ng sang'gre. "Kaya kong pangalagaan ang aking sarili. At isa pa." Humawak siya sa tela sa braso ni Alexus. "Mayroong narito na handang samahan ako kahit saan."

Balisang kinaladkad ni Alexus ang kaniyang mga paa sa kaniyang puwesto. Ngayon ay hindi makatingin sa mga mata ng kahit sino.

"Hindi gaya ng iba riyan," dagdag pa ni Alena. "Hindi ba't gagawin mo munang okupado ang iyong sarili sa tabi ni Amihan?"

Napaubo nalang ang diwani sa kaniyang kamao.

"Alena, hindi naman sa ganon ang—" sinubukan ng rehav.

"Bahala ka kung sasama ka sa amin. Basta't aalamin ko ang pinaroroonan ng aking brilyante."

Tumalikod na ang sang'gre. Waring lalabas na ng Lireo sapagka't hinuli ni Ybrahim ang kaniyang pulso upang hilahin pabalik.

"Sasamahan kita," matigas niyang sinabi, at bahagyang tumingin kay Alexus. "Ngunit maiiwan ang encantadang ito rito."

Agad na tumauli ang diwani, mas lalo na si Alena.

"At anong dahilan kung bakit?" Mabilis na tanong ni Alena.

"Isa lamang siyang di hamak na encantada," sagot ni Ybrahim. "Hindi katulad natin na may sapat na proteksyon at kaalaman sa pakikipaglaban. Malalagay lamang ang kaniyang buhay sa panganib."

Mas naunang gumalaw ang mga mata ni Alexus kaysa sa kaniyang labi. Pababa, ang higpit ng hawak ng kamay ni Ybrahim sa pulso ni Alena. Tila handa niyang protektahan si Alena.

Nirerespeto naman ni Alexus ang kanilang relasyon. Mula sa kanilang anak, at pinakauna niyang kaibigan na si Kahlil. Kaya't marahan siyang lumayo at bumigay ng ngiti.

"Mas makabubuti nga kung dalawa nalang kayo sa paghahanap," sambit ng diwani.

"Ngunit Alexus—" sinubukan ni Alena.

"Halika na, Alena." Hila ni Ybrahim sa kaniya.

"Sheda, Ybarro." Bawal niya at tinignan ng masamang tingin.

"Sumunod ka nalang sa mahal na prinsipe, sang're," sabi ni Alexus. "At isa pa — mayroon pa akong kailangang asikasuhin."

"At ano naman iyon?"

———

"Nunong Imaw!" Tawag ni Alexus, pinapadpad ang ulo kahit saan. "Nasaan si Lira?"

Tumingala si Imaw upang matama ang mata ng diwani. "Poltre, encantada. Ngunit bigla na lamang siyang naglaho!"

"Ano!?" balisa na nanlaki ang mga mata ni Alexus. "Pasaway na diwani..." bulong niya. Kalaunan ay humarap siya sa punong Adamyan. "Maraming salamat sa madaliang oras niyo, Nuno."

Hindi na hinintay ni Alexus ang tugon ni Imaw at yumuko na siya ng paggalang at umalis ng nagmamadali.

Isa lang ang pupuntahin ni Lira kung bakit siya tumakas.

———

Lumipad mula sa palad ni Alexus si Avi nang mabalik muli ang kaniyang buhay.

Nasa gubat muli sila, malawak at puno ng mga matataas na punong nagsilbing kalituhan sa mga daraanan.

"Alam mo na ang gagawin mo, Avi," bulong ng diwani.

Nag paikot-ikot ang retre sa ulo ni Alexus bago nagtungo sa isang direksyon.

Maraming beses nang dumapo si Avi sa diwani ng Lireo, kaya't malalaman nito kung saan ang kaniyang pinaroroonan. At isa pa, si Lira naman ang dahilan kung bakit binigyan siya ng ganitong kapangyarihan.

Malamig ang gabi sa paglalakad ni Alexus. Nararamdaman niya ito sa kaniyang balat, pero dahil sa kaniyang historya sa pagiging banal — walang anuman ang lamig. Kaya't nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad.

Hanggang sa napahinto siya.

Sapagka't naramdaman niya ang kaniyang mga balahibo na nagsitayuan.

"Avi," mabilis na tawag niya sa kaniyang kaibigan. Huminto naman ang pashnea at lumipad ito pabalik kay Alexus, dapo sa kaniyang balikat.

Hindi ito lamig. At mas lalong hindi ito hangin.

Isang presensiya.

At tila sinasadya ng nagmamay-ari nito na maramdaman siya ni Alexus. Nag-aabang sa gilid, parang nakangangang pashnea na naghihintay lumusob sa kaniyang biktima.

Maraming dahon ang nagparamdam ng kumaliskis ang mga ito sa balat ng isang higanteng ahas.

Ito ang totoong Ether.

Bumungad sa harapan ni Alexus ang masamang bathaluman, sa kaniyang madilim na kaluwalhatian.

"Avisala, Alexus."

Hindi gaya nang dati, kasama sina Mira at Lira; walang nahuli si Alexus ni isang palatandaan ng kaniyang Ama.

Dali-daling kinuha ni Alexus ang Liyag sa kaniyang sisidlan, awtomatikong humaba, at hinarap ng matigas sa bathaluman.

"Huwag mong subukan, Bathaluman," banta ni Alexus.

"Maaari mo nang itabi ang iyong sandata, anak ng Liwanag. Sapagka't hindi ako narito upang saktan ka," sitsit ng ahas.

Bahagyang binaba ni Alexus ang Liyag. "Kung ganon ay anong nais mo mula sa akin?"

"Ang katotohanan," sabi ni Ether.

Kumurot ang noo ng diwani kaya't matapang ngunit nagaalangan na sinabi, "Hindi ko batid ang iyong winiwika."

"Huwag ka nang magsinungaling, diwani," naiiritang sabi ng Bathaluman. "Sapagkat alam kong hindi lamang si Lira ang pinakay mo rito sa Encantadia."

Bumaling ang tingin ni Alexus sa lupa.

Ang Encantadia... Ang gampanin niyang mahalin ito. Marahil ay ito ang hindi pa batid ni Ether.

Tumingin muli siya sa Ahas, mukha ay matigas.

"At bakit ko naman sasabihin sayo?" mabilis na tanong ni Alexus. "Wala akong sasambitin na kahit ano sa isang masamang Bathaluman na gaya mo!"

"Pashnea!" sigaw ni Ether at bumuga ng apoy mula sa kaniyang bibig.

Ngunit bago pa man ito matamaan si Alexus, siya ay mabilis na nakapag evictus, naglaho sa kinaroroonan.

"Hindi ka maaaring matapos sa iyong misyon, Alexus," banta ng Bathaluman sa wala. "Hahanap ako ng paraan upang ikaw ay mabigo."

---

"Nasaktan ka ba, Avi?" Tanong ni Alexus sa pashnea na nasa kaniyang palad ngayon pagkatapos nilang lumitaw sa isang nadaanan na parte ng gubat.

Sumagot ang retre sa pamamagitan ng paglipad nito at minsanang pagdapo sa ilong ng diwani.

Maliit na ngiti ang umakyat sa labi ni Alexus. "Mabuti naman kung ganon."

Di umano, biglang nataranta ang paglipad ni Avi. Mabilis naman na mag-alala ang ekspresyon ng diwani.

"Anong problema, kaibigan?"

Nag paikot-ikot ang retre sa kaniyang puwesto.

"Si Lira? Anong—"

"Alexus!" Ang kilalang-kilalang boses ang kaniyang narinig.

"Lira!"

Tumakbo sila sa isa't isa at nagyakapan. Ngunit hindi rin ito nagtagal dahil agad na kumalas si Alexus nang nakita niya ang tapat na dama ni Pirena.

"Bakit naririto siya?" Nag-aalangan na tanong ng diwani.

"Eh, yun na nga..." Simula ni Lira.

Pinaliwanag niya kung paano naisahan — sa gulat ni Alexus — ng kaniyang ashti na si Pirena ang Bathalumang Ether upang mabatid na siya ang tunay na Lira, at inutusan si Gurna upang ihatid na si Lira papunta ng Lireo ng walang sabi-sabi.

Pagkatapos tumugon sa mga paliwanag ni Lira, hinarapan ni Alexus si Gurna.

"Salamat sa iyong... 'gabay', dama. Ngunit kaya ko nang ihatid si Lira sa aming patutunguhan."

"Hindi maaari ang iyong ninanais," naka-aasar niyang sabi. "Ang utos sa akin ni sang'gre Pirena ay ako mismo ang maghahatid kay Lira."

Huminga ng malalim si Alexus at hinigpitan ang Liyag. Pinilit niyang tumango.

"Kung gayon... Husto na ang pag-uusap." Tumingin siya sa dalawa at sumenyas. "Tayo na."

---

Pagdaka'y kagulat-gulat na hindi gumawa ng kababalaghan ang damang Hathor. Ngunit si Lira — sa pagkadismaya ng kaniyang mga kasama — ay patuloy sa kaniyang palasalita. Sa bawat bagong pashnea na makita, hanggang sa pagkukumpara ng mga puno ng Encantadia at sa mundong kinagisnan niya.

At ngayon — isang kuwento ng... Alab? Daldab? Hindi na maalala ni Alexus.

"... tapos biglang hinulog yung plywood nu'ng pupunta na sana sila sa isa't isa! Oh, my God — kaloka talaga yung lola niya na 'yun."

"Bakit ayaw ni..." Inaalala ni Alexus ang ngalan. "Lidoro? Inidoro—?"

"Lola Nidora kase," pagtatama ni Lira.

Tumango si Alexus sa pagkaalam. "Bakit hindi nalang niya hayaan silang mabuhay bilang magkasintahan?"

"Eh, kasi nga, mabilis daw ma-in love — este — ma... mahulog! 'Yon, mahulog . Mabilis daw silang mahulog sa isa't isa," sagot ni Lira.

Makikita ang pag-irap ng mata ni Gurna sa pinag-uusapan ng dalawa.

"Ngunit..." simula ni Alexus. "Ang pag-ibig ay pag-ibig. Hindi ito nasusukat sa panahon."

"Oo nga — pero — hindi rin magtatagal ang pag-ibig kung hindi ito marunong maghintay," sabi ni Lira.

Hindi na tumugon si Alexus. Umikot sa isip niya ang kataga.

"Ang pag-ibig na hindi marunong maghintay ay hindi matututong tumagal..." ulit niya sa ilalim ng kaniyang hininga.

"Tumpak!" Sigaw ni Lira.

"Mas mapapadali ang ating paglalakbay kung isasara niyo ang inyong mga bibig," matapobreng sambit ni Gurna mula sa wala.

"Dedma sa bashers." Inilabas ni Lira ang kaniyang dila, pabiro sa dama, at nagpatuloy sa paglalakad. "So, 'yun na nga, gumawa pa si Lola Nidora ng speech tungkol sa paghihintay nga sa..."

———

"... and sa wakas, binigay na rin ni Lola Nidora 'yung basbas para sa loveteam nila — oh, diba — happily ever after!"

Sa wakas nga. Sa wakas ay natapos na ang diwani sa kaniyang mahabang daldal na ang kalahati ng kaniyang salita ay hindi maintindihan.

"Ay, nandito na pala tayo?"

Siyang tunay. Nakatayo na silang tatlo sa harap ng bibig ng Lireo. Dalawang kawal, nakatakip ang ilong at bibig ng bughaw na tela, ang lumapit sa kanila nang makita nila ang nga pigura nila.

"Hindi ba't kayo ang kasama ng reyna sa Sapiro?" tanong ng isang kawal.

"Bakit kasama niyo ang taksil na dama?" tanong naman ng isa pa.

"Huwag kayong mag-alala," mainam na pagtiyak ni Alexus sa kanila. "Narito lamang siya upang ihatid si Lira."

"Kung ganon. Sasamahan na namin kayo," sambit ng isa.

Hindi na sila puwedeng tumanggi sa kawal, pagkat hindi mapagkakatiwalaan ang kasama nila, kaya't sumunod na lamang sila papasok ng kaharian.

———

"Mahal na reyna!" sabik na tawag ni Lira sa kaniyang ina.

"Lira!" malaki ang ngiti ni Amihan nang makita niya ang hindi alam na anak.

Nasa punong bulwagan na sila, ang iilang mga kawal ay nakapalibot sa gilid, kasama si Aquil na sumabay sa kanila patungo rito. Narito rin ang sang'gre Danaya, bahagyang nakangiti sa presensiya ng dalawa.

Bumaba siya mula sa trono at niyakap ito. Nasilayan niya ang isa pang diwani sa likuran ni Lira kaya't kumalas na siya sa yakap at lumapit rito.

"Alexus," usal ng reyna at marahan na yinakap din ang isa pang diwani.

Nanigas ang buong katawan ni Alexus sa di-inaasahang akap ni Amihan. Pero kalaunan,  ibinalik niya rin ito. Sandalian lamang bago sila umalis sa yakap.

"Nagagalak ako at ligtas kayong dalawa." Tumingin siya kay Lira. "Lalo ka na Lira."

Ngumiti ng labis si Lira. "Nagpapasalamat po ako sa Emre at nakita ko na rin po kayo. Pati na rin si ashti sungit— ay — mahal na sang'gre Danaya," bungisngis niya.

"At Alexus," humarap naman si Amihan kay Alexus. "Aatasan kita na magmula sa Sapiro. Upang ipakita mo lamang ang iyong sarili."

Bumaba ang kilay ni Alexus. "Ano naman ang gagawin ko duon, mahal na reyna?"

Sumali si Danaya sa kanilang usapan at sumagot. "Sapagka't lubhang nag-aalala sa'yo ang aming kapatid na si Alena. Nais niyang malaman ang pagkakataon ng pagdating mo."

"At mas makabubuti kung ikaw mismo ang pumunta sa kaniya," dagdag ni Amihan. "Upang magpaalam ka na rin."

"Te— teka, huwag niyo naman pong palayasin si Alexus," pagsali ni Lira.

"Lira," pagtahan ni Amihan. "Taos-puso kong patitirahin si Alexus sa palasyong Lireo. Kailanman ay wala akong itatakwil sa kaharian na ito."

"Kung ganon ay — bakit kailangan kong magpaalam sa mahal na sang'gre?" tanong ni Alexus.

"'Yun ay dahil napag-disisyonan na niyang manirahan sa Sapiro," sagot ni Danaya. "Siya ang kusang lilisan sa Lireo."

Mas lalong nalito ang hitsura ni Alexus. "Ano? Bakit?"

Hinawakan ng reyna ang braso ni Alexus. "Siya na ang sasagot sa iyong mga katanungan. Batid kong madali mo siyang naging matalik na kaibigan."

"Sa ngayon..." Pagputol ni Danaya sa kanilang usapan. "Nais kong alamin kung bakit narito ang taksil na dama ng aming isa pang taksil na kapatid," sabi nv sang'gre habang nakatingin kay Gurna.

Winalang-bahala ni Alexus ang usapin nila at pumunta kay Lira.

Inilagay niya ang kamay sa balikat ng kapwa diwani.

"Babalik din ako, Lira," mahinang sabi ni Alexus sa kaniya.

Tumango si Lira.

Tumalikod na si Alexus, paalis na sana nang tawagin siyang muli ni Amihan.

"Alexus."

Bumalik ang tingin niya sa reyna.

"Hanapin mo ako pagkatapos mong bisitahin si Alena," utos niya.

Naruon nanaman ang tono na nakilala ni Alexus mula sa kaniyang silid sa Sapiro. Ang tono na ginamit ni Amihan nang mapaghinalaan siyang isang taksil.

"May mga nais lang akong tanungin sa iyo," huling sabi niya.

Ilang segundo lang at nag-aatubiling tumango si Alexus.

"Masusunod, mahal na reyna."

———

Nagpapasalamat si Alexus at madali lang siyang nakahanap ng lugar na mapagtataguan upang gamitin ang kaniyang evictus. Mas lalo na nang lumitaw siya sa bahagi ng Sapiro kung saang walang kawal ang nakabantay.

Natatandaan pa ng diwani ang mga pasilyo kung nasaan siya. Hindi niya lang matandaan kung bakit ang parte na ito ang mas tumatak sa kaniyang isip.

Nang hindi-namamalayan, ang alaala na ng kaniyang kalamnan ang pumasok sa ilang kamara.

Ang silangan ng 'punong bulwagan.

At duon, sa kaniyang pagkabigla, ay naupo ang sang'gre. Sa kaniyang berdeng kasuotan. Sa dati niyang inupuan. Likod ay nasa harap ni Alexus.

"Bakit parang batid ko na dito kita matatagpuan?"

Mabilis na tumingin si Alena nang marinig niya ang boses.

"Alexus," paghinga niya ng maluwag.

Isang totoong ngiti ang lumitaw sa kaniyang labi at kaagad na tumayo sa kinauupuan at dagliang naglakad papunta kay Alexus.

Bago pa man makapagsalita ang diwani, yumakap na si Alena sa kaniyang pigura. Hindi gaya ng kay Amihan, mabilis ang mga kamay ni Alexus sa pagbalik ng akap kay Alena.

Umalis ang sang'gre sa bisig ng diwani, ngunit nanatili parin ang nga kamay nila sa isa't-isa. Bagay na hindi nila o walang pake nilang pinansin.

"Salamat sa Emre at ligtas ka," sabi ni Alena.

"Nagpapasalamat din ako Sa Kaniya at mukhang hindi naman kayo nasaktan sa pagsunod ninyo kay Hagorn." Nabawasan ang ngiti ni Alexus. "Ngunit..."

Sumalamin ang ekspresyon ni Alena kay Alexus nang inalis ng diwani ang kaniyang pagkakahawak sa kaniya. "Ngunit ano?"

"Nais kong malaman kung bakit nais mong lumisan sa Lireo."

Tumahimik si Alena.

"Dahil ba sa away ninyong magkakapatid?"

Umiwas naman siya nang tingin ngunit itinaas ni Alexus ang kaniyang mga mata sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang baba gamit ng daliri.

"Hindi puwedeng panghabang-buhay mo nalang silang hindi papansinin, Alena."

Manghang nakulong si Alena sa mga mata ni Alexus, ngunit pinilit niyang tumingin sa ibang bahagi ng silid. "'Yan ang unang beses na tinawag mo ako sa aking pangalan lamang."

Napahinto si Alexus at mabilis na kumurap pagkatapos. "Iniiba mo ba ang usapan, mahal na sang'gre," purong tanong niya.

"At bumalik ka ulit sa iyong pagiging pormal," sinubukan ulit niyang ibahin.

"Alena." Lumalim ang boses ni Alexus. Uri na pati sa kaniyang sarili ay hindi batid na kaya niyang gawin.

Isang lundag ng tibok ang naramdaman ni Alena sa kaniyang dibdib sa kung paano lumabas ang kaniyang ngalan sa bibig ng diwani. At lagi, hindi niya ito napansin— hindi ito pinansin.

Huminga siya ng malalim at pinilit sumagot.

"Hindi lamang 'yon ang dahilan," pag-amin ni Alena.

Binaba ni Alexus ang kaniyang kamay. "At ano naman ang iba pang dahilan ng pagtira mo rito sa Sapiro?"

"Mas kailangan ako rito. At..." Nagdalawang-isip ang sang'gre. "Nag-usap na kami ni Ybarro."

Hindi mabasa ang itsura ni Alexus. "Tungkol saan?"

"Sa aming relasyon. Nais kong—" huminga siya ng malalim. "Nais niyang matutunan na ako'y mahalin muli." Isang maliit na ngiti ang umakyat sa labi ng sang'gre.

Si Alexus naman...

Hindi alam ni Alexus ang kaniyang nararamdaman. Napaniwala ng kaniyang isip na masaya siya para kay Alena. Ngunit mayroong kawalanan sa kaniyang loob ang hindi niya mapangalanan.

Muling nagsalita si Alena.

"Nais ko ring ibalik ang dating tamis ng aming pag-iibigan."




Chapter 12: Pagmamatiyag

Chapter Text



     Si Alexus ay may pinagmulan, pero walang nakaraan.

Walang karanasan gaya ng mga encantado at encantada upang maintindihan ang mga nadarama ng mga ito maliban sa saya ng laro at lungkot pag bawal.

Ngunit hindi niya batid na kaya niya palang maramdaman ito ng sabayan. At mas lalong hindi niya batid kung bakit.

Ang alam niya lang; masaya siya para kay Alena. Masaya siya para sa kaniyang kaibigan.

"... Pinagmasdan namin ang mga kaakit-akit na pashneang mula sa tubig gamit ng aking brilyante habang nakatapis ang kaniyang braso sa akin..."

Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang isa pang emosyon na hindi niya mapangalanan. Ngunit hindi niya nagugustuhan kung paano ito bumubulabog sa kaniyang isipan.

Sapagka't hindi ito angkop.

"Sa mga kuwento palang... parang minahal niyo ng lubusan ang isa't-isa," mahinang sabi ni Alexus. Ang kaniyang saya para kay Alena ay lantad sa kaniyang mga labi.

"Siyang tunay," bulong ni Alena habang mainam na nakangiti.

Bahagya'y napasilip siya sa kaniyang gilid — kay Alexus.

"Tanggap mo ba kung... magbabalikan kami?" mula sa kung saan niyang tanong sa diwani.

Napatda si Alexus. Pulso ay biglang nadagitab at bumalik ng nawawasak na tanong. "Bakit mo naman natanong sa akin 'yan, mahal na sang'gre?"

Tahimik ang mga ilang sandali. Nilasap ito ni Alena sa pag-iisip dahil... Bakit nga ba niya ito natanong kay Alexus? Kumurap siya ng isa, dalawa — tatlong beses bago nagsalitang muli.

"Nais ko lang... hingin ang iyong pananaw sa aking desisyon," hindi niya siguradong sabi. Pagkatapos ay hinarapan ang diwani, mata sa mata. "Tama ba ang aking pasya na ipagpatuloy ang paghabol sa puso ni Ybarro?"

Hindi dapat mahirap para sa isang nilalang na katulad ni Alexus ang magbigay ng payo. Pero bakit parang kabilaan siyang hinihila ng lubid sa pagsagot? At mas lalo na, hindi ba't ang tanging tamang sagot lamang ay sumang-ayon? Bakit nahihirapan pa siyang gawin ito?

"Kung nais mo talagang maibalik ang dati... Sa tingin ko ay tama lang na pinag-usapan ninyo ng rehav Ybrahim ang inyong pagsasama," sabi ni Alexus.

Tumango si Alena ng mabagal sa sagot at napatingin nalang sa sahig. Bigong mapansin ni Alexus ang panghihinayang sa kaniyang mukha.

"Bakit mo natanong, mahal na sang'gre? Hindi ba buo ang iyong loob sa ginawa mong pag-pasiya?"

Halos mapahinto ang pag-hinga ni Alena. Bumaling siya mula sa baba patungo kay Alexus. Kitang-kita ang purong nadarama ng diwani sa kaniyang mga mata.

Isa ito sa mga hinahangaang katangian ni Alena kay Alexus.

Sa una — sa tunay — nilang pagkikita, ang mga mata ng diwani ang unang umakit sa pansin ng sang'gre. Dahil walang bahid ng balatkayo ang mga ito. Pinapakita ng mga ito ang tunay na narardaman ni Alexus. Walang halong pagpapanggap na para bang wala siyang pasan na problema. Payak at masaya.

Kabaligtaran ng Alexus na nakita niya sa kaniyang panaginip.

Naaalala niya parin hanggang ngayon — klaro at malinaw. Wari'y tunay na nangyari. Malalim ang walang laman na damdamin ang mga matang tinitigan niya. Malayong malayo sa tinititigan niya ngayon.

Mga matang hindi niya maipaliwanag na dahilan kung bakit hindi niya masabi kay Alexus na nagkita na sila — ngunit hindi nga lang sa realidad.

"Mahal na sang'gre?" pagsira ng boses ni Alexus sa kaniyang iniisip.

Naalala ni Alena ang tinanong, kaya't agad siyang nag-isip nang pang-iwas dito at sinabi ang unang naisip. "Mas gusto kong naririnig ang aking ngalan mula sa iyong mga labi."

Uminit ang pakiramdam ni Alexus. Hindi — hindi katulad ng init na nararamdaman niya sa tuwing babalutan siya ng kaniyang ama ng basbas, hindi ang init na naramdaman niya kapag labis ang kaniyang halakhak sa kakulitan nila ni Kahlil, at hindi rin init na katulad ng mga yakap ni Lira at Mira.

Mas matindi ang apekto ng init na nadarama niya ngayon. Sa tingin niya siya ay matutunaw. Hindi niya naisip na mas malala, at umakyat pa ito sa kaniyang mukha — partikular sa kaniyang mga pisngi.

Paano ba namang hindi kung seryoso nalang makatingin si Alena pababa sa kaniya — tila halos magsara?

At biglang nanlaki ang mga ito. "S— sapagka't." Umiwas siya ng tingin. "Kaibigan na ang turin ko sa'yo," hirap niyang pigkas. "Hindi ba't tama lamang na hindi ko naisin ang pagtawag mo saakin ng 'mahal na sang'gre'?"

Kaibigan. Kung dating mainit, ngayon ay bumukal ang damdamin ni Alexus. Natutuwa na itinurin siyang kaibigan.

Ngumiti si Alexus. "Kung iyon ang iyong gugustuhin... Alena."

Hindi na rin mapigilan ng sang'gre ang ngiti na kusang umakyat sa kaniya mga labi. May pagkakaiba ang pagbigkas ni Alexus sa pangalan niya. Sa kung paano ito gumulong sa dila ng diwani. Parang hindi niya siya tinatawag bilang sang'gre, bilang anak ni Mine-a, o kahit bilang isang makapangyarihang diwata.

Kundi Alena lang. Payak na Alena.

"Mas mainam," malalim — mahinang sabi ng sang'gre. Sobrang hina na muntikan nang hindi marinig ng diwani.

Pagilid gilid na tumingin si Alexus at lumapit sa mukha ni Alena — agad naman tumaas ang bilis ng tibok ng buong tensyon ng katawan ng sang'gre at nanlaki ang kaniyang mga mata, hindi aasahan ang mangyayari.

Bagkus — umihip lamang ng salita si Alexus. "Bakit ka bumubulong?"

Napakurap si Alena habang nakatutok ang kaniyang mga mata kay Alexus. Tila pinipigilan niyang huminga. Tila natatakot siya na bumuga ng hangin sa napakalapit sa mukha ng diwani.

Ngunit seryoso ang mukha ni Alexus.

Naglabas ng paos na tawa si Alena. At isa pa. Hanggang sa sumunodsunod na.

Kumurot ang mga kilay ni Alexus sa pagkalito, ekspresyon na mas lalong hinalakhakan lamang ng sang'gre.

Marahan na tinulak ni Alena ang diwani palayo sa kaniya — ngunit nanatili ang kapit niya sa puting tela ng dibdib niya.

Hindi alam ng diwani ang gagawin niya. May biro ba siyang sinabi? O sinabi ng sang'gre?

Pinagmasdan ni Alexus ang wangis ni Alena habang patuloy parin siya sa pagtawa. Sandalian, pakiramdam niya na para bang bumagal ang pagtakbo ng panahon.

Mas lalo niyang nakita ang kaanyuan ng sang'gre.

Mas lalo niyang napagtanto ang mutya ng kaniyang wangis.

Ang titig ni Alena, parang buwang bagong silay — gasuklay habang pilit na umiilag sa direksyon ng diwani. Gumuguhit din ng linya ang ilalim ng kaniyang bibig, nganga ng pantay na mga puti. At mas ikinaganda pa ng balangkas, animo'y malapit sa kaniyang bibig, ngunit hindi kumpletong natatakpan, ang kaniyang kamay.

Tunay nga na hindi maiiwasan ang ganda ng isang sang'gre.

At hindi pa makapagsimula si Alexus sa tunog ng halkhak ni Alena.

Sa Devas, maraming tagatugtog ng alpa, kudyapi, at saliwan. Gumagamit sila ng presisyon, sapat na upang mapatahan ang isang halimaw. Sapat na upang mapatulog ang mga bathaluman at banal. Ito ang hindi mahihigitang musika.

Ngunit parang unti-unti ay tumututol si Alexus sa sabing iyon.

Kalaunan — at sa hindi niya inaasahan — naglabas din siya ng tawa.

Mahina sa una.

Pagkatapos ay lumakas ito.

Pati ito — hindi niya rin alam kung bakit. Tila nakahahawa ang galak ni Alena. Ito ang naisip ni Alexus. Ngunit sa totoo lang; nagagalak lamang siya dahil nakikita niya ito sa mahal na sang'gre.

Ilang sandali pa ay tumahan na sila. Mas matagal ang inabot ni Alena dahil sa dalawang biloy ng mga kaibig-ibig na pisngi ni Alexus.

"Ngayon lamang ulit ako nakaramdam ng labis na tuwa sa mahabang panahon," pag-amin ni Alena nang makahinga na siya ng maluwag.

"Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong tuwa," hindi napigilan ni Alexus na ipagtapat.

Nabawasan ang ngiti ni Alena at bumaba ang kaniyang mga kilay. "Ano ang rason?" balisang tanong ng sang'gre. "Hindi ka ba kontento sa iyong pinagmulan? Sa Adamya?"

"Hindi!" mabilis na tumugon si Alexus. "Payapa ang aking pinagmulan! Hindi lang ako..." Lantad na nagsalubong ang mga kilay niya upang mag-isip ng sasabihin. "Hindi ko lang alam na maaari palang humigit ang aking saya. 'Yun ay nang makilala kita."

Lumambot ay titig ni Alena. "Gayundin ako."

Aksidenteng nakulong nanaman ang kanilang tingin sa mga mata ng isa't isa.

Napapadalas na ang ganitong ritwal nila. Walang salita. Sapagka't damdamin na hindi natutunghayan na ang nag-uunawaan. Linggwaheng hindi nila namamalayan na bihasa sila sa isa't isa.

Naputol ang kanilang titigan nang dumalo ang isang hindi imbitadong boses.

"Alena?" tila naghahanap ang boses ni Ybrahim.

Tumayo kaagad ang sang'gre. Sumabay si Alexus sa kilos.

Sa harapan nila, pumasok ang rehav sa kaniyang kaluwalhatian, may kasamang isang kawal na Sapiryan. Huminto ang kawal sa likuran ng kaniyang prinsipe.

"Ybarro," ngumiti si Alena nang makita ang kaniyang mahal.

Kakatuwa. Kung hindi lang nakatalikod si Alena kay Alexus, mapapansin ng diwani na mas malaki ang na iyon kanikaninang sila lamang ang magksama.

Kinuha't itinaas ni Ybrahim ang palad ni Alena at hinalikan ang likuran nito.

"Mahal na prinsipe." Yumuko ang ulo ni Alexus, kamay ay nasa dibdib upang magpakita ng respeto.

"Encantada," banggit ni Ybrahim. "Sa pagkakaalam ko ay hindi pa tayo nagkakaroon ng maayos na pagpapakilala sa isa't isa," sabi niya at biinitawan ang kamay ni Alena.

"Alexus," pagpapakilala niya. "Alexus ang aking ngalan."

"Encantadang nagmamahal ng isa," pagsaad ng prinsipe sa kaalaman ng pinagmulan ng ngalan.

Tumango lamang si Alexus.

"Maaari ko rin bang malaman ang iyong pinagmulan. Alexus?" hingi ng rehav.

Bahagyang napalunok si Alexus. Sa tingin niya ay napapaso na ang kaniyang dila sa sususnod na magsinungaling siya. "Alexus... mula sa Adamya."

Tumaas ang mga kilay ni Ybrahim at bahagyang tumango. "Marahil ito ang dahilan kung bakit tila mabilis kayong naging matalik na kaibigan ni Alena."

"Mas gusto kong isipin na dahil madaling pakitunguhan ang mahal na sang'gre," saad ni Alexus.

Wari'y ngumiti ang prinsipe. "Siyang tunay."

Hindi na naghintay pa ng anong salita si Ybrahim at humarap muli kay Alena.

"Halika na, Alena. Itatanghal na ng Sapiro ang aking pamumuno," sabi niya. "At ikaw sa tabi ko." Inilantad niya ang palad sa sang'gre.

Hindi napansin ni Alexus ang pagsilip ni Alena sa kaniyang direksyon bago tanggapin ang kamay ni Ybrahim.

"Alexus," pagtawag ng rehav.

Agad na sumagot si Alexus.

"Sasamahan mo ba kami?"

Bumukas ang bibig ng diwani. Ngunit walang lumabas na salita. Kaya inasahan na lamang niya ang kaniyang galaw — umiling sa dalawa at ngumiti.

"Mayroon pa akong aasikasuhin sa Lireo. At isa pa — nais akong kausapin ng reyna Amihan."

Nag-iba ang ekspresyon ng magkasintahan sa harap niya. Hindi ito halata — hindi rin kapansin-pansin. Pero nahagip ni Alexus. Isang sandali, sabay na bumaba ang kanilang tingin.

"Kung gayon," paghinga ni Ybrahim. "Paalam, at — avisala eshma sa iyong pagdalo."

"Paalam, Alexus," halos bulong ni Alena.

Ngiti ang ibinayad ni Alexus sa kanilang dalawa.

"Kawal. Samahan niyo ang encantadang ito tungo sa kaharian ng Lireo," utos niya sa tanging Sapiryan. "Siguraduhan na ligtas ang kaniyang kalagayan pagdating duon."

Yumuko ang kawal. "Masusunod, rehav."

Tumalikod ang sang'gre at prinsipe, ganon din si Alexus sa kabaliang direksyon — at nagsimulang lumisan, sa tabi niya; sumunod ang kawal.

Wala sa kanilang palagay, lumiko pa ang tingin ni Alena mula sa kaniyang balikat. Upang sandaliang mahagip pa ang likuran ng diwani, bago ito lumubog sa labasang pasilyo.

"Tayo na, Alena." Marahan na hinila ni Ybrahim ang sang'gre.

 

 

———

 

 

Kusang nagbukas ang mga tarangkahan. Malawakan ang silid ng mga maharlika — mapa Devas man o Encantadia.

Nakatayo ang may-ari, talikod sa diwani na para bang hindi alalahanin ang tunog ng pagbukas ng mga pinto.

Nakasuot ang reyna ng bughaw na bestida, bagay pantulog habang naka-upo ang kaniyang korona sa pang-aklatang lamesa. Naka-hinabi ang kaniyang buhok, maaliwalas sa sariwang hangin ng gabi galing sa arko ng dungawan.

Mukhang may inaayos ang reyna. Payapa at walang balisa.

Ang tiyak nga naman mula sa kapahamakan. Lalo na't nabawi na nila ang kaharian na nararapat sa kanila — na sa kanila mula sa mga Hathor.

"Mahal na reyna?" tawag ni Alexus nang humakbang siya sa kamara ng hara.

Ang nakatalakod na pigura ay humarap mula sa higaan, malugod na ngiti ang naglalaro sa kaniyang mga labi. "Alexus."

Humarap lamang ng buo si Amihan, hindi na gumalaw.

"Lumapit ka," malambot niyang utos.

Ginawa ng diwani ang inuutos, hanggang sa nasa harapan na siya ni Amihan. "Ano ang nais mong itanong sa akin, mahal na hara?"

Bahagyang nabawasan ang ngiti ng reyna at wari'y abala ang mga mata. "Alexus, bago ko naising kunin ang mga kasagutang aking itatanong — nais kong malaman mo na wala akong hangad na paghinalaan kang muli."

Bumaba ang mga kilay ni Alexus. "Ano ang iyong ipinapahiwatig, mahal na reyna?"

Bumakas sa sahig ang tingin ni Amihan, sandali ay tumahimik, kalaunana ay bumalik sa pinanggalingan upang umupo sa gilid ng kaniyang malambot na papag. Tuminging siya sa diwani at sinenyasan na tumabi sa pag-upo sa kama.

Parang nakasanayan, tumupad siya sa hiling ng hara.

"Batid ko," simula ni Amihan. "Na isa kang mabuting nilalang. Naramdaman ko — ng hangin — ang iyong tunay na pakay sa buhay ng mga naninirahan dito... Ngunit hindi ko batid kung ano ito."

Mabagal na nag-urong-sulong si Alexus sa inuupuan. Hindi masyado — hindi. Ang huling nais niyang magawa ay lukutin ang perpektong tulugan ng reyna ng Lireo.

"Ngayon nais kong malaman... kung ano ang tunay na sadya mo rito."

Kagat-labing nakatingin si Alexus sa kaniyang mga kamay. Hindi masama ang kaniyang ginagawa, ngunit hindi niya hilig ang magsinungaling. Paulit-ulit niya na itong inisip.

"At sa iyong kapangyarihan na magpagaling," nagsalita pa si Amihan nang walang kibo si Alexus. "Natitiyak ako na ikaw ang rason sa pagkawala ng sugat ni Alena."

Nanlamig ang dibdib ng diwani. Hindi dahil sa kaalaman ng reyna, kundi dahil sa alala ng kaniyang ginawa. Sa alala ng kaniyang Ama, kung sino ay kaniyang binigo sa pagwasak niya ng pangakong hindi na siya makkikialam sa tadhana ng ibang encantada at encantado.

"Sino ka nga ba talaga, Alexus?" tanong ni Amihan, desidido ang boses. "Ano ang iyong tunay na pinanggalingan? Ang iyong tunay na pagkatao?"

Sa wakas, tinignan na ni Alexus ang reyna at wasak na nagsalita. "Hindi ko maaaring sabihin."

Bumaba ang mga balikat ni Amihan. "At ano ang mairarason mo?"

"Kailangan mo lang ako pagkatiwalaan, mahal na hara" pagmamakaawa ng diwani. "Tunay na may pakay ako rito sa Encantadia. Ngunit sa ngayon, wala sino man ang handang paniwalaan ang mga salitang aking bibitawan kung sasagutin ko ang iyong katanungan."

"Ngunit kailangan mo akong tulungan, Alexus. Kailangan kong malaman."

Bahagyang bukas ang mga labi ni Alexus. Tuluyan itong nagsara nang nalaman na wala na siyang ibang magagawa pa. Umihip siya ng isang matalim na hangin at kinuha ang ang kamay ng reyna. Hinayaan lang ito ng sumunod.

Mainit ang mga palad ni Alexus — lagi naman. Pero naramdaman na ni Amihan na hindi ito karaniwan.

"Hindi ako ang dapat na tumulong sa iyo kundi ikaw," sabi ng diwani. "Ang sarili mo. Hindi mo na kailangan intindihin. Kailangan mo lang maniwala."

Napalibutan ng hindi nanggaling kung saan na pagkaginhawa ang buong katawan ng reyna. Isang awra na hindi niya maitaboy.

Ginhawa na tiyak siya na nanggaling sa palad ni Alexus.

"At isa pa," dagdag pa ni Alexus. "Para sa iyo rin ang aking ginagawa."

Pagkalito ang nakita sa mukha ni Amihan. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Hinigpitan ng diwani ang hawak niya sa reyna. "Malalaman mo rin."

May kung anong pananampalataya ang paraan ng pagbigkas ni Alexus sa kaniyang salita. Wari'y naninindigan at tiyak sa mga mangyayari.

"Malalaman mo sa pagkakataong matapos na ang aking gampanin."

 

 

———

 

 

Mula sa kataas-taasang kaharian, nakapatong ang mga palad ng Kataas-taasang Nilalang sa barandilya ng terasa. Nakamasid sa ilalim — sa mundong isa siya sa mga lumikha, tila malalim sa kaniyang isipan.

Malaki ang mga desisyon na pinipili ng mga bathaluman. Dahil sa mga desisyong iyon, isinukat na ang mga kalalabasan. Pero hindi rin imposibleng hindi malaman ang mga kahihitnatnan ng iilan, kahit na wala pang nangyayaring ganito.

Nangangati ang Kaniyang mga daliri na para bang may gustong gawin ang mga ito.

"Nararamdaman ko ang kaba," mahinang bigkas ni Emre.

Tunay nga. Gumagapang ito sa kaniyang batok na bahagi. Pero hindi ito takot — kailanman ay hindi ito magiging takot sapagka't wala dapat kinakatakutan ang isang banal.

Isa itong hudyat.

Hudyat na hindi mawari kung masama o mabuti ang ipinapahiwatig.

Sa litrato, perpektong ginawa si Alexus.

Planado ang kapalaran ni Alexus.

Binigyan siya ng buhay, ngunit lingid sa kaalaman ang tungkol sa kaniyang kalayaan. At ang kalayaan, isa sa mga kritikal na kahinaan nito ay ang emosyon.

Ang damdamin.

Nawa'y lumakas ang Kaniyang paninindigan na tungo sa mabuti ang hudyat na nagparamdam sa Kaniya.

"Anak," bulong ni Emre sa hangin. At alam Niya na malalanghap ito ng Kaniyang anak. "Huwag mo akong bibiguin."

Balintuna. Isang Bathaluman na nananampalataya. Isang Banal na humahangad ng pag-asa na dapat siya ang nakakaalam.

Pero alam ng gaya Niya, na may hahantungan din ang sakripisyong ito.

Ang mga sakripisyong ginagawa, at gagawin ni Alexus.


Chapter 13: Nais niyang...

Chapter Text

 

Isa lamang ang pakay ni Alexus sa Encantadia. At iyon ay si Lira.

Ang tagapagligtas ng Encantadia. Ang Luntaei na siyang magbubukid ng mga nasirang pagsasama na ngayon ay hindi karapat-dapat na pinarusahan ng masamang Bathaluman.

Kaya't naguguluhan ang diwani.

Paano siya makatutulong kung ito ay gawa ng isang Bathaluman? At isa lamang siyang di hamak na anak ng isa?

Paano niya maililigtas si Lira?

At... Ito lamang ba ang pakay niya sa nasabing mundong kaniyang dapat mahalin?

"Payb pesos para sa iniisip mo."

Napakurap si Alexus sa boses ni Lira.

Nakatayo sila sa terasa ng Lireo. Ang nabawi na kaharian. Tunay na mas nakakaakit pagmasdan ang tirahan ng mga diwata kapag ito'y nasa tamang pamumuno. Sariwa ang hangin. Masayang sumasagitsit sa alapaap ang mga lumilipad na pashnea. At natatanaw ang mga masisiglang nayon ng mga encantado at encantada.

"Payb... Huh?" Nagtatakang tanong ng diwani.

"Ay, wala palang ganon dito, no." Napakamot ng ulo si Lira. "Ano ba kasing iniisip mo jaan. Kanina ka pa, eh. Magsisimula na 'yung speech ni inay tapos wala ka pa duon," daing ni Lira.

"Poltre, Lira." Hinarapan ni Alexus ang kapwa-diwani. "Nag-iisip lamang ako ng paraan kung paano natin malulutasan ang iyong problema. Ang aking gampanin dito sa Encantadia."

"Ahhh," tumango tango si Lira at bumulong. "Kala ko iniisip mo si Ashti Alena, eh."

"Ano iyon, Lira?"

"Walaaa, sabi ko tara na." Kinuha ni Lira ang kamay ni Alexus at sapilitang hinila. "Pumunta na tayo kay Inay, halika na."

"Teka lang-"

Nahila na si Alexus. Muli.

---

"Ay, poltri, poltri, hehe."

"Paumanhin, binibini- Lira!- poltre, poltre-"

Bumangga sila sa maraming nilalang na nagkukumpulan ngayon sa punong bulwagan. Kung saan gaganapin ang talumpati ng mahal ng reyna sa harap ng kaniyang trono.

Nanindig si Alexus sa bawat pigura na kaniyang matamaan, karamihan ay dahil sa pagmamadali ni Lira. Dagdag pa ang paghila ni Lira sa kaniya.

"Uy, manok pala 'yun." Narinig pa ni Alexus.

"Magsasalita na ang mahal na reyna," sabi ng isang dama sa kanilang likuran nang makarating na sila sa pinaka harapan ng himpilan ng tao.

Hindi na ito pinansin ni Alexus. Bagkus ay tinuon niya ito sa reyna na nakatayo sa harapan ng kaniyang mamamayan.

Lantad ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Ang kasiyahan na nagmula sa tagumpay na maibalik muli ang kaniyang kaharian at kanlungan ng kaniyang mga pinamumunuan.

"Aking mga kapanalig..." Nagsimula na ang reyna.

Hindi sa kawalang-galangan, ngunit walang saysay kung pakikinggan ni Alexus ang nakapatataas ng loob na talumpati ng reyna. Narito lamang siya para tulungan si Lira. Bagay na agad na pumasok sa isipan niya, at nagsilbing alingawngaw ang boses ng reyna.

Maaari siyang magpunta sa batis ng katotohanan, kung saan naroon lahat ng sagot sa lahat ng katanungan.

"Mashne ivo live, Hara Amihan!" sigaw ng paligid.

Sumabay nalang sa palakpakan si Alexus at pagkaraan ay bumaba ang reyna sa kaniyang trono upang samahan ang mga kaniyang sinasakupan at kamayin ang mga Konseho ng palasyo.

Sa munting nilang pagpupugay, sandali lamang itong tumagal nang nagkaroon ng malakas at biglaang pagsabog sa sulok ng bulwagan. Napakapit ang lahat sa kanilang minamahal, umatras ang iba sa narinig, at naghanda ang lahat ng kawal.

Agad na kinuha ni Alexus ang braso ni Lira at ginawang pananggalang ang sarili para sa Sang'gre.

Nasa gitna parin ang reyna, pag-aalala ang nakaukit sa kaniyang wangis.

Sa gilid ng mga mata ni Alexus, isang itim na pigura ang mabilis na dumaan.

Sa sobrang bilis ay nakuha ng nakaitim na balabal na kumaripas papunta sa reyna. At sa susunod nilang namalayan, sinasaksak ang reyna sa kaniyang tagiliran.

Agad na binuhusan ng kaba si Alexus para sa reyna nang makita niya ang sakit ng ekspresyon nito.

Mabilis na tumakbo upang tumakas ang salarin. Sa sobrang bilis ang liksi ay walang nakapagtanto na naroon ang nilalang.

Ngunit mas mabilis si Alexus.

May kung anong makapangyarihang damdamin ang nagpatakbo sa kilos ni Alexus. Mas matulin pa sa kaniyang pag-iisip.

Kinalas niya ang sarili kay Lira at hinarangan ang nakaitim na nilalang, sabay hawak sa mga balikat nito. Dito na rin napansin ng mga kawal ang mga pangyayari.

Bago pa man makagawa ng susunod na hakbang si Alexus, agad na itinulak ng nilalang ang kaniyang mga braso habang hawak ang isang patalim - na siyang ginamit sa reyna - upang maiwasan ang mga paparating na kawal sa kanila.

Napadaing ang diwani ng Devas at napaatras. May kung sinong humawak ng kaniyang mga braso upang alalayan siya. Si Lira.

Tumingin si Alexus sa kaniyang kamay - kung saan dumaan ang patalim - at nakita ang sariling balat na sumisiritsit ng ginintuang likido.

Narinig niyang humingal si Lira. Marahil ay nakita niya rin ang sugat.

Agad na tinakpan ni Alexus ang pruweba ng kaniyang dugong pinagmulan.

"Protektahan ang reyna!" sigaw ng isang kawal.

"Inay!"

Kaagad na nawala ang mga kamay ni Lira kay Alexus upang takbuhan ang mahal na reyna. Ibang direksyon naman ang pinuntahan ng mga iilang kawal- sa tinakbuhan ng nakaitim na salarin.

Pinalasap lamang ng mga sakim sa kasiyahan ng iilang sandali ito.

---

Kanina pa humabol sila Lira at Alexus sa kamara ng reyna. Kanina pa rin nagmamakaawa si Lira na pumasok sa loob, ngunit apat na kawal ang nagbabawal sa kanila na pumasok.

"Kahit kapkapin niyo pa ako," iyak ni Lira. "Wala talaga akong kasamang gagawin kay Inay- sa mahal na reyna."

"Bumalik ka na lamang sa paminggalan, utusan," matigas na pagtaboy ng isang kawal. "Huwag ka nang magtangkang pumasok kung ayaw mong kaladkarin ka namin palabas ng palasyo."

Tinapil ni Alexus ang balikat ni Lira. "Halika na, Lira. Sigurado akong maayos na ang lagay ng reyna gayung naroon si sang'gre Danaya."

"Yung nanay ko, Alexus," hagulgol ng diwani.

Kinagat ni Alexus ang kaniyang labi at pinag-isipan ang sitwasyon. Maaari niyang pagbalingin ang isip nang mga kawal. Tutal ay gagawin niya naman ito para kay Lira.

Nang nakapagpasiya na siya, kumapit siya sa mga kawal. Ngunit bago pa man niya sila makausap, biglang lumitaw ang boses ng prinsipe Ybrahim.

"Mga kawal, papasukin niyo kami," nagmamadali niyang inutos. Sa likod niya ay nakatayo sina Wantuk at sang'gre Alena.

Inaasahan, agad na nagkulong ang mga mata ng sang'gre at diwani. Binigyan siya ni Alena ng marahang ngiti, ngunit napansin ni Alexus ang pagod nito.

"Ita'y- prinsipe Ybrahim..." wika ni Lira.

Nagsumamo ang diwani sa kaniyang ama upang sumama sa pagpunta sa silid ng reyna. Kalaunan ay pumayag din ang prinsipe.

"Papasukin niyo siya kahit sandali lamang," utos ni Ybrahim sa mga kawal.

Sumunod ang mga kawal at humawi upang magbigay-daan sa kanila.

Hindi na nag paligoy-ligoy si Ybrahim at kaagad, ang una, na naglakad papasok para kay Amihan. Kaagad ding sumunod si Wantuk at Lira sa mahal na prinsipe. At kung sumunod din si Lira, siyang ding susundin ni Alexus.

Nang paparuon na ang diwani sa loob-

"Alexus," tawag ni Alena.

Napahinto siya at humarap sa sang'gre.

"Mahal na sang'gre?"

Bumukas ang bibig ni Alena. Naghintay si Alexus sa sasabihin niya. Ngunit walang salita ang lumabas. Bagkus, pilit na ngumiti ang sang'gre ang umiling.

"Wala ito," hinga niya.

Nakatuon ang isip ni Alexus kay Lira. Kaya't nakaligtaan niyang pansinin ang tono ng boses ni Alena.

"Encantada," rinig ang isang boses. "Mahal na sang'gre," pagbati niya rin kay Alena.

Gumaling si Alexus at nakita ang isa ring kawal. Subalit binigyang-diin ang bughaw niyang baluti.

Lumingon siya sa diwani. "Maaari ba kitang makausap?"

Nagpalitan ng tingin si Alena at Alexus. Tumingin naman si Alena sa kawal ng may kung ano sa kaniyang mga mata at bumalik kay Alexus at tumango bilang pag ti-tiyak.

Naiwan ang diwani nang maglakad na papunta sa kamara si Alena.

"Hayaan mong ipakilala ko ang aking sarili," sabi ng kawal. "Hafte Muros ng mga kawal ng Lireo."

"Avisala, Muros," ngiti ni Alexus. "Alexus naman ang aking ngalan. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?"

"Nakita ko ang tapang mo kanina sa paghuli sa may salang pumatay sa mahal na reyna," sabi niya. "Kahit hindi ka nagtagumpay, dahil saiyo, kahit papaano ay walang mas lalong napahamak."

"Wala iyon. Ginagawa ko lang ang tama."

Tumango si Muros. "Kaya nga nais kitang makausap." Mas tumayo siya ng tuwid at sinabing, "nais ko sanang ipagpaalam ka sa aming mashna upang maging bagong bantay at isa sa mga kalasag ng Lireo. Iyon ay kung papayag ka."

Nahirapan iproseso ni Alexus ang sinabi sa kaniya. "Hindi naman sa hindi ko gusto ang inaalok mo..."

Handa siyang ibaba ang inaalok sa kaniya. Sapagka't wala siyang panahon upang bantayan at pangalagaan ang isang kaharian. Pawang si Lira lamang ang dapat na makaranas ng iyon mula sa kaniya.

Ngunit sa kabilang bahagi. Mas matututukan niya si Lira kung mayroon siyang dahilan upang manirahan sa kinalalagyan niya. At isa pa, isa sa kaniyang gampanin ang pangalagaan din ang Encantadia. At parte ng Encantadia ang Lireo.

"Hindi mo ba naibigan ang aking panukala?" Talo na tanong ni Muros.

"Hindi sa ganoon..." Nag-isip pa siya ng ilang segundo at nagpasiya na. "Pumapayag ako."

Ngumiti hanggang tenga si Muros at inialay ang kaniyang bisig.

Tinanggap ito ni Alexus at kinamay ito.

"Naniniwala ako na isa kang magiging magiting na kaibigan ng Lireo," taas-noong sabi ni Muros. "Ipakikilala kita sa aming Mashna kapag nagkaroon ng pagkakataon."

---

"Alexus, nakita mo ba si Alena?" tanong ng rehav Ybrahim sa isang pasilyo habang sa likod niya ay naroon si Wantuk.

Bumagal ang kilos ni Alexus at nagdikit ang kaniyang mga kilay. "Ang huli naming pagkikita ng sang'gre ay nuong pumasok kayo sa Kamara ng reyna, mahal na prinsipe."

"Ganon ba..." Napababa ang tingin ni Ybrahim. "Sige, maraming salamat."

"Bakit, rehav? Nawawala ba si sang'gre Alena?" nag-aalalang tanong ni Alexus.

"Nagtampo siguro," pag u-usyoso ni Wantuk habang nakasuot ng ngiting nakakaloko.

Humarap naman sa kaniya si Alexus.

"Kung hindi ba naman nagpaiwan ang prinsepe sa mahal na reyna sa kaniyang silid-" nagulat ang diwani ng sikuhin ni Ybrahim si Wantuk, kung sino ay parang nawalan ng hininga at higpit ang hawak sa kaniyang tiyan.

"Hindi siya mawawala, Alexus," mahinhin at matigas na sabi ng prinsepe. "Dito siya lumaki. Ang Lireo ang kaniyang tirahan kaya't alam kong alam niya ang bawat sulok ng kahariang ito."

Dahan-dahang tumango si Alexus habang pasilip parin kay Wantuk. "Kung gayon... Ako'y mauuna na at hahanapin ko pa ang aking kaibigan na si Lira. Ngunit kung makasalubong ko man si sang'gre Alena ay agad ko siyang ihahatid sa iyo."

"Avisala eshma, Alexus," pagyuko ni Ybrahim. "Tunay na ika'y isang napakabuting nilalang."

"At maganda pa," biglang sabi ni Wantuk.

Purong nginitian lamang siya ni Alexus bilang pasasalamat sa matamis na salita. Lumingon naman si Ybrahim upang tignan ng masama ang kaniyang kaibigan upang patigilin ito.

"Tayo na, Wantuk," sabi ni Ybrahim.

Yumuko si Alexus at dumeretso sa paglalakad.

Napakalawak koridor ng Lireo. At marami rin itong kanto at kamara na hindi sigurado si Alexus kung nagagamit ba lahat. Kung sa bagay ay maraming nakatira sa palasyo.

Sa paglalakad ni Alexus, nahagip niya ang kaninang sang'gre na kanilang pinag-usapan ng rehav Ybrahim.

"Sang'gre Alena!" sigaw ni Alexus at bahagyang napatakbo sa kaniya.

Nabigla si Alena at lumingon, kaagad na naglakad kay Alexus.

"Kanina ka pa hinahanap ng prinsepe Ybrahim, tila lumayo ka sa kaniyang tabi."

"Kanina pa rin kita hinahanap, Alexus," sabi ni Alena habang pinagmamasdan siya ng may ginhawa.

Napahinto ang diwani. O hindi naman kaya ang oras - o ang kaniyang puso. Wala siyang malay, basta ang pagkakataon na ito ay para bang pinabagal ng panahon.

Bakit niya ba nararamdaman ang mga ito sa tuwing kaharap niya ang sang'gre?

Napansin ni Alexus ang mga mata ni Alena.

Parang naroon lamang silang muli sa silangan ng punong bulwagan ng Sapiro. Parang sa guhit ng kaniyang kapatid na si Pirena. Walang laman ng kasiyahan. Pawing katalunan ang sakit lamang.

"Malungkot ka..." mahinang sabi ni Alexus.

Agad na napatingin sa kaniya si Alena.

Sa kaniyang mga mata rin. Kamalasan lamang sa diwani at hindi ginawang kahawa-hawa ang pag-asa na nakaukit sa kaniyang sariling mata.

"Poltre..." Muling bumaba ang kaniyang tingin. "Gano'n ba kahalata sa aking itsura?"

Umiling si Alexus. "Hindi. Nguni't alam ko na malungkot ka," sabi niya na parang nagsasabi lang ng katotohanan. "At isa pa - hindi ba't sinabi ko na hindi ka dapat humingi ng paumanhin sa tuwing ika'y nakararamdam ng lungkot?"

Napalabas ng isang matamlay ng tawa si Alena. "At paano mo naman nalaman ang aking nararamdaman? May kapangyarihan ka ba?"

Napanganga ng bahagya ang bibig ni Alexus. "Ah, w- wala, no! Ah, ano kasi..."

Tumaas ang mga kilay ni Alena at ngumiti na para bang naaaliw sa kaniyang nakikita.

Umiwas naman ng tingin si Alexus at nag-isip ng maisasagot.

"Ang iyong mga mata, mahal na sang'gre," biglang sabi niya.

Agad na bumaba ang mukha ng sang'gre. "... Paumanhin?"

Pinaglaruan ni Alexus ang tela ng kaniyang puting kasuotan. "Payapa ang itim ng iyong mga mata. Malalalim din ang mga ito kaya't madaling makita ang kinang nito sa ilalim ng liwanag. Tanda ito ng mga nilalang na may labis na pananabik sa kasiyahan."

Tahimik ang sang'gre. Hindi parin tumitingin si Alexus sa kaniya ngunit kung gawin niya man, nasa palagay ang pagkabighani niya sa maamong ekspresyon ng pag-asa ni Alena.

"Uh," tunog ng diwani nang hindi umimik ang sang'gre. "Ang ibig sabihin nito ay kumikinang ang iyong mga mata sa tuwing wala kang inaalala."

Bahagyang napangiti si Alena. "Alam ko ang iyong nais iparating, Alexus," malambot niyang sabi.

Sa wakas ay tumingin na sa kaniya si Alexus. At muli niya nanaman naramdaman ang emosyon na pilit na nagmumulto sa kaniya sa tuwing kaharap si Alena.

"Hindi lamang ako makapaniwala na napansin mo ang ganong kaliit na bagay tungkol sa akin."

Uminit bigla ang pakiramdam si Alexus. Partikular sa kaniyang leeg at mga pisngi. Napansin ito ni Alena kaya't sinubukan niya ang kaniyang makakaya upang itago ang natatawang ngiti niya.

"Ang maisasaisip ko lang ay baka naman parati mo akong pinagmamasdan." Nakakalokong bumanat pa si Alena para lang makita pa ang kaibig-ibig na taranta ni Alexus.

"H- ha? Hin- hindi kaya! Marami lamang talaga akong nalalaman tungkol sa-" huminto si Alexus nang tumawa na ng sunod-sunod si Alena. Bumaba naman ang mga balikat ng diwani. "Binibiro mo ba akong muli, mahal na sang'gre?"

Hindi nakasagot si Alena sa sobrang tawa.

Pabiro na umiral si Alexus at hinintay lamang na tumahan na ang sang'gre.

"Hindi ko alam kung bakit hindi ko na ikinababahala ang aking pagiging sang'gre sa tuwing kaharap na kita," sabi ni Alena pagkatapos huminto na sa kakatawa. "Isa ito sa mga ipinasasalamat ko na naging kaibigan kita."

Hindi ko na rin ikinababahala ang aking pagiging diwani ng Devas sa tuwing kapiling ka.

Parang sinampal si Alexus nang maproseso niya ang kaniyang inisip.

Hindi. Hindi maaaring kalimutan niya ang kaniyang tungkulin at gampanin. Siguro ay dala lamang ng emosyon niya kaya naisip niya ang katagang iyon. Iyon marahil ang dahilan.

Iyon ang dapat na maging dahilan.

"Siya nga pala, mahal na sang'gre-"

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na tawagin mo na lamang ako sa aking ngalan?" mahinhin niyang pag-sermon sa diwani.

"Ah... Haha." Napakamot ng batok si Alexus. "Kung gayon... Alena?"

Napangiti ang sang'gre nang muli niyang marinig ang kaniyang pangalan mula sa kaniya. "Ano ito, Alexus?"

"Bakit mo nga ba ako nais makita kanina?" nagtataka niyang tinanong. Sinabi mo na kanina mo pa ako hinahanap."

"Ah... Oo nga pala."

Huminga ng malalim si Alena habang tumingin sa sahig. Hindi nagtagal ay bumaling muli siya sa diwani.

"Alexus... Nais kong makasama ka sa Sapiro."